ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 14

0 0 0
                                    

❇ Family Problem ❇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❇ Family Problem ❇










Mukhang hindi pa nila namamalayan ang presensya namin ni Shan.

"What happened?" Naglakas-loob kong tanong.

Sa wakas at napatingin din silang dalawa samin.

"Sabahin mo sa mga anak mo ang kagaguhang pinag-gagawa mo Vincent!" Galit na sigaw ni mom.

Ngayon lang namin syang makitang magalit ng ganyan. At sure akong sobrang bigat ng problemang ito.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong lumuha. Siguro ayoko lang makita ang mga magulang ko na nag-aaway.

"Tell them!" Mom repeated.

"Hindi ko kasalanan yung nangyari Valentina, maniwala ka..." Sagot ni dad.

"Anong 'maniwala' ang pinagsasabi mo?" Nanginginig na sagot ni mom. "Hayup ka--"

"That's enough!" Sigaw bigla ni Shanile na ikinatigil nina mom. She can't help but to cry also. "Tama na po yan.... please..."

"Van anak, umakyat muna kayo ng kapatid mo sa kwarto nyo." Mahinahon na utos ni dad.

Wala na kaming nagawa ni Shan kundi ang sumunod. Kasi pinalaki nila kami ng maayos kaya hindi na kami magrerebelde pa.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko. Dali-dali ko na itong ni-lock. At doon na ako nagdrama.

This is the first time na nag-away ang mga parents ko, and it hurts. Humihikbi na nga ako sa sobrang iyak ko. At rinig na rinig ko pa din ang mga sigawan nila sa ibaba. Na lalo kong iniyakan. Kasi, naiisip ko na baka magkaroon na kami ni Shan ng broken family. At ayokong mangyari yon.

Sino ba namang anak ang may gusto non diba?

Kung may problema ako, wala akong ibang nilalapitan kundi ang lola ko. But now she's not here anymore. So mag-isa na ako ngayon. Wala na akong makakapitan.

Nakita ko ang litrato namin ng lola ko noong bata pa ako sa tabi ng kama. At agad ko yon kinuha at niyakap.

"W-what am I going to do now g-grandma?" Bulong ko sa ere habang putol-putol ang paghinga ko.

I suddenly felt goosebumps in my entire body. S-siguro nandito yung lola ko. Dinadamayan ako. Naririnig nya pa rin ako, and I'm happy for that.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil buong nagdamag akong umiyak sa kwarto ko...




The Story Of Valenie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon