ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 22

0 0 0
                                    

❇ The Truth ❇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Truth ❇











"Waiter!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki kaya agad akong pumunta ron.

"Ano pong order nyo?" Magalang kong tanong habang nakatingin ako sa listahan ko. Hinihintay kung ano ang oorderin nya.

"Two coffee please, and.... I need to talk to you for a minute."

Napatingin ako sa lalake at laking gulat ko ng makita ko sya. Pati si Jenzel.

"Wala akong oras para makipag-usap sayo, Mackaye." Seyoso kong sabi tsaka na ako umalis para kunin ang order nila.

Nang makabalik ako sa pwesto nila ay linapag ko na agad ron yung order nila.

"Actually, Valenie. Para sayo yang isang coffee. Pupunta na ako sa school, bye." Sabi bigla ni Jenzel at niyakap ako tsaka na sya umalis.

Huminga ako ng malalim at umupo sa harapan nya. Mukha kasing hindi sya titigil hangga't hindi nya nasasabi sakin yung gusto nyang sabihin.

"Bibigyan kita ng thirty minutes para magpaliwanag." Walang gana kong sabi.

Hindi sya agad nakapagsalita at napatingin sa damit ko.

Kulay green yon na polo na naka-tack-in sa black skirt ko, naka-apron din ako ng kulay itim at nakasulat sa gilid non ang pangalan ko. Pang waitress lang talaga yung dating, malamang.

"May trabaho pa ako, Mackaye." Kunot-noo kong sabi.

"First of all, I want to say sorry. Napaka-gago ko kasi naghihirap ka ngayong magtrabaho dahil sakin..." Labas sa ilong nyang sabi.

Mas lalo akong napakunot-noo sa sinabi nya.

"Kasalanan nyo talaga to ng gago mong tatay. Ngayon ako na yung tumatayong ama sa pamilya namin." Di ko na napigilan yung sarili kong sabihin yon.

"I'm sorry, alam kong walang magagawa yung sorry ko pero sorry pa din." Naiiyak na nyang sabi. "Pangalawa, g-gusto kong sabihin na... g-gusto kita..."

Natigilan ako bigla sa sinabi nya at kinapa ko yung dibdib ko. Akala ko makikilig ako pero hindi. Wala na talaga akong feelings para sa kanya... Kasi napalitan na lahat yon ng poot at galit.

"And lastly, before I say these. I want you to know na hindi talaga ako makatulog gabi-gabi kakaisip sayo ng dahil sa nagawa ko..."

Hindi muna ako nagreact at hinintay muna syang magsalita.

"I.... I know who killed my mom. And its not your dad."

The Story Of Valenie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon