CHAPTER 35

76 4 0
                                    

-KIAN POV-

Matapos akong tawagan ni Allyson ay agad akong sumugod sa hospital kung saan dinala si Shannon. Dahil nag aalala ako sa batang nasa sinapupunan niya, kung totoo man na anak ko ang bata o hindi. Hindi niya parin deserve ang madamay sa problema namin ng ina niya.Pag dating ko sa hospital, lahat ng mata ay sakin nakatingin. Maaaring nabigla din sila sa biglaan pagpunta ko sa hospital. Sa tulong ng mga security guards sa hospital ay hindi ako nadumog ng mga tao doon.

"Kian buti naman dumating kana." saad ni Allyson ng salubungin niya 'ko.

"Kamusta yung bata?" agad kong tanong.

"Unfortunately...."

"Ok naman yung anak natin Kian, hindi niya tayo iniwan. Dahil gusto niya pang mabuhay sa mundong 'to na kasama ang mommy at daddy niya." sabat ni Shannon ng lumabas siya sa silid at agad akong napalingon.

"That's good." saad ko.

"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Ang anak lang ba natin ang dahilan kaya ka nagpunta dito?" seryosong tanong ni Shannon.

"Alam ko naman na kaya mong alagaan ang sarili mo. Sige, mauna na 'ko. Ally, ikaw ng bahala sa kaibigan mo." pagpapaalam ko. Hahakbang na sana ako ng hawakan ni Shannon ang kamay ko.

"Dito ka lang, hindi ka aaalis. Hindi mo 'ko iiwan." pakiusap ni Shannon.Tinignan ko ng seryoso si Kian saka ko inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kamay ko. Pagkatapos ay agad narin akong umalis.

-ALLYSON POV-

"Why did you lie?" seryosong tanong ko kay Shannon ng makaalis na si Kian.

"Yun lang ang tanging paraan para hindi ako iwan ni Kian. Kung nananatili siya sa relasyon namin dahil sa bata, hindi dapat mawala sakin ang anak ko. Kung kinakailangan na magsinungaling ako, gagawin ko wag lang ako iwan ni Kian." seryosong pagkakasabi ni Shannon.

"Nagsinungaling kana nga kay Kian na siya ang ama ng batang dinadala mo, dinagdagan mo pa." sermon ko.

"As I said, I will do everything and anything just to make him stay." seryosong sagot ni Shannon.Oo, I'm Shannon best friend but it doesn't mean na ito-tolerate ko siya sa lahat ng kalokohan niya sa buhay. Kaya ko lang naman nagagawang kampihan siya kahit alam kong mali ay dahil malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Shannon. Pero hindi ko na kaya, hindi ko na kayang patuloy na pagtakpan pa ang kasinungalingan ng kaibigan ko.

--

-GISELLE POV-

"Allyson right? Shannon's friend." saad ko ng makita ko si Allyson sa isang restaurant malapit lang dito sa condo ko.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Shannon. How is she? kamusta ang....ang anak nila ni Kian?" seryosong tanong ko kay Allyson.

"I have to tell you something, Giselle...

"Natigil magsalita si Allyson ng bigla mag-ring ang cellphone ko.

Incoming call....Jacob

"...excuse me." pagpapa-alam ko kay Allyson saka ko sinagot ang tawag ni Jacob.

-ALLYSON POV-

"Wait..ano nga ulit yung sasabