Chapter 04: In Pain

1K 14 2
                                    

Chapter 04: In Pain

"Yung totoo Sav? Ilang buwan kang hindi kumain?" tatawa-tawang pang-aasar ni Kevin kaya tintigan ko siya ng masama.

"Pftt..ahahaha oo nga Sav dinaig mo pa yung bibitayin."dagdag na pang-aasar ni Braelyn sa akin kaya napapout ako at napatigil sa pagkain.

Nandito kami sa cafeteria ng school dahil may 30 minutes na breaktime pa naman kami kaya naisipan namin na kumain dito.

"Kasalanan niyo yon noh! Sabi niyo hihintayin niyo ako tapos malalaman ko na lang nauna na pala kayo hindi niyo man lang ako hinintay. Hindi tuloy ako hmmpptt." paninisi ko sa kanila.

"Sav..ang usapan 6:30 hindi 7:30 alright? Baka nahehelo ka ghurl? Hahaha yan kasi. Ewan ko ba sayo Sav wala ka namang lovelife at makakalate night talk mo para magpuyat pero lagi ka nang late magising! Hahaha" si Braelyn.

"Hey! Pake mo ba sa love life ko? At ang mga may lovelife lang ba ang pwedeng magpuyat? Nasan ang hustisya huh? hindi ba pwedeng hindi lang makatulog or inatake ng insomia huh?..tsk." irita kong sabi pero natawa lang sila kaya napailing na lang ako dahil sa pang-aasar nilang dalawa.

"Don't worry Babe Sav..next time si Braelyn na ang iiwan natin bwahahaha" pang-aasar ni Kevin kay Braelyn kaya malakas siya nitong binatukan pero tawa lang ng tawa si Kevin.

"Ehh kung ibinabalibag kaya kita diyan huh? You want?" asar-na asar na sabi ni Braelyn.

"Hey you two calm down..baka kayo magkatuluyan niyan? Hahaha" biro ko ngunit hindi man lang sila tumawa at tiningnan nila ako ng masama. "Oii mga mata niyo..tusukin ko yan. E diba nga? The more you hate the more you love?" dagdag ko pa.

"Maubos man ang lalaki sa mundo Sav hinding-hindi ako papatol sa ulupong na ito nohhh!!" si Braelyn at dinuro-duro pa si Kevin at halatang naasar si Kevin dahil nakatiim-bagang na ito at nakakunot ang noo.

"Hoy babae! Asa ka naman na gusto kita noh! Mas gusto ko si Babe Sav kaysa sa katulad mong warfreak!" ganti ni Kevin.

"Ako? Warfreak! Pwes ikaw bakla ka!! bakla!!!" si Braelyn at sinabunutan si Kevin na gumaganti din ng sabunot kay Braelyn.

"Hindi ako bakla!" si Kevin.

"Ano ba naman yan pfft..tumigil na nga kayo mukha kayong mga tanga diyan ohh? pinagtitinginan na tayo ng ibang students dito sa cafeteria" natatawa kong awat sa kanila kasi grabe laughtrip hahaha.

"Kyaaaaahhhhhhh!!!!!!" napatigil sa pag-aaway sila Kevin at Braelyn nang  makarinig kami ng tili ng mga babae.

"Ayy palakang tumuwad!" gulat na gulat na reasiyon ni Braelyn

Siguro kung wala ang atensiyon ko ngayon sa mga babaeng tili ng tili ay natawa na ako sa reaksiyon ni Braelyn ngunit inlaan ko ang atensiyon ko sa kung anong meron at bakit nagtitilian ang mga babae. Bigla ding napuno ang mga tao dito sa cafeteria na akala mo ay may zombie apocalypse sa sobrang dami ng mga estudyante.

"OMG!!! dito kakain sila baby Ayden!!!"

"Oo nga.. makikita ko nanaman si Finn my loves!"

"Girls..hindi ba nakakapagtaka? Bakit dito sila kakain ngayon e diba hindi naman sila nakain dito dati dahil may sarili silang lugar kung saan sila kakain?"

"Ano ka ba girl ang mahalaga nandito sila ngayon! Kyyyyaaaahhh!!"

"Oo nga! Omg!!!! Nandiyan na sila!!"

Tili iyon ng mga baba dahil sa mga 'IDOL' kuno nila. Bigla akong nakaramdam ng inis nang malaman kong dahil lang pala sa tatlong ugok kaya nagkakaganoon ang mga babae at mga bakla dito sa cafeteria. Wait..tatlo? Wtf?!! Ibig sabihin pati si Ayden kasama.. dammit ayoko siyang makita dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan kung anong ginawa niya sa akin sa parking lot.

My Manipulative StepbrotherWhere stories live. Discover now