—COLEEN POV—
"Sigurado ka bang si Kian at ang babae kahapon sa mall ang nakita mo?" paniniguro ni Ezekiel sakin matapos ko ikwento sakanya ang nasaksihan ko kanina.
"Oo, sure na sure ako. Hindi ko lang nakuhaan ng picture dahil may humarang na delivery van sa harapan ng kotse ko kaya naharangan sila Kian at kung sino man ang babaeng yun, daig pa linta." inis kong pagkakasabi habang inaalala ang nakita ko kanina. Nakakagigil talaga!
"Nagpipigil lang talaga ako kanina Babe..pero gusto ko ng bumaba ng kotse at ingudngud sa sahig ang babaeng kasama ni Kian." panggigil kong muli.
"Anong meron kay Kian? Bakit parang gigil na gigil ka yata?" magkasunod na tanong ni Giselle na kararating lang kaya agad kami nagkatinginan ni Ezekiel.
"Giselle ikaw pala, kamusta?" segway ni Ezekiel."I'm fine, narinig kong pinag uusapan niyo si Kian. Bakit?" pagtatakang tanong ni Giselle.
"Kasi itong boyfriend mo ma-----"
"....may tinulungan na matandang babae kanina." palusot ni Ezekiel kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
"Diba, Love?" baling sakin ni Ezekiel saka niya ako pinandilatan ng mata na para bang gusto niyang sakyan ko kung ano man ang sinabi niya.
"Ah oo, tama." nakangisi kong pagkakasabi.
"Napaka bait at sweet talaga ng boyfriend ko." kinikilig na pagkakasabi ni Giselle.Kung alam mo lang Giselle, baka isumpa mo ng todo todo ang manloloko mong boyfriend.
"Oo grabe nga eh, sa sobrang sweet. Pati sa iba ganun din." sarcastic kong pagkakasabi ngunit mahina lang.
"May sinasabi ka Coleen?" tanong sakin ni Giselle.
"Ah wala, sabi ko napaka sweet nga talaga ni Kian." palusot ko.
——
—GISELLE POV—
"You only have 4months left bago matapos ang contract mo dito sa Paradise Ent. wala kana ba talagang balak na mag renew ng contract?" mahinahon kong tanong kay Coleen habang nasa rest room kami at nakaharap sa malaking salamin.Napatigil naman si Coleen sa paglalagay ng blush-on sa pisngi niya at tumingin sakin.
"Buo na kasi talaga yung desisyon ko Giselle. Iniintay ko nalang talaga matapos yung contract ko then bye bye showbiz life na and hello simple life." nakangiting pagkakasabi ni Coleen. Well, kung yun ang gusto niya, support nalang ako.
"Alam na ba ni Ezekiel yan plano mo? Anong sabi niya?" magkasunod na tanong ko.
"Oo, and he supported me naman sa desisyon ko sa buhay." nakangising pagkakasabi ni Coleen.
"Well, that's good then." nakangiting pagkakasabi ko.Pagkatapos namin mag rest room ni Coleen ay agad narin kami lumabas. Habang naglalakad sa pasilyo ng 8th floor ay nakasalubong namin si Sydney, ang executive producer ng isa sa mga talkshow dito sa Paradise Ent."It's good to see the both of you." nakangiting bati nito samin. At nginitian lang namin ito.
"By the way, Giselle and Coleen. Mayroon kasing bagong bukas na mall somewhere in Pampangga and the owner of the mall requested na kung pwede maging special guest ang mga big star ng Paradise Ent. tulad niyong dalawa gayun na rin si Kian at ang iba pa." pagbabalita samin ni Sydney.
"Kailan naman po yun?" tanong ni Coleen.
"By next week." agad na sagot ni Sydney.
"Ok po." magalang kong sagot.
"Sige girls, mauna na ako sainyo. See you around." nakangiting paalam ni Sydney saka siya sumakay ng elevator.
——
—SHANNON POV—
Kasalukuyan nasa CR si Kian naliligo matapos namin mag make love, ng biglang tumunog ang cellphone ni Kian. Wala pa naman siya kaya ako nalang muna ang tumingin.
"Incoming call....My Love Giselle?" sambit ko ng makita kung sino ang tumatawag kay Kian, walang iba kundi ang girlfrend niyang si Giselle.Agad kong pinindot ang ignore saka pinatay ang cellphone ni Kian ng hindi na muli pang ma-contact ng Giselle na yun ang boyfriend ko.Ilang saglit pa ay lumabas narin mula sa CR si Kian. Agad na bumungad sakin ang matipuno niyang katawan kaya bahagya nalang akong ngumisi sakanya.
"Narinig kong may nagriring na cellphone, sakin ba yun?" tanong ni Kian.
"Huh? W-wala naman akong narinig. Baka imagination mo lang, bakit? May iniintay ka bang tawag?" pagsisinungaling ko.
"Baka kasi tumawag si Giselle." seryosong sagot niya saka niya dinampot mula sa kama ang cellphone niya.
"Oh! Bakit naka-turn off 'to?" pagtataka ni Kian.
"Siguro lowbat na. Edi ba ilang percent nalang yang cellphone mo kanina." palusot ko.
"Hindi mo naman chinarge.....kasi iba yung chinarge mo." may pagka-seducing kong pagkakasabi sabay kagat sa lower lips ko.Napailing nalang si Kian habang nagbibihis ng damit niya.
"Bakit nagbibihis kana? Aalis kana ba?" pagtataka ko.Bahagya naman lumapit sakin si Kian saka ako hinagkan sa labi.
"Yah..baka kasi makahalata na si Giselle na palagi nalang akong busy at walang oras sakanya." saad ni Kian.
"Bakit kasi hindi mo nalang hiwalayan si Giselle, tutal sabi mo mas mahal mo 'ko sakanya diba? Then let her go. Hayaan mo siyang mahanap niya yung lalakeng para sakanya talaga, yung wala siyang kahati sa oras, atensyon at pagmamahal." suggestion ko."Hindi yun ganun kadali Love, alam ng lahat ang tungkol sa relasyon namin ni Giselle. Kapag nakipag break ako sakanya dahil sa third party, malaking issue 'yon. Iniingatan ko rin ang reputasyon ko. Kaya hindi ko pwedeng gawin ang sinasabi mo." paliwanag ni Kian.
"Ano ba mas mahalaga sayo? Ako o yang reputasyon mong sinasabi mo? Bakit sa tingin mo ba ok sa'kin 'tong set up natin? Love hindi. Kasi kahit gusto kitang ipagmalaki sa ibang tao, kahit gusto kong i-flex na isang asia's cold prince ang boyfriend ko sa lahat ng social media accounts ko, kahit gusto kong lumabas tayo na hindi kailangan mag disguise hindi ko magawa. Kasi dahil d'yan sa reputasyon na sinasabi mo. Love, gusto ko lang naman ay yung tahimik na relasyon. Kung tutuusin, hindi ko naman gusto na may kahati ako d'yan sa oras at atensyon mo. Pero anong magagawa ko? Hindi mo kayang bitawan si Giselle." nanggigilid na ang luha sa mga mata ko habang sinasabi ko ang mga salitang yun.Mahal ko si Kian at kaya ko siyang ipaglaban, pero sana ganun din siya. Sana kaya niya rin ipaglaban ang relasyon namin.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
FanfictionGiselle Fuentes is an award-winning actress and known as Asia's Star who secretly in love to Kian Samonte an actor who also known as Asia's Cold Prince for a long time. On the other hand, Coleen Ferrer is Kian's ex-girlfriend who is also know as Bo...
