CHAPTER 12

99 3 0
                                        

-COLEEN POV-

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko kay Ezekiel ng puntahan ko siya sa gate.

"Nag aalala lang naman ako sayo, hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag ko. Baka kasi kung ano na nangyari sayo. Lalo pa't marami paring naiinis sayo kahit nag public apology kana, ganun din si Giselle." sagot ni Ezekiel.

"Kasalan ko rin naman eh. Masyado ako nagpadala sa inis, inggit at selos. Kaya kung ano man yung nararanasan ko ngayon, deserve ko yun. Tama sila, maganda nga ako. Pero wala naman kasing pangit ang pag uugali ko." saad ko.

-EZEKIEL POV-

Nang marinig ko yun kay Coleen, bumalik ang dating pag hanga ko sakanya. At the same time, ay naawa rin ako sakanya. Oo nga't may pagkakamali si Coleen, pero tao lang din naman siya. Minsan ay nagkakamali din at nakakagawa ng kasalanan. She already did a public apologize, pero hindi yun tinanggap ng ilang fans niya at fans ni Giselle. Napakasama parin ang tingin nila kay Coleen, without knowing her good side. Dahil din sa nangyari ay maraming nag back out na offers kay Coleen, when it comes to commercial and magazines. Sobrang naka-apekto talaga ang pangyayaring yun sa career ni Coleen.

"Umalis kana, gusto ko muna mapag isa." malumanay na pagkakasabi ni Coleen.

"No, I'll stay here. Hanggang sa maging ok kana. At manumbalik ang confident mo sa sarili mo." seryosong pagkakasabi ko.

"Hindi mo kailangan makaramdam ng awa sakin. Kaya ko ang sarili ko, umalis kana. Kesa kinukulit mo 'ko, bakit hindi mo nalang puntahan si Giselle sa condo niya." seryosong pagkakasabi ni Coleen."Kaya mo? kaya pala halos tumulo ang luha mo habang binabato ka ng masasakit na salita ng mga taong galit na galit sayo. Bakit kasi hindi mo nalang din aminin sa sarili mo na hindi sa lahat ng oras ay kaya mo. Minsan kailangan mo rin ng tulong ng iba, ng tulong ko." sermon ko kay Coleen.

"Alam mo bang nasasaktan din ako sa nangyayari sayo? Dahil bago ka pa makilala ng ibang tao o ng fans mo, kilala na kita Coleen. Alam ko kung saan nanggagaling lahat ng hinanakit mo sa mundo." mahinahon kong pagkakasabi. Coleen and I were childhood friend. Hindi naman talaga niya gusto ang mag artista, pero pinilit lamang siya ng Tita Alice niya-her daddy's sister na pasukin ang mundo ng showbiz. At the age of 7, she started to be a commercial model. At the age of 9, nagsimula na nga siyang bumida sa iba't ibang teleserye at pelikula. She became a child star at the age of 10. Kahit sunod sunod na parangal at pagkilala ang natatanggap niya hindi totoong masaya si Coleen, all she want is to live with a simple life. Mukha man masaya si Coleen sa harap ng camera at sa ibang tao, pero malayong malayo ang Coleen na kilala ng lahat sa Coleen na kilala ko off cam.Yun din siguro ang isa sa dahilan kung bakit siya nagkaroon ng lihim na inis at inggit kay Giselle. Dahil naranasan ni Giselle ang mamuhay sa paraan na simple lang noong bata pa siya, bago niya tahakin ang mundo ng showbiz.

--

[4days later]

INSTAGRAM

@asiastargiselle: coffee date with my girl. I miss you @iamqueencoleen

-SOMEONE POV-

"Hala totoo ba 'to? Guys tignan niyo. Magkasama sila Giselle at Coleen na nagpunta sa Paradise Coffee Shop."

"Baka naman edited lang yan?"

"Hindi ah, mismong si Giselle yung nagpost ng picture, at kasama niya si Coleen."

"Ito oh, may post din si Coleen."

@iamqueencoleen: such a lovely day with this lovely girl @asiastargiselle

--

-GISELLE POV-

Isa isa kong binasa ang comments ng mga followers ko sa IG.

At nakatuwang lahat yun ay positive comments. Ngayon lang din nakapag open ng Instagram si Coleen and according to her, maraming nag DM sa kanya na humihingi din ng apologize.

"Giselle..." mahinahon na pagtawag ni Coleen sa pangalan ko.

"Uhmm?"

"Sorry ulit. Saka, salamat for giving me another chance." nakangiting pagkakasabi ni Coleen.Ngumiti ako sakanya saka ko hinawakan ang kamay niya.

"Kalimutan mo na yun, kalimutan na natin yun. Let's start all over again as friend." nakangiting pagkakasabi ko.At halos nanggigilid na naman ang luha sa mata ni Coleen.

"Don't cry." nakangiting pagkakasabi ko saka ko siya niyakap.

--

FACEBOOK

Asia's Star Giselle Fuentes and Box Office Queen Coleen Ferrer spotted having a friendly coffee date in Paradise Coffee Shop.After the bullying issue of Coleen Ferrer and Giselle Fuentes, the two were spotted hanging out together.Giselle spotted giving Coleen a warm hug.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon