Jadine 17

5.4K 176 11
                                    

Chapter 17: [ Meet Ericka Villongco ]

-

Nadine's Pov

Kakauwi ko lang dito sa mansion, balak kong mag pahinga at mamaya mag ma-mall ako kasama ang mga girlfriends ko. Wala naman si James nung pagkapasok ko, wala siya sa baba, wala rin siya sa kuwarto.

"Nay Rose! Nasaan po ba si James?" Tanong ko.

"Ay may pinuntahan lang siguro yun." Tumango naman ako.

Maka-punta na muna sa aking kuwarto, mag papahinga na muna ako baka sakali pag gising ko nandiyan na si James.

-

James Pov

Kakarating ko lang sa condo nila Yassie baka nandun si Nadine eh, pagkarating ko naman duon nag doorbell na ako, nakita ko naman mugtong mugto yung mata ni Yassie.

"O-oy James, ikaw pala bakit ka naparito?" Tanong niya habang pinapahid yung luha.

"Bakit ka umiiyak? Nag away ba kayo ni Andre?" Tanong ko.

"Ha? Hindi, pasok ka muna." Sabi nito, at nandun sila Julia,Shy at Kathryn. Bakit ganun? Umiiyak silang lahat.

"Bakit kayo umiiyak?" Tanong ko.

"A-ano, nanuod kasi kami nang palabas na nakakaiyak grabi." Sagot ni Shy at umiyak pa sila lalo, at kuha nang tissue.

"Wahh!" Sigaw ni Kath.

"Ang weird niyo ha, galing ba dito si Nadine?" Tanong ko.

"S-si Nadine? Waaa." Ano bang problema nang mga ito, parang mga baliw binanggit ko lang yung pangalan ni Nadine umiyak na.

"Kakauwi niya lang." Sabi ni Julia.

"A-ah ok, sige mauna na ako girls." Sabi ko at lumabas na at pumunta sa parking para pumunta sa mansion.

-

Nadine's Pov

"Nadine.. Akin lang siya.. Hindi mo siya maagaw."

"Sa akin lang siya, magka-matayan na sakin pa rin siya."

"Walang iyo, akin lang siya hinding-hindi siya mapupunta sayo!"

-

"Ah!"

"Wifey!"

Agad akong napa-upo at iyak nang iyak dahil sa panaginip ko, babae yung nasa panaginip ko, maputing babae kulot na buhok. Kinakabahan ako.

"Hey wifey? What happen? Inom ka na muna." Sabi niya at binigay sa akin yung tubig.

Uminom naman ako at huminga nang malalim. "W-wala, nanaginip lang ako nang masama." Sagot ko naman at tumayo na.

"Are you sure? Okay ka lang?"

"Yeah I'm fine."

"Pinuntahan kita kayla Yassie kaso kakauwi mo pa lang pala dito. Bakit umiiyak yung mga yun? Ano bang pinanuod niyo?" Napa-taas naman ang isa kong kilay.

"Nanuod?" Tanong ko.

"Oo, nanuod daw kayo nang nakaka-iyak sabi nila."

"A-ah? Oo. Nanuod kami nang drama nakakaiyak kasi yun eh. Tara na sa baba." Sabi ko at lumabas na saka bumaba.

"James, mamaya nga pala mag sho-shopping kami nila Yassie." Paalam ko.

"Ha? Eh bawal ka mapagod diba?" Nag aalala niyang tanong.

"Saglit lang naman yun don't worry uuwi naman ako kaagad eh." Sagot ko.

-

Kakatapos ko lang mag bihis at pupunta na ako sa mall, kasama ang mga friends ko. Pagka-baba ko naman nandun si James naka-upo sa sofa habang nanunuod nang Adventure.

"James, mauna na ako ha." Sabi ko.

"Yeah, mag iingat ka." Sabi nito sabay halik sa noo ko.

Lumabas naman na ako at nagpa-drive kay manong, pagkarating ko naman nadun na sila sa labas nang mall. Bumaba na ako at pinuntahan sila.

"Let's go girls." Sabi ko, pumasok naman na kami at pumunta sa forever 21.

Pagkarating namin sa F21, may nakita kaming isang babae t-teka -- s-siya yung nasa panaginip ko. H-hindi puwedeng magkamali ako siya yun.

"Oh shi-t Tago Nadine." Sabi ni Yassie at hinila nila ako papaalis dun.

"Bakit?" Tanong ko.

"Yung babae na yun ang kokontra sa buhay niyo ni James. Siya si --"

"I'm Ericka Villongco. Bakit? May problema ba dun?" Tanong nung Ericka, humarap naman ako at nagulat ako nung nakaharap ko siya.

"H-hi Ericka." Bati nila puwera lang sa akin.

"So? Ikaw si Nadine?" Tanong niya. I nodded.

"Oh well. Nice to meet you. Nakilala lang kita since nung sinabi ni Andre na kaibigan ka lang ni James. Kamusta na ba si James Bhebs ko." Lumaki naman ang mata ko.

Ano?! Siya si Ericka?! Yung -- hmpf. sagot-sagutin ko to eh.

"Ah yung James mo? Naku, wala na. May babae na siya, saka alam mo hindi ka na niya naaalala. Kasi wala siyang kilalang girlfriend." Nagulat naman siya, pati itong mga kaibigan ko sa sinabi ko.

"What are you saying?" Tanong niya pa.

"Wala siyang girlfriend pero asawa meron." Sabi ko sabay ngiti.

"Wife?" Tanong ulit niya,

"Oo, bakit hindi mo ba alam? AKO yung asawa niya. Ngayon mo lang din alam?" Sabi ko sabay cross arms at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Ikaw pala yung girlfriend niya --- dati. Well, hindi ka naman maganda eh. Maputi ka lang. Well, nice to meet you too Ericka. Tara na nga girls."

-

"Nadine ah! Kailan ka pa lumalaban?" Tanong ni Shy.

"Yeah, nice one Nadz. I like it ha." Sabi ni Kath.

"Akala ko sasampalin mo na si Ericka eh. Haha." Sabi ni Julia.

"Nag mana kasi sa akin si Nadine kaya siya natutong lumaban." Sabi naman ni Yassie.

"Nainis lang ako dun sa babaeng yun kung makapag salita akala mo naman kagandahan." Sabi ko.

"Pero dapat hindi mo siya kinausap, once na nagalit yun. Gaganti at gaganti siya sa nakatalo sa kanya." Sabi ni Julia.

"Your right Julia." Sabi naman ni Yassie.

"Alangan naman mag patalo si Nadine dun noh? Duh. Fight lang nang fight!" Sabi ni Kath.

"Oo nga naman, tama ka diyan Kath." Sabi ni Shy.

"Hay naku, ewan ko ba. Hayaan niyo na lang yung babaeng yun kumain na lang tayo."

Ngayon kilala ko na kung sino si Ericka. Hindi na ako matatakot pa, once na agawin niya ang akin. Hindi ako magpapatalo noh, magkamatayan pa!

-

Someone's Pov

He's only mine.

No one's can touch him.

Ako lang ang puwedeng humawak sa kanya.

Una pa lang, ako na ang mahal niya. Magkamatayan pa!

-

Taray naman nung someone na yan, charot. HAHA! Oh, mag u-update na ako araw-araw haha. Joke. PAG GUSTO KO LANG

He's My Bad Boy Husband | Book 1 | (JaDine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon