ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 33

0 0 0
                                    

❇ Separation ❇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❇ Separation ❇










"Kung ibang babae ka lang sana, siguro nahimatay na sila sa kilig dahil nasa kanila yung jacket ko." Bulong nya.

"Pwes wag mo 'kong igaya sa kanila." Sagot ko. "Tsaka hindi lahat ng babae ganon, meron din namang katulad ko."

"Ewan ko sayo." Aniya.

Aba!

"Ewan ko din sayo." Inis kong sagot tsaka na ako naglakad paalis.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" Tanong nya bigla kaya napatigil ako.

"Iniiwasan ba kita ngayon? Diba hindi? Tsaka kinakausap pa nga kita." Galit kong sagot. Tsk. Ang arte-arte kasi.

"Kinakausap mo nga ako pero galit ka naman. Bakit ba ang init-init ng ulo mo sakin? Nagsorry na nga ako, tinulungan pa kitang itakbo sa ospital non, tapos... Nagmamagandang loob na ako ngayon sayo. Bakit---"

"Kasi nga gusto kita." Halos pabulong kong sagot. Bwisit naluluha na naman ako. Bakas sa tono ng boses ko yung pagkagalit, kasi alam kong may galit pa din akong nararamdaman sa puso ko.

"Gusto mo ako... Pero galit ka sakin?" Tanong nya.

Hindi lang man sya nagulat sa pag-amin ko.

"Hindi ko alam pero... naiirita ako kapag nakikita kita." Direkta kong sagot, na may galit pa din sa boses ko. "Naiirita ako kasi... Kasi parang hindi ko deserve yung mga binibigay mo sakin. Naiirita ako kasi... Parang lagi akong kulang... Alam mo yon? Yung meron kay Sephira at Sandy na wala sakin. At naiirita ako sa sarili ko kung bakit pa kasi ikaw.... sa dinami-dami ng lalaki bakit ikaw pa?"

Hindi ko namamalayan yung sarili kong lumuluha ng dire-diretso.

Umiiyak na talaga ako.

"Hindi na nga kita maabot sa sobrang taas mo." Dugtong ko. "Ako? Hindi lang kasing baba ng tinatapakan mong lupa. Kasi parang nasa ilalim ako ng pilit na hinuhukay na semento... Ganon, ganon yung nararamdaman ko sa'yo. Ano? Masaya ka na? Masaya ka na ha?!"

"Valenie..."

"Gusto kita pero wag mong isipin na magiging mabuti na ako sa'yo." Sumbat ko agad tsaka ko na pinunasan yung luha ko. "Hindi ako sigurado kung magkikita pa tayo pero... Hinding-hindi na ako lalapit sa'yo. Salamat na lang sa lahat ng tulong na binigay mo sakin Arton."

Iyon ang huli kong sinabi tsaka na ako naglakad palayo.

"Valenie! Please... Come back..." Rinig kong sabi ni Arton kaya napatigil ulit ako sa paglalakad. "Ayokong mawala ka..."

Tumulo na naman yung mga luha ko... pero naglakad na ako palayo sa kanya.

Lumabas na ako sa mansion nina Sandy at sumakay ng taxi. Nagtext na ako kina mom at dad na masakit yung tyan ko kaya umuwi nako.

The Story Of Valenie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon