—EZEKIEL POV—
Habang ako ay kampanting iniintay ang paglabas ni Coleen sa silid ni Giselle, si Kian naman ay napansin kong hindi mapakali at panay tingin sa wrist watch niya. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang nakita ko kanina, na magkayakap sila ni Giselle.
"Wag ka mag alala, sa tingin ko naman ay maayos ang pag uusap nila Coleen at Giselle." saad ko habang nakasandal ang likod ko sa pader ng pasilyo.
"Paano ka nakakasiguro? Nakita mo ba kung anong ginawa ni Coleen kanina? Giselle almost died dahil sa kagagawan ni Coleen. Kaya paano ako makakapanti na magkausap ngayon silang dalawa? Paano kung saktan na naman ni Coleen si Giselle?" saad ni Kian na may halong pag alala. Sinasabi ko na nga ba, karibal ko si Kian pagdating kay Giselle.
"Bakit parang naging concern ka bigla kay Giselle? As far as I remember, ang Asia's Cold Prince ay never pa naging concern sa kahit na sinong babae off-cam, since ng break-up niyo ni Coleen. Ibig sabihin ba nito, unti unti ng natutunaw ang nagyeyelo mong puso dahil kay Giselle?" banat ko kay Kian.Well magtataka pa ba ako? Maganda si Giselle, mabait kahit kailan lang kami nagkakilala. Nag research din ako sa background ni Giselle, and I found that Coleen is one of her inspiration why she dream to become an actress. Ulila narin sa mga magulang si Giselle, matapos mamatay dahil sa isang car accident ang mga magulang niya bata pa lamang siya. Kaya naman lumaki siya sa isang orphanage.
—COLEEN POV—
Matapos namin magkapatawaran ni Giselle ay nagpaalam narin ako na aalis na ako. Kailangan ko rin kasi harapin ang mga reporters, pero ayon kay Giselle. Wala siyang balak na idemanda ako. Kaya naman talagang sobra sobra ang guilt na nararamdaman ko ngayon.
"Yes, I like her. I really like Giselle." rinig kong saad ni Kian sa kausap niya, si Ezekiel. Nakatalikod siya kaya naman hindi niya napansin ang paglabas ko sa pintuan ng ward ni Giselle. Nagkibit balikat na lamang ako at hindi inintindi ang narinig ko mula kay Kian. Para kasing napagod na rin akong maghabol sakanya, kung talagang si Giselle ang gusto niya. Wala narin naman akong magagawa kundi ang suportahan nalang ang desisyon niya at tanggapin na lang na hindi na kailan man maibabalik ang saamin ni Kian.
"Oh, ayan na pala si Coleen." saad ni Ezekiel ng makita niya ako. Agad naman napalingon si Kian.Dire-diretsong humakbang si Kian at nilagpasan lamang ako. Alam kong pupuntahan niya agad si Giselle. Samantalang si Ezekiel naman ay naiwan na nakatayo sa harapan ko.
"Bakit namumugto yang mata mo?" seryosong tanong sakin ni Ezekiel. Umiling lamang ako at saka sinuot ang shade ko.
"Mauuna na ako, alam ko naman na magpapa-iwan ka dito. Salamat nga pala sa pagsama mo sakin dito sa hospital." malumanay na pagkakasabi ko at nagsimulang humakbang at ng malagpasan ko na si Ezekiel, bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya agad ako napalingon sakanya.
"Sasamahan na kita, maraming reporters sa labas. Baka dumugin ka." seryosong pagkakasabi niya saka nag-umpisang humakbang habang nanatiling hawak niya ang kamay ko. Napatitig na lamang ako kay Ezekiel habang naglalakad kaming dalawa sa pasilyo sa hospital.Nang mapansin niya na maraming reporters sa labas ng hospital, hinubad niya ang suot niyang jacket na gawa pa ng isang kilalang fashion designer sa France at isinaklob ito sa ulo ko upang bahagyang matakpan ang mukha ko. Inakbayan din ako ni Ezekiel habang naglalakad kami patungo sa parking lot kung saan nandoon ang luxury car ko.
—GISELLE POV—
"Nakaalis na ba si Coleen?" mahinahon na tanong ko kay Kian ng pumasok siya sa silid ko.Hindi nagsalita si Kian at tuloy tuloy na naglakad palapit sakin saka niya agad na sinipat ang dalawang braso ko, pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Did she hurt you again?" may pag aalalang tanong ni Kian sakin. Hala enebe beket ke genyen seken.
"H-hindi." nauutal kong sagot.
"Are you sure?" paninigurado ni Kian. Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko saka ako nagsalita.
"Yes, at alam kung hindi niya na uulit gagawin yun. Ok na kami ni Coleen, nagkapatawaran na kami. Kaya sana, magkausap din kayo ni Coleen. Magkaroon man lang kayong dalawa ng closure." malumanay na pagkakasabi ko.
"I won't do that. After ka niyang saktan, sa tingin mo ba magkakaroon pa ako ng amor na makipag usap sakanya." mariing pagkakasabi ni Kian saka naupo sa tabi ko.
"Hindi kita mapipilit kung talagan ayaw mo. Pero sana hindi parin huli ang lahat para maging ok kayo ni Coleen, as a friends." nakangiting pagkakasabi ko.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
FanfictionGiselle Fuentes is an award-winning actress and known as Asia's Star who secretly in love to Kian Samonte an actor who also known as Asia's Cold Prince for a long time. On the other hand, Coleen Ferrer is Kian's ex-girlfriend who is also know as Bo...