CHAPTER 21

78 3 0
                                        

-KIAN POV-

Matapos kong ihatid si Shannon sa bahay niya, nagdesisyon naman akong magpunta sa condo ni Giselle. Pagdating ko sa condo ni Giselle, nadatnan kong masayang nagki-kwentuhan sina Coleen.

"Oh..look who's here. Your faithful, loyal and lovable boyfriend." sarcastic na pagkakasabi ni Coleen, tinignan ko lamang siya ng seryoso.

"Sige Giselle, I have to go. Mag mi-meet pa kasi kami ni Ezekiel." nakangising paalam ni Coleen.

"Ok, thanks sa pagpasiyal ah. Paki-kamusta nalang din ako kay Ezekiel." nakangiting saad ni Giselle saka siya nakipag beso-beso kay Coleen.

"By the way, bantayan mong mabuti yan si Kian ah. Baka magising kana lang isang araw, naagaw na ng iba yan sayo....just kidding." sarcastic na pagkakasabi ni Coleen, saka niya ako tinignan ng masama. Tila ba ay may nalalaman narin siya or sadyang trip niya lang ako ngayon, well ganun naman talaga si Coleen. Mahilig siyang mang-asar.

"You don't have to worry, alam kong hinding hindi ako iiwan ni Kian. He loves me so much, diba love?" nakangising pagkakasabi ni Giselle saka pumulupot sa braso ko.

"Ah...oo naman..love." alanganin ko pang sagot.Fuck self! Your so fucking idiot!

-GISELLE POV-

Nang makaalis na si Coleen ay agad ko narin sinara ang pintuan ng condo unit ko. Bigla naman ako niyakap ni Kian mula sa likod.

"I miss you..." malambing na pagkakasabi ni Kian habang naka-backhug sakin. Awww so sweet, yiee kilig si ako..

"I miss you more." malambing ko rin na sagot saka ako humarap sakanya. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya habang ang kamay naman niya ay nasa bewang ko.Habang pinagmamasdan ko si Kian, hindi ko mapigilan na hindi kiligin. 10years ago, crush na crush ko lang si Kian. Ngayon, boyfriend ko na siya. Napakaswerte ko naman talagang nilalang.

"Sorry ah.." saad ni Kian na tila nanggigilid ang luha sa mga mata niya.

"For what?" pagtataka ko.

"Kung nawawalan na ako ng oras sayo. Kung hindi ko na maparamdam sayo na boyfriend mo 'ko....sorry kung-----"

"Sssssshhhh....wala ka dapat ika-hingi ng sorry. Girlfriend mo 'ko at naiintindihan kita. Gusto ko lang lagi mo tatandaan na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Isa lang ang hiling ko sayo, wag mo 'kong sasaktan at iiwan ah. Hindi ko kakayanin." sincere kong pagkakasabi habang nakatitig ako sa mga mata ni Kian.

"Mahal na mahal din kita..." nakangiting pagkakasabi ni Kian saka niya inilapit ang labi niya sa labi ko.

--

-SHANNON POV-

"OMG!! so kayo na ni Kian? As in ni Kian Samonte? The Asia's Cold Prince?" gulantang na magkakasunod na tanong ni Allyson mula sa kabilang linya.

"Yes." kinikilig na pagkakasabi ko."Ay wow! Pero Sha, diba may girlfriend na si Kian? Si Giselle, yung artista din. Ano yun? Pumayag ka maging kabit?" pagtataka ni Allyson."Paano naman magiging kabit ang babaeng mas unang minahal ni Kian, at ang babaeng mahal niya parin hanggang ngayon?" sarcastic kong tanong.

"Nag aalala lang naman ako para sayo Sha, malaki ang fandom ni Giselle. Kahit sa ibang bansa may mga fans siya. Baka mamaya kapag nalaman ng WonderGiselle na may relasyon kayo ni Kian, paglabas mo ng bahay batuhin kana lang ng bulok na itlog o kamatis." may pag aalalang pagkakasabi ni Allyson.

"Salamat sa concern mo Ally, pero kaya ko naman harapin ang mga fans ni Giselle na hindi kailangan magkasakitan." mahinahon na pagkakasabi ko.

"Hay naku Sha, ang hirap ng set up niyo ni Kian. Mahal niyo nga isa't isa. Pero hindi boto ang mundo sainyo. Parang you and I against the world." saad ni Allyson.

"Alam ko naman yun, pero kaya kong ipaglaban si Kian. Hindi ako papayag na magkahiwalay kami ulit. Kaya mali man sa paningin ng iba, hinding hindi ko bibitawan si Kian." seryosong pagkakasabi ko.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon