CHAPTER 24

69 1 0
                                    

—EZEKIEL POV—

Nang makita ko ang pagmumukha ni Kian malapit lang sa building ng condo unit ni Giselle ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad ko siyang inundayan ng suntok sa mukha dahilan upang agad siyang mawalan ng balanse at bumagsak sa lupa. Wala akong pakialam kung may tao man ang nakakita sa ginawa ko, dahil mas nakakahiya ang ginawa ni Kian.Tumayo ng dahan dahan si Kian habang matalim ang tingin sakin, saka niya pinunasan gamit ang kamay niya ang dugo sa labi niya.

"Ano bang problema mo!?" singhal sakin ni Kian.

"Ikaw..ikaw ang problema ko Kian! Hayop ka!" nanggigil kong pagkakasabi habang naiisip ko ang panlolokong ginawa ni Kian kay Giselle.

"Sa tingin mo hindi ko pa alam? Niloloko mo si Giselle!" singhal ko.

"Wala akong alam sa sinabi-----" hindi ko na pinatapos pang magsalita si Kian at inundayan ko na naman siya ng suntok sa mukha.

——

—GISELLE POV—

"Anong nangyari sayo?! Bakit may dugo ka sa labi?!" pag aalalang tanong ko kay Kian ng dumating siya sa condo ko na may pasa sa pisngi at dumugo ang kaliwang bahagi ng labi niya.

"Wala ito, napaaway lang." seryoso niyang pagkakasabi. Agad ko naman siyang inalalayan na umupo sa sofa.

"Obvious naman napaaway ka, pero bakit? Nireport mo na ba sa mga pulis?" pag aalalang tanong ko.Hinawakan naman ni Kian ang kamay ko saka ako hinila palapit sakanya at mahigpit na niyakap. Hinimas-himas ko naman ang likod niya.

"Tell me what happened? Sino ang walang hiyang nananakit sa boyfriend ko?" malambing kong pagkakasabi habang nakayakap parin sakin si Kian, pero hindi siya nagsasalita.

"Sandali lang kukuha lang ako ng alcohol at bulak para magamot yang sugat mo." saad ko saka ako kumalas mula sa pagkakayakap ni Kian.Agad kong tinungo ang first aid kit sa kwarto ko pagkatapos ay bumalik narin ako sa sala upang gamutin ang sugat ni Kian. Habang ginagamot ko ang sugat niya sa pisngi ay nakakatitig lamang sakin si Kian, yung titig na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung saan o paano siya magsisimula.

"Giselle, do you really love me?" seryosong tanong sakin ni Kian kaya napatigil ako sa pag dampi ng bulak na may alcohol sa sugat niya.

"Ano bang klaseng tanong yan Love, of course I do and I always do." saad ko.

"Bakit ikaw? Pagod ka na bang mahalin ako? Sumusuko kana ba?" seryosong tanong ko.Agad naman na hinawakan ni Kian ang kamay ko.

"Hindi....hinding hindi.

" sincere na pagkakasabi ni Kian saka ako hinagkan sa noo at niyakap.

——

—COLEEN POV—

"Bakit ka naman kasi nakipagsuntukan ka kay Kian? Tignan mo nangyari sa mukha mo." sermon ko kay Ezekiel na may halong pag aalala habang ginagamot ang sugat niya sa gilid ng labi niya.

"Hindi ko na kasi mapigilan eh. Kapag naiisip ko yung panglolokong ginagawa niya kay Giselle, mas lalo akong nanggigigil kay Kian. Hindi deserve ni Giselle ang lokohin at saktan." paliwanag ni Ezekiel. I understand him naman, kahit ako kapag nakita ko yung Kian na yun ay baka kung ano lang din magawa ko sakanya. Napakabait na girlfriend ni Giselle, kaya hindi niya talaga deserve kung anong man ang ginagawa ni Kian sakanya.

"Ano kaya kung sabihin na natin kay Giselle yung totoo? She deserve to know the truth. Oo masakit, pero mas masakit kung patuloy siyang aasa na siya lang ang nasa puso ni Kian kahit ang totoo ay may iba na." paliwanag ko.Hindi naman kumibo si Ezekiel, siguro ay naisip niyang tama ako. Tamang malaman na ni Giselle ang pangloloko sakanya ng lalakeng inakala niyang tapat sakanya.

——

[The next day....]

