Chapter 05: Expectation Vs. Reality (Part 1)Grabe ang bilis talaga lumipas ng araw..hindi ko namalayan na Sunday na pala.
"Sav?!! Are you already awake?!" rinig kong pasigaw na tanong ni mommy galing sa labas ng kwarto ko.
"Yes mom!" sagot ko..i don't know why my mom is so excited this day and she told me to wake up early kasi aalis kami and hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Bumaba na ako sa dining room para makapagbreakfast na and nadatnan ko si mommy don na bihis na bihis na. Taka akong tiningnan siya mula ulo hanggang paa kasi..grabe! Ang bongga ni mommy today..she is so beautiful and sophisticated. She is wearing a white fitted dress with a slit well..kanino pa ba ako magmamana? Hahaha.
"What the...Sav why are you still not prepared?" mommy asked.
"Mom! it's still 6:00 in the morning..wala pa nga akong breakfast ehh." hindi makapaniwalang sabi ko.
"Okay fine..magbreakfast ka na and after maligo ka agad and isuot mo na yung dress na ibinili ko sayo alright baby?"
"Wait mommy..ehh san ba kasi tayo pupunta?" puno ng pagtataka kong tanong.
"You will meet them baby.." parang kinikilig na sabi ni mommy.
"What? Sinong ime-meet?" i asked
"Nolan-my soon to be husband and his son baby Sav! Omg!! I'm so excited baby!! For sure you will like them" aishhhh kaya naman pala bihis-na bihis si mommy at napataas ang kilay ko dahil para talagang teen ager si mommy kung kiligin. Napailing ako at napangiti.
I'm happy to see my mom being happy again because of the man she loves.
Nagsimula na akong kumain kasabay si mommy. Napapailing na ĺang ako sa kaniya dahil ngiting-ngiti siya habang kumakain..haystt ang mommy ko talaga nagdadalaga na..hahahaha pano ba naman kasi ehh kilig na kilig siya dinaig niya pa ako.
"Baby..pack your things also..Nolan said na doon na tayo tumira sa Mansion since engage na kami..okay lang ba sayo yon baby?" nag-aalangang tanong ni mommy.
Gusto ko sanang tumutol dahil lahat ng memories ni daddy ay nandito sa bahay na ito pero..hindi ko kayang sirain ang araw na ito para kay mommy dahil sobrang saya niya ngayon. Pwede pa naman ako bumalik dito ehh..and God knows that i wont forget all my memories with daddy lagi kong babaonin iyon.Alam ko naman na nadiyan lang lagi si daddy..kahit wala na siya ay alam kong lagi lang siyang nasa tabi ko at ginagabayan ako.
"Ofcourse mommy no problem" nakangiti kong aniya ngunit may lungkot pa din akong nararamdaman. Tumayo si mommy para lapitan ako at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap..yumakap na lang din ako pabalik sa kaniya.
"Baby Sav..i know na mahirap ito para sa iyo..i'm your mother and alam na alam ko kung anong nararamdaman mo ngayon. Mahirap din para sa akin iwanan itong bahay natin dahil napakaraming masasayang memories dito kasama ang daddy mo pero naisip kong tama si Nolan..hindi natin makakalimutan ang masasakit na pangyayari sa buhay natin sa nakaraan kung magii-stuck tayo sa past...we need to move forward Sav para maging maayos at masaya ang future natin at alam kong iyon din ang gusto ng daddy mo para sa atin" sabi ni mommy habang umiiyak na at hundi ko rin mapigilan ang mga luha ko na bumabagsak.
"Yes mommy..your right.. don't worry mommy payag na po talaga ako na doon tayo tumira...shh mommy don't cry.." pang-aalo ko kay mommy at humiwalay na kami sa isa't-isa mula sa pagkakayakap.
"Thank you baby..thank you for always understanding me. You are always sacrificing your happiness for me.." nakangiti na sabi ni mommy.
"Aishh..tama na nga drama mommy i will pack my things pa ohh" natatawa kong sabi kaya natawa din si mommy..actually mukha na kaming tanga dito ni mommy kasi natawa kami habang nagpupunas ng luha.