ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 3

26 6 0
                                    

❇ Welcome Home ❇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❇ Welcome Home ❇











Sa wakas at natapos din ang first day of school. You know what? Laselle Academy is giving me a hard time already. Isa pa yung Xen Arton Morales na yun eh. Kung panira ako sa araw nya edi panira rin sya sa araw ko. Psh! Kala mo kung sino.

"Ate Van!" Sigaw ng isang babaeng papalapit sakin.

"Shan!" Sigaw ko din tsaka ko sya yinakap.

Sya si Shanile Harper. My younger sister. Grade 10 palang sya. 15 years old. Maganda, matalino, masipag mag-aral, at mabait. Halos lahat na nga ng pwedeng hanapin sa isang babae ay nasa kanya na. Minsan nga nagseselos ako sa kanya eh. Kasi laging naka tuon ang pansin nina dad at mom sa kanya.

Noong nasa US pa kami, laging nagkakaroon ng award si Shanile noon. Laging nandyan naman sina mom at dad para suportahan sya. Eh ako? Nganga. Pag may award ako? Sorry nak may emergency kasi sa office namin, sorry nak may inasikaso lang, sorry nak were late. Ganon ang sinasabi nila pag hindi sila nakakaabot.

Pero ni minsan, hindi ako nagtanim ng galit sa kapatid ko. Hindi naman nya kasalanan kung bakit mas maganda at mas matalino sya kesa sakin. Basta ang alam ko lang, kapatid ko sya kaya dapat suportahan ko din sya sa mga pangarap nya.

Pumunta na kami sa parking area tsaka ko na pinaandar yung kotse ko. Sumakay na din si Shanile. Ayaw kasi ni dad na magdriving lesson sya.

"So, kamusta sa section mo? Okey lang ba?" Tanong ko. Habang nagdadrive.

"Okey naman ate. Ikaw?"

"Hindi." Nababagot kong sagot. Nilalabas ko kasi lahat ng sikreto ko sa kapatid ko kaya napaka-close namin.

"What happened ba?"

"Dahil yon sa classmate kong lalake na ubod ng pangit na ugali. Gwapo nga, minamaliit naman nya yung mga tao."

Halos mabangga ko na yung kotse sa tabi ng puno ng biglang sumigaw si Shanile.

"Shan ano ba! Muntik na tayong maaksidente oh!" Yes its me. Her over-- I mean super protective older sister.

"Kyaaaaaa!!! Sya kasi ate oh!" Pinakita nya sakin yung pic na nasa cellphone nya at si... "Napakapogi talaga ni Kuya Marco! Kyaaaaa!!"

Nabibingi na ako sa babaing to. Ang ingay ingay. Parehas sila ni Jenzel.

"Oo na pogi na si Marco Villegas."

"Don't tell me na classmate mo sya Ate Van." So? Anong mangyayari pag sinabi kong classmate ko sya?

"Yes."

"Ano?!" Eto na naman tayo eh. Muntik ko na naman maibangga sa gilid ng tulay. This time tinigil ko na yung kotse.

The Story Of Valenie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon