LAST CHAPTER

158 7 1
                                    

-GISELLE POV-

"Bitawan mo 'ko nasasaktan ako Jacob!" saad ko habang nagpupumiglas ako mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Jacob sa braso ko.Walang emosyon ang mukha niyang itinulak ako sa isang silid, madilim sa loob ngunit ng buksan niya na ang ilaw. Bumungad sakin ang mga larawan ko. Napapalibutan ang silid ng poster at iba't ibang larawan ko. Nakita ko rin ang mga tila stolen shots ko. Is he stalking me?

"Dito ka lang, hindi mo 'ko iiwan." nakangising pagkakasabi ni Jacob saka siya kumuha ng tali at itinali ang mga paa at kamay ko.

"Why are you doing this?!" singhal ko habang gulong gulo parin ang isipan ko sa mga nangyayari.

"Para hindi kana mawala sakin. Para habang buhay na tayong magkasama." nakangising pagkakasabi ni Jacob.

"Pakawalan mo na 'ko ple----"

"Pag sinabi kong dito ka lang?! Dito ka lang?!" singhal ni Jacob saka siya nagpaputok ng baril sa takot ay napayuko ako habang tumutulo na ang luha ko.Sandaling umalis si Jacob at naiwan ako sa silid, kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na mahanap ang cellphone ko upang makahingi ako ng tulong.

--

-KIAN POV-

Gulong gulo ang isip ko habang nagmamaneho ng kotse, inaalala ko ang kalagayan ni Giselle. Lalo pa't hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin o kung saan lupalop siya dinala ni Jacob.Hanggang sa mag ring ang cellphone ko.

'Incoming call...My love Giselle'

"Hello Gise-----"

"Kian tulungan mo 'ko please..." umiiyak na pakiusap ni Giselle mula sa kabilang linya, bakas sa boses niya ang matinding takot.

"Nasaan ka?! Hintayin mo 'ko ok?! Sabihin mo sakin kung nasaan ka." nag aalalang tanong ko.

"Hindi ko alam kung anong lugar 'to, pero mula central park. Kumanan kami, tapos may malaking puno ng mangga sa dulo ng eskinita. Tapos may isang bahay..lumang bahay..Kian natatakot ako." umiiyak na sagot ni Giselle.Mabilis kong pinaandar ang kotse at nagmamadaling pinuntahan ang lugar na sinasabi ni Giselle. Habang papunta ako ay tinawagan ko na rin sila Coleen upang makahingi ng tulong sa mga police.

FACEBOOK:

'Hala true ba? Kinidnap si Giselle ng obsess fan niya.'' is trending on twitter following the news that Giselle Fuentes kidnapped by his obsess fan'

--

-GISELLE POV-

Maya maya pa biglang bumukas ang pintuan kaya agad akong napalingon. Nakita ko si Kian na patakbo akong pinuntahan saka ako mahigpit na niyakap. Pagkatapos ay agad niyang tinanggal ang pagkakatali ng kamay at paa ko.

"I'm scared.." umiiyak kong pagkakasabi ng yakapin ko si Kian.

"Nandito na 'ko, wag ka ng matakot." saad ni Kian saka niya ako hinagkan sa noo at muling niyakap.Wala pa si Jacob ng time na yun, hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta. Palabas na kami ng pintuan ng makarinig kami ng tatlong beses na putok ng baril kaya agad ako napasigaw dahil sa takot agad naman ako niyakap ni Kian upang mawala ang takot ko.

"Wow ang bilis, umalis lang ako nandito na agad ang ex mo. Mahal ko." nakangising pagkakasabi ni Jacob saka tinutukan ng baril si Kian. Humigpit naman ang hawak ko sa braso ni Kian.

"Jacob ibaba mo yan. Wag naman ganito please. Wag mong idamay si Kian." umiiyak na pakiusap ko kay Jacob.

"Sa tingin mo ba hahayaan kong mapunta ka sa lalakeng 'to Giselle? Hindi..kaya kong hindi ka mapupunta sakin. Hindi ko rin hahayaan na makuha ka niya." seryosong pagkakasabi ni Jacob.Nakarinig ako muli ng putok ng baril pero mabilis akong niyakap ni Kian at sabay kaming bumagsak sa lupa. Nakita na lamang ang kamay ko na may dugo. Galing 'yun sa likod ni Kian.

"H-hindi..." nauutal kong pagkakasabi.

"Police 'to! Napapalibutan kana namin. Sumuko kana Mr. Jacob Valeria!" sigaw ng isang police gamit ang megaphone.

--

Agad na isinugod sa pinakamalapit na hospital si Kian sakay ng ambulansya.

"Lumaban ka Kian..wag mo 'kong iiwan." umiiyak kong pagkakasabi habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Kian. Pilit naman niyang inaabot ang pisngi ko.

"Until last...I love you Giselle..I always love you...I'm sorry.." naghihingalong pagkakasabi ni Kian.

"Mahal din kita..kaya lumaban ka pakiusap. Wag mo 'kong iiwan." umiiyak kong pakiusap kay Kian.Hanggang sa tuluyan na niyang ipikit ang mga mata niya at bumitaw mula sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Kian...Hindi..Kian gumising ka. Kian!" sigaw ko sabay ng paghagulhol.

Hindi na nga umabot pa sa hospital si Kian dahil sa tumagos ang bala ng baril sa puso niya. At hanggang sa mga oras na 'to, hindi ko lubos maisip na yun na pala ang huling beses na maririnig ko ang pag I love you niya sakin. Yun na pala ang huling beses na mayayakap ko siya.Isang buwan, matapos mailibing si Kian. Natagpuan nalang na wala ng buhay si Shannon sa loob ng kwarto niya matapos nitong mag suicide.Nahatulan naman si Jacob ng habang buhay na pagkakakulong Nalaman ko rin buhat kay Allyson ang mga kasinungalinan ni Shannon, huli na upang maayos pa namin ni Kian ang relasyon namin.

INSTAGRAM:

@asiastargiselle: until last..I always love you too. Rest in paradise my love @coldprince.kian

-THE END-

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon