ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 8

9 4 0
                                    

❇ Overtime ❇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❇ Overtime ❇












After ng lunch break na yon. Dumiretso na ako sa second class ko-- este kami pala nina Arton at Mack.

"Valenie! Kamusta? Okey lang ba kayo ni Arton sa pag-aalaga kay Honey Arton-- I mean Harton?" Bungad ni Jenzel.

"Okey naman. Hawak pa nga nya oh." Sagot ko sabay turo kay Arton na bitbit si Honey.

"Oh Mackeye! Andito ka din?" Gulat na sabi ni Jenzel.

"Hindi wala ako rito." Sarcastic na sagot ni Mack.

"Woah. Ano to boys? Paunahang ligawan si Valenie?" Bungad ni Marco habang bitbit yang si Choco.

"Tsk. Kung ano-anong pinagsasabi mo." Kunot-noong sagot ni Arton. Samantalang si Mack naka-silent mode lang ang peg.

"Uhm, Valenie... kita na lang tayo ulit mamaya, aalagaan ko na din kasi yung bunny namin ni Suzie." Paalam ni Mack.

Ang cute! H-huy Valenie ano ba! Ang landi... Tsk.

"S-sige..." Utal ko pang sagot.

Isang mala-anghel lang na ngiti ang sagot nya tsaka na sya nagtungo sa upuan ni Suzie para kunin yung bunny nila. Hay... sana ako na lang si Suzie. I mean, sana kami na lang ni Mack ang nagpartner.

"Huy! Anong iniisip mo ha?" Nakangising sabi ni Jenzel. Natauhan agad ako dahil sa sinabi ng babaing to.

"W-wala." Sagot ko.

"Ang OA mo." Kunot-noong sabi ni Arton. Hay! Inggit lang to. "Tara na nga Marco." Ayan! Umalis na din sila at dumiresto sa kanilang upuan.

Galeng diba?! Mas OA sya. May mood swings ba yung lalaking yun?!

Sakto dumating na yung subject teacher namin. Kaya dumiretso na din kami ni Jenzel sa mga upuan namin.





❇ ❇ ❇






"Hoy babae ka ang tagal mo!" Imagine?! 4:00 pm ang uwian namin tapos 5:30 lang dumating dito sa parking lot si Shanile?! "May tinatago ka ba sakin ha?"

"Ate, nag-overtime kasi kami sa last subject namin kasi di natapos sa saktong oras yung report namin sa physics." Taas kilay nyang sagot.

"Sure ka?"

"Oo nga ate." Aniya. "Alam mo? Dumaan na lang tayo sa mall libre ko. Lezzzgo!!"

Tsaka na sya tumakbo papasok sa kotse ko. Hay. Pumasok na din ako at pinaandar yung makina.

Pagdating namin sa mall, linibre kaagad ako ni Shanile ng miryenda sa Starbucks. Masarap kumain pero mas masarap magbasa ng libro noh. Agad kong inubos yung pagkain at pagkatapos non ay dumiretso muna kami sa national bookstore.

The Story Of Valenie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon