ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 29

0 0 0
                                    

❇ What's in thePaper Bag? ❇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

What's in the
Paper Bag?









Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na din kami sa bahay namin.

"Salamat sa paghatid sakin." Sabi ko kay Arton ng makalabas na ako sa kotse ko-- este kotse na nya pala.

"Nabuksan mo na ba yung paper bag?"

Oh no. I forgot about that.

"Uhm, hindi pa eh. Naging busy kasi ako this past few days." Sagot ko.

"Ah, ganon ba?" Seryoso nyang sagot.

Bakit parang napaka-importante ata yung binigay nya sakin? Ano kaya yon? Mabuksan nga mamaya.

"Sige una na ako." Paalam ko.

"Sige, bye." Sagot nya.

"Bye!" Sigaw ni Marco sa likuran.

Ngumiti na lang ako tsaka na ako pumasok sa bahay.

Ng makapasok na ako sa bahay, napatingin ako sa paligid at wala pa sina mom at dad. Pumunta naman ako sa kwarto ni Shan at hindi pa sya umuuwi.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at naisipang buksan yung binigay ni Arton sakin.

Una kong nakita ang isang shoe-size na box na color pink. Kaya agad ko itong binuksan.

Cupcakes?

Natawa ako bigla.

"Grabe naman sya magregalo. Cupcakes talaga?" Bulong ko sa sarili ko. "Pero... Thank you Arton. Ngayon lang kasi ako mabigyan ng ganito."

Ngumiti ako at inamoy kung hindi pa sya panis. At mukhang okey pa naman kaya tinikman ko agad yon.

Mmmm, ang sarap ah.

Hinalungkat ko ulit yung paper bag habang kinakain yung cupcakes. At may nakita akong... L-libro? Tatlong libro na naka balot.

Bago ko ito mabuksan ay binasa ko muna ang nakasulat sa balot non.

'Si Ate Anilena ang nag-pack nito, nakita nya kasi 'to sa silong ng kama ko. Sabi nya ipamigay ko na lang daw at napaisip naman ako. Aanhin ko naman ang libro diba? Kaya naisip ko na sayo ko na lang ibibigay.'

The Story Of Valenie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon