ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 11

3 3 0
                                    

❇ His Past ❇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❇ His Past ❇









Xen Arton's PoV,

Bumalik na kami ni Valenie sa room kung saan idinadaos ngayon yung party. Alam nyo na, yung boring na party.

Dismayadong dismayado pa yung mukha naming dalawa.

Napatingin ako sa kanya at mukang napaka-lalim ng iniisip.

Paano ba naman kasi, nakita namin sa cctv na tumalon si Harton mismo sa bintana ko! Takte talaga.

"Eh kung bumili na lang tayo ng bago." Bigla nyang sabi habang kumukuha ng wine.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Mr. Wilton? Hindi matatanggal at mapapalitan ng bago yung choker."

"Eh ikaw? May idea ka ba?"

Napa-isip ako. Isa lang ang paraan.

"Humingi na lang tayo ng tawad." Sabi ko sabay subo ng isang marshmallow na naisawsaw sa chocolate fountain.

"Ano? 'tayo'? Baka 'ikaw'."

"Anong ako? Tayo kasi magkapartner tayo." Tsk. Lakas talaga ng amats ng babaing to.

"Tse! Ayoko, ikaw na lang mag-isa! Bakit mo ba kasi pinab--"

"Oo na ako na." Irita kong sabi. "Tumigil ka na nga, mauuwi na naman to sa away eh."

Mabuti naman at tumigil na din sya. Pero ilang segundo, nagsalita na naman sya.

"Y-yung tungkol kanina... Kung ayaw mong sabihin kung ano man yon... okey lang. Kasi, base sa reactions mo kanina... Mukhang mabigat ang nangyari noon sa buhay mo."

Bwisit.

"Ano to? Back to topic?" Galit kong sabi.

"S-sorry..." Puro sorry lang ang alam nya. Kala ko ba matapang to? "Pwede mo bang sagutin yung isang tanong na bumabagabag sa isip ko?"

"Wala tayo sa question and answer portion."

"Basta sagutin mo na lang kasi." Kunot-noo nyang sabi. "Promise pag sinagot mo to, uuwi na ako."

Napahinga ako ng malalim at nagsalita. "Oo na sige na."

Biglang nabuhayan ang kanyang mukha. "So... bakit ang tindi ng galit mo sa babaeng kasama ng dad mo kanina? Yung... Renessy ang pangalan."

Biglang uminit ang ulo ko nang marinig ko ang pangalan na yon. Pero pinilit kong maging kalmado dahil baka masigawan ko na naman sya.

"Promise pag nasagot mo to, hindi na ako magtatanong pa at lalayuan na din kita sa Laselle. Deal?"

The Story Of Valenie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon