Chapter 11: Just a Dream

552 9 3
                                    

Chapter 11: Just a Dream

Nagmulat ako ng mata nang maramdaman kong tinatamaan ako ng sinag ng araw.

"Arghh ano bang nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko?" namamaos kong aniya dahil kakagising ko pa lang at ayoko pang bumangon sa aking kama--what? Kama? "Paano ako napunta dito? Sa pagkakaalala ko ay nakipagkita ako kay Kevin." inalala ko pa ang ibang nangyari kahapon at napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko lahat ng nangyari.

"Daaaaammnnn!!!!!" sobrang lakas kong sigaw at nagulat ako nang may padabog na binuksan ang pinto sa kwarto ko.

"Shit! Why the hell are you shouting?!" napatulala ako kay Ayden na parang bagong gising lang at hinihingal. Wtf? Nasaan ang hustisya? Bakit ang gwapo pa din niya kahit kakagising lang? Samantalang ako mukhang pugad ng ibon yung buhok ko at pakiramdam ko ay may mga muta pa ako sa mata.

Hey Sav..stop complimenting that bastard..

"P-Pwede b-ba m-magtanong?" nahihiya at napaiwas ako ng tingin sa kaniya, pasimple kong inayos ang mukhang pugad ng ibon kong buhok, kinusot ko din ang mata ko para mawala ang muta, at pasimple ko din pinunasan ang bibig ko dahil baka may bonus na panis na laway. Hindi pa kasi ako nakakapagsalamin kaya hindi ko alam kung ano ang itsura ko.

"You're already asking Miss.." wika niya na nagpairita sa akin.

Aba! Napakapilosopo ng kumag na 'to! Sarap mong kainin--este sipain!!

Tshhh..ano bang pinagsasabi mo diyan Sav!

"A-Ahmmm paano ako nakauwi? Ehh ang huling pagkakaalala ko ehh nakipagkita ako sa kaibigan ko tapos may mga dumating na mga alagad ni Men in black tapos kung ano-ano pinagsasabi nila sa amin ni Kevin, eh kahit isa wala naman ako naintindihan..tapos biglang pagkagising ko nandito na ako. Arghhhh ano ba talaga nangyari?! " parang batang tanong ko habang nagmamaktol.

Nang tumingin ako sa kaniya ay parang natutuwa pa talaga siya sa kalagayan ko kasi nakangisi siya. Napakuyom ang kamao ko at buong lakas kong ibinto sa kaniya ang unan na kanina ko pa yakap.

"Fuck you bastard!! I'm being nice here asking you what the hell happened then you just smirk at me?!" nangigigil kong sigaw naman siya at patuloy pa rin ang pagbato ko ng unan sa kaniya habang siya ay sinasalag lahat ng unan na ibinabato ko sa kaniya.

Habol ko ang aking hininga at naiirita pa din ako sa kaniya nang matapos ako ngunit napaawang ang bibig ko nang makita ang galit sa mukha niya. Siguro ay nasaktan siya sa ginawa ko. Mabilis na nabalot ako ng kaba, unti-unti ako napaatras dahil palapit nang palapit siya sa akin at sobrang galit ang nababakas sa kaniyang mukha.

What the hell? Grabe naman..unan pa lang yon galit na galit na siya, pano pa kaya kapag binato ko siya ng flower base ko diba?

"Ahhhh!!" napahiyaw ako nang bigla niyang hilahin ang binti ko kaya napahiga ako mula sa pagkakasandal ko sa headboard ng kama.

Nanlaki ang mga mata ko nang pumatong siya sa akin, he pinned both my hands on the bed and i can almost hear my heart beating so loud.

"B-Bitaw...A-Ano ba!! Bitaw sabi!!!" nagpupumiglas ako pero talagang napakalakas niya at malaki ang katawan niya kaya balewala lang ang pagpupumiglas ko.

Balak ko sana siyang titigan ng masama ngunit napaawang ang bibig ko nang makita kong nakakagat labi siyang nakatitig sa labi ko.

Ohh shit..

"Ahhhhhhhh pervert!!!!!" sigaw ko dahil baka nakawan niya nanaman ako ng halik. Shit..nasaan na ba sila mommy at tito Nolan?

"No one will hear your scream Savannah tita and dad is already in the company, and i am peacefully sleeping until your loud scream disturb me lady." puno ng pagbabanta ang kaniyang tono at ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko."You wan't me to punish you again?"

"P-Punish? What the fuck? Bakit ba napakahilig mo magparusa? Batas ka ba huh?!"

"No..but i want to punish those coward who don't have the courage to face the consequences on their life.All they just wan't is happiness, but that's not life if you won't feel the sadness and pain." seryoso niyang sabi na nagpatahimik sa akin.

Napatitig ako sa mukha niya at napapikit ako ng unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa akin at bigla kong naramdaman ang hininga niya sa aking tenga na nagpainit ng pakiramdam ko.

"You are asking what happened last day right? There's nothing happened, it's just a dream, and i wan't you to forget what happened in that dream.

Panaginip? Ehh bakit parang totoo?

Aishhh nanaginip lang siguro talaga ako.

Tumango ako sa kaniya at pagkatapos non ay umalis na siya sa pagkakakubabaw sa akin.

"Ilang araw ka nang hindi pumapasok, pumasok ka na nang school.."

"Okay..." iyon lang at iniwan na niya ako sa kwarto.

Napabuntong hininga ako nang makalabas na siya, hindi pa rin ako makapaniwala na isang panaginip pa rin iyon, pero sana nga panaginip na lang iyon dahil ayoko na makita si Kevin na nasasaktan.

My Manipulative StepbrotherWhere stories live. Discover now