Chapter 08: Punishment

1.3K 17 2
                                    

Chapter 08: Punishment

Huhuhu..ang sakit ng mata ko!!!

Busog na busog yung mga eyebags ko jusko. Kung nakakapagsalita lang itong mga 'to kanina pa ako natadtad ng mura.

This is Ayden's fault!! That Asshole!

Kung hindi siya naglasing hindi sana mangyayari iyon! Dahil sa kaniya hindi ako nakatulog kakaisip sa inosente kong pwet na hindi na inosente dahil sa kumag na iyon!

Nadikitan lang ng ano...yung ano...ay basta yung ano niya! Alam niyo na yon!

Kasalukuyan akong nakahiga lang sa kama. Hindi muna ako pumasok dahil parang masama ang aking pakirandam.

Tologo ba Sav?

Oo na!! Hindi talaga masama pakiramdan ko! Peste naman 'tong utak ko walang kooperasyon.

Hindi talaga ako pumasok dahil hanggang ngayon iniisip ko pa din yung nangyari kagabi at sa tuwing maalala ko ay nag-iinit ang buong mukha ko at nagba-blush Hiyang-hiya ako kaya kahit magtatanghali na ay hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto at hanggang ngayon ay hindi pa din ako kumakain. Sunod-sunod na din ang mga pagtawag at text sakin ni Braelyn pero hindi ko iyon sinasagot dahil baka kulitin lang ako non na pumasok. Kahit ayaw ko naman na maistorbo dahil sa mga tawag at text ay nagtataka pa din ako dahil lately..paeang umiiwas sakin si Kevin.

Dati rati araw-araw ako nakakareceived ng mga tawag at text sa kaniya ngunit ngayon ay wala na kahit man lang pangangamusta ay wala. Kapag napasok naman siya sa school ay nahiwalay siya samin ni Braelyn at nagpalipat na din siya ng upuan..so weird..kahit nakakainis ang pang-aasar ni Kevin mahalaga pa rin siya sakin. Mahalaga ang mga kaibigan ko sakin at nag-aalala ako sa kaniya. Plano ko sanang kausapin siya ngayong araw kaso biglang nangyari yung kagimbal-gimbal na pangmamanyak ni Ayden kaya nawalan ako ng gana pumasok.

Idagdag pa na mamalagi si Ayden pansamantala sa mansiyon na 'toh, yon ang sabi sakin ng maid..kahit ayaw ko na nandito siya ay hindi ko naman siya pwede paalisin dahil anak siya ng may-ari ng bahay..sino ba naman ako para paalisin siya diba?.

Kahit randam kong galit na galit na mga halimaw ko sa tiyan ay tinitiis ko dahil sinabi sa akin ng isang maid kanina na buong week daw magi-stay si Ayden dito.

Like..wtf? Ano yun buong isang linggo din ako hindi lalabas ng kwarto? NO WAY! Tsaka bakit ba ako mahihiya? Eh siya nga dapat ang mahiya dahil siya ang may kasalanan sakin!

Tama! Tama!

Buong tapang akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at saktong pagbangon ko ay tumunog ang tiyan ko.

Takte! Ang sakit na ng tiyan ko. Gutom na talaga ako!

Hawak ang tiyan kong nilakad ang distansiya ng pinto ko para makalabas. Binuksan ko na ang pinto at nang makalabas ako ay pansin kong napakatahimik ng paligid at puro mga maid lang ang nakikita ko.

Napahigpit ang hawak ko sa aking tiyan ng marinig kong tumunog nanaman ito. Potekk di ko na talaga kayang pigilan ang gutom ko.

Dali-dali akong bumaba papuntang dining room. Dahil nasa taas ang kwarto ko kinailangan ko pang bumaba papunta dito.

Dumiretso agad ako sa ref dahil laging may nakastock na mga pagkain don. Pagbukas ko pa lang ng pinto ng ref ay nagningning ang aking mata dahil sa aking mga nakikita.

Woaaaahhhh Heaven...daming foods!!!

Nagmadali akong kuhain ang mga natipuhan kong mga pagkain sa refrigerator dahil baka may makakita sa akin at isiping patay gutom ako.

Hindi nga ba patay gutom Savannah?...

Yawa 'tong utak na toh..sarap ihiwalay sa ulo. Tse!! I'm not patay gutom alright? I'm just hungry.

My Manipulative StepbrotherWhere stories live. Discover now