ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 25

0 0 0
                                    

❇ Not Yet Over ❇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❇ Not Yet Over ❇











"Maraming salamat sa lahat, Arton." Nakangiting sabi ni mom.

Nandito na kami sa bahay dahil kaka-discharge ko lang kanina sa ospital. Hinatid na rin kami ni Arton pauwi rito.

"Wala po yon." Sagot nya.

"You became the prince charming of my daughter."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni mom.

Seryoso?

"Mom, pauwiin mo na lang kasi si Arton. Diba Arton may practice ka pa sa gaming?" Sabi ko at itinulak si Arton palabas ng bahay namin.

"Hahatid ko kayo mamaya papunta ron." Paabot nya tsaka na sya umalis.












❇ ❇ ❇










Tanghali na at nandito na naman kami sa korte. Ako, si mom, si Shan, si Arton, at pinapunta ko rin sina Darwin, Jenzel, at Marco.

Alam ko kasing kailangan nilang makita si Mackaye ngayon kung sakali syang makulong.

Halos maiyak naman ako ng makita kong inilabas ng mga pulis si dad. Napakahaba na ng balbas nya. Tapos... ang dumi-dumi na ng damit nya na kulay kahel.

Tsk. Napakasama ko kasi, hindi ko man lang naisip na dalawin sya.

Napatingin naman ako kay Mackaye. Kahit papano ay may konting awa pa din akong nararamdaman para sa kanya.

"Anong mas gusto mo? Ipakulong si Mackaye para makalaya na ang dad mo, o wag ipakulong si Mackaye para hindi na makalaya ang dad mo?" Tanong bigla ni Arton sakin.

"S-syempre gusto kong makalaya si dad. Pero... kaibigan ko din naman si Mack kahit papano." Sagot ko.

"Sino naman ang pipiliin mo? Ako o si Mackaye?" Bakas sa boses nya ang pagkagalit.

"Bakit mo naman yan natanong?" Naguguluhan kong tanong.

"Basta sagutin mo na lang." Irita pa nyang sabi.

Hays, di ko talaga sya magets kahit kelan.

"Kung sa friendly type... si Mack, at kung sweet type..." Hindi naman ako pwedeng magsinungaling. "Si Mack pa din. Pero kung..."

Bigla syang tumayo at naglakad palabas ng korte.

Huh? Problema non? Sasabihin ko palang sana na kapag sa... caring and protective kind naman, walang iba kundi sya yon.

Kaya pala ang bait-bait non sakin, kasi may gusto sya sakin. Hahaha, kaya pala na-triggered ang ulol.

Bumalik agad ako sa totoong mundo ng makita kong kinukuha na ng pulis si Mack.

The Story Of Valenie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon