—COLEEN POV—
Naglalakad ako sa lobby ng Paradise Ent. matapos kong makausap ang producer ng movie na pinagbibidahan namin tatlo nila Ezekiel at Giselle, gayundin ang executive director ng Paradise para personal na humingi ng paumanhin tungkol sa nangyari kamailan. Malayo palang ay natatanaw ko na si Kian kay lumihis ako ng paglalakad. Ako nalang ang iiwas, para walang gulo.
"Coleen, can we talk?" mahinahon na tanong sakin ni Kian ng salubingin niya ang daan na tinatahak ko.Napabuntong hininga muna ako bago ako tumingin sakanya.
"Wala naman tayong dapat pag usapan diba?" sarcastic ko pang sagot saka nag umpisang humakbang ng muling magsalita si Kian dahilan upang mapatigil ako.
"I'm sorry." sincere na pagkakasabi ni Kian dahilan upang agad ko siyang lingunin.Hindi ko rin in-expect na after all these years, hihingi ng tawad sakin si Kian. Although, I'm the one who breaking up with him. And it's also my fault kung bakit nasira ang relasyon namin noon ni Kian.
"I'm sorry too. Don't worry, hinding hindi na kita guguluhin pa. I know you like Giselle. Well, kung ako lalake magugustuhan ko rin si Giselle. She's a jolly type of girl, maganda at higit sa lahat mabait." nakangiting pagkakasabi ko.
"Wag ka mag alala, makikilala mo rin ang lalakeng mamahalin ka rin ng totoo. Yung lalakeng hindi ka iiwan at pangangalagaan ka hanggang sa huli." malumanay na pagkakasabi ni Kian."I really hope so. Pero baka after ng movie namin nila Ezekiel at Giselle, magki-quit na ako sa pag a-artista at magfo-focus nalang sa business ko. Pero hindi parin naman mawawala ang suporta ko sainyong tatlo. Lalo na kay Giselle, dahil marami rin akong nagawang pagkakamali sakanya. At hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin yun." malumanay kong sagot.
"Friends?" nakangiti niyang tanong sakin sabay lahad ng kamay niya.
"Yes, friends." nakangiti kong sagot saka nakipagkamay kay Kian.Sobrang nakahinga ako ng maluwag ng mga sandaling iyon, tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng magkaayos kaming muli ni Kian, dagdag pa dito ay nawala narin ang hidwaan sa pagitan namin ni Giselle.
Bumalik narin ang pagmamahal at suporta sakin ng mga taong nangba-bash sakin noong una, matapos mag trending online ang picture namin ni Giselle sa Paradise Coffee Shop.——
—GISELLE POV—
"Sigurado ka ba talagang makikipag palit ka ng role kay Coleen?" pagtatakang tanong sakin ni direct Adele.
"Yes direct." nakangiting sagot ko."Pero bakit? Tinakot ka ba ni Coleen kaya----"
"Cause she deserves the lead role than me. Mas maipo-potray niya ng maayos ang character ni Madison, kaysa sakin." nakangiti kong pagkakasabi.
"Yan ba talaga ang totoong dahilan? Baka naman may issue pa between sainyong dalawa ni Coleen?" may pagdududang tanong ni direct.
"What she says is a pure fact." sabat ni Ezekiel at agad ko siyang nilingon.
"Wala ng kahit anong issue between the two of them, kaya sana irespeto nalang natin ang request ni Giselle." saad ni Ezekiel saka siya naupo sa isang upuan.
[3 WEEKS LATER]
—COLEEN POV—
"Madison, no!" sigaw ni Calex (Ezekiel).
"I love you and I always do." nakangiting saad ko habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. Pagkatapos ay tinalon ko na ang building.
"Madison!!" sigaw ni Calex.
"and....cut!" sigaw ng direktor at nagpalakpakan ang lahat. Ngayon kasi ang last taping ng pelikula na pinagbibidahan namin ni Ezekiel at Giselle. Nahagip ng mata ko si Giselle na masayang nakangiti sakin at nag thumbs up pa. Pero hindi ko nakita si Kian.There's a rumor din na palihim na nagde-date si Kian at Giselle somewhere in Laguna. Bakit kasi rumor lang? Hindi nalang totohanin.
"Congrats, ang galing galing mo." nakangiting bati sakin ni Giselle at isang mahigpit na yakap ang ginawad niya sakin.
"Thank you." nakangiting sagot ko saka kami kumalas mula sa pagkakayakap sa isa't isa."Nasaan nga pala si Kian? Bakit mo siya kasama?" tanong ko.
"Ewan, hindi ko alam." sagot ni Giselle.
"Hindi alam, nagde-date kayo for almost 3weeks na. Tapos hindi alam? Mga reporters at journalist lang ang maloloko mo Giselle, hindi kami ni Coleen." natatawang sabat ni Ezekiel sabay akbay sakin, agad ko naman inalis ang kamay niya mula sa pagkakaakbay sakin dahil maraming nakatingin sakin, lalo na ang fans ni Ezekiel.
"Hindi kami nagde-date 'no." pagtanggi ni Giselle."Hindi? Kaya pala nakita ko si Kian na bumili ng red roses nakaraang araw tapos nakapangalan sayo." banat ni Ezekiel.
"Hindi naman red rose yun eh, sunflower yun." mataray na sagot ni Giselle kaya natatawa na lamang ako sa pang aasar ni Ezekiel kay Giselle.
"Oh 'di umamin ka rin, sabi nga nila. Ang isda nahuhuli sa bibig nito at hindi sa buntot." nakangising pagkakasabi ni Ezekiel.
"Hala, so totoo yung rumor? Nagde-date na nga kayo ni Kian? KiSelle is sailing." kinikilig ko pang pagkakasabi.
"EzeLeen parin." seryosong pagkakasabi ni Ezekiel.
"EzeLeen?" sabay namin tanong ni Giselle."Ang hina naman ng utak niyong dalawa, EzeLeen. Ezekiel at Coleen." saad ni Ezekiel sabay kindat sakin.Kaya napailing nalang ako habang natatawa naman si Giselle.

BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
FanficGiselle Fuentes is an award-winning actress and known as Asia's Star who secretly in love to Kian Samonte an actor who also known as Asia's Cold Prince for a long time. On the other hand, Coleen Ferrer is Kian's ex-girlfriend who is also know as Bo...