ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 16

0 0 0
                                    

❇Life of a Pauper❇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Life of a Pauper❇









Ng buksan ko ang ilaw sa living room namin. Nagulat ako ng marinig kong may nagsasalita sa loob ng kwarto nina mom at dad.

I'm sure isa sa kanila.

Lumapit ako sa pintuan nila at pinakinggan ito.

"Patawarin mo na sana ako... Valentina..." Narinig ko ang pagmamakaawa ni dad.

"Pinapatawad na kita..." Nabuhayan ako ng dahil sa narinig ko kay mom. "P-para sa mga bata..."

Ilang minuto silang hindi nagsalita. Ngunit puro hagulgol ang naririnig ko.

"Tanggal na ako sa trabaho, at bukas na yung unang hearing ko." Rinig kong sabi ni dad. "Don't worry, hahanap pa din ako ng trabaho. Pero sa ngayon... magtitipid muna tayo."

"Ipagpatuloy mo lang yang hearing mo. At hahanap din muna ako ng trabaho."

Hindi ko na nagustuhan pa yung pinag-uusapan nila kaya pinatay ko na lang yung ilaw at umakyat na ako sa kwarto ko.

Pagkatapos kong magpalit ng damit. Naghanap muna ako ng mga librong babasahin.

Ng makagitna na ako sa binabasa ko, narinig kong biglang tumunog yung cellphone ko.

A new message from Mackaye.

Message lang pala, kala ko tawag eh.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ganito ba talaga 'pag gusto mo yung isang tao?

From Mackaye:
Ba't wala ka kanina buong klase? Jenzel and I were very worried. Hope ur okey...

Masaya ako at nag-aalala sya sa'kin.

To Mackaye:
Okey lang ako, salamat sa concern. :)

Gusto ko sanang sabihin sa kanya yung totoo, kaso nahihiya ako. Buti pa sa Arton na yun, di ako nahihiya.







❇ ❇ ❇







Maaga akong nagising kaya agad na akong nagbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa kusina. Sooooobrang nagugutom na talaga kasi ako. Tsaka hindi pala ako kumain buong araw kahapon. Ilang higop lang  yung nainom ko dun sa sabaw na binigay nina Marco at Arton.

Napatingin ako sa mesa at wala pang nakahain na pagkain.

Asan si yaya?

"Pasensya ka na talaga Gina..." Rinig kong sabi ni mom mula sa labas.

The Story Of Valenie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon