❇ Friends ❇
Napatingin ako sa kanya at nakatitig lang sya sakin.
Siguro iniisip nya na umiiyak na naman ako, na ang hina-hina kong tao.
Hindi ko na kasi napigilang itago yung sakit. Na mawawalan na ako ng papa...
Ayoko... Ayokong makulong si dad. Kaya nga naiyak ako sa sinabi ni Arton na ang damot ko raw. Kasi totoo naman eh, hindi ko natutulungan sina mom at dad. Napaka-selfish kong tao, hindi ako nagiging independent. Kundi lagi akong nag-dedepend sa kanila.
"Sige, ganito na lang. Dahil napaka-gwapo kong nilalang... Ako na lang yung manlilibre." Sabi nya bigla.
Hindi ko alam kung nang-aasar ba sya o hindi pero hindi ako natutuwa sa mga sinasabi nya.
"Wag na... Iwan mo na lang ako dito." Sagot ko tsaka ko pinunasan yung luha ko at tumingin ulit sa bintana.
Naramdaman ko syang tumalikod at lumabas sa room.
Mabuti naman kung ganon.
May peacefulness na sa paligid.
Huminga ako ng malalim tsaka ako yumuko. Itinapat ko yung ulo ko sa armchair ko, tsaka ako unti-unting pumikit.
❇ ❇ ❇
Agad din akong bumangon ng mapagtanto kong nakatulog pala ako.
T-teka....
Nasan ako?
"Gising na ang prinsesa." Nakangiting sabi ni...
"Marco?" Gulat kong tanong.
"Yup. One and only." Aniya.
Kung nandito Marco Villegas, malamang nandito din si Xen Arton Morales.
Napatingin ako sa paligid at mukhang wala ako sa classroom o di kaya sa clinic.
"Don't worry, nandito ka sa Erangel."
"E-erangel?" Mukhang ngayon ko lang kasi narinig yung lugar na yon.
"Ah, in short. Nasa kwarto ka namin ni Arton."
"Ano?!" Sigaw ko. "Wag mong sabihing..."
"N-No, hindi... hindi ka namin ginalaw. Chill ka lang Valenie, hindi kami ganong tao okey?" Aniya habang kinakapa ko yung katawan ko kung masakit ba o hindi, at salamat sa Diyos mukhang wala namang nangyari.
BINABASA MO ANG
The Story Of Valenie (Completed)
Teen FictionH I S P O V , Hindi ko alam kung bakit dumating sa buhay ko ang isang babaeng halos ibabad na nya sa mukha nya ang mga libro. Ano ba kasing meron sa mga libro? Eh puro sulat lang naman ang nandun eh. Buti pa nga ako may mukha eh yung mga libro? Wa...