—GISELLE POV—

Hindi ko muna pinauwe si Kian kagabi, dito ko nalang siya pinatulog sa condo ko. Habang mahimbing ang tulog niya sa kwarto ko, ay naisip kong ipagluto siya ng almusal para pag gising niya ay makakain siya.Hanggang sa maagaw ng atensyon ko ang cellphone ni Kian na nakapatong sa sofa. Kinuha ko 'to saka ko inopen, ngunit may password.Tinype ko ko ang birthday ni Kian (061794) pero nag error. Ah siguro yung anniversary namin (011019) ngunit error parin. Bakit ganun? Kaya naisipan kong gamitin nalang ang fingerprint ni Kian at luckily nag open ang cellphone niya.

'You have 5 unread message'
'6 missed calls'

Wala naman siguro masama kung titignan ko.

"Good morning love. Have a nice day. I love you." — message from Shannon (Love)"

S-Shannon?" garalgal kong pagkakasabi habang unti unting pumapatak ang luha ko.

[FLASHBACK]

"Ikaw? in what age ka na-inlove kay Coleen? She's your first love, right?" balik na tanong ko kay Kian. Umiling naman 'to.

"Coleen, isn't my first love actually. First girlfriend at first heartbreak, oo. Pero hindi siya ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko." seryosong sagot ni Kian.

"Wait...so kung hindi si Coleen, then sino?" pagtataka ko. Marami pa pala akong hindi alam sa crush----este boyfriend ko na pala.

"Si Shannon, my childhood friend."

"Shanoon?!" pag uulit ko pa. Aba, sinong Shannon yun? Maganda ba yun? Mas maganda at mas sexy ba yun sakin?

"But don't worry, hindi man ikaw yung nauna dito sa puso ko. Alam ko naman sa sarili ko na ikaw na ang huling babaeng magpapatibok nito." sincere na pagkakasabi ni Kian saka kinuha ang kamay ko at itinapat sa puso niya. Kaya naman hindi ko maiwasan na kiligin ng mga sandaling iyon, kung sino man ang Shannon na yun. Pasensya kana gurl, may nanalo na.

"Nasaan naman siya ngayon?" interesadong tanong ko, siyempre gusto kong malaman dahil mahirap na. Uso pa naman agawan ng jowa ngayon.

"She's in UK." sagot ni Kian.

[END OF FLASHBACK]

Sa hindi naman sinasadyang pagkakataon, aksidente ko na-open ang Gallery ni Kian at doon bumungad sakin ang mga picture nila ni Shannon. Picture that was taken last week. Ang araw kung saan sinabi sakin ni Kian na ang childhood friend niyang si Shannon ay nasa UK.

"He lied...how could he lie to me?!" garalgal kong pagkakasabi at halos kakapusin na ako ng hininga dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Good morning love." rinig kong boses ni Kian naramdaman ko rin ang paghakbang niya palapit sakin. Hinarap ko siya at isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi niya.

"Gaano ka tagal mo na akong niloloko?! Huh?! Gaano katagal na kayong may relasyon ng Shannon na yun?!!" umiiyak kong pagkakasabi sa sobrang galit habang hinahampas hampas ko si Kian, hinawakan niya naman ng mahigpit ang dalawang kamay ko.

"Love...sorry.." paghingi ng tawad ni Kian.

"Sorry?! Yan lang ang sasabihin mo sakin?! Sorry?!" singhal ko habang tuloy sa pag agos ang luha ko.

"All this time...all this time inakala kong ako lang..ako lang yung nand'yan sa puso mo. Pero mali ako..nagkamali ako. Sa tuwing hinahalikan mo 'ko, sa tuwing kayakapa mo 'ko at hawak mo ang kamay ko, si Shannon ba ang nasa isip mo? Siya ba?!" umiiyak kong pagkakasabi habang pilit akong niyayakap ni Kian at ako naman ay pilit kumakawala sa pagkakayakap niya.

"Sorry..." muli niyang paghingi ng tawad at maging siya ay halos umiiyak narin.

"Sabihin mo sakin..saan ba ako nagkulang? Nagkulang ba ako sa pagmamahal sayo?" umiiyak kong tanong kay Kian."Hindi ka nagkulang Giselle.." malumanay na sagot ni Kian.

"Kung ganon bakit mo 'ko kailangan saktan? Bakit mo 'ko kailangan lokohin? Bakit kailangan mo 'ko pagmukain na tanga!?" tumaas na ang tono ng boses ko ng pagkakataong yun habang tuloy sa pag agos ang luha ko.

"Lumayas ka sa harapan ko." seryosong pagkakasabi ko, pero nanatiling nakatayo si Kian sa harapan ko at tinititigan ako sa mga mata ko.

"I said get out of my sight! Umalis kana bago pa mandilim ang paningin ko sayo Kian!" singhal ko.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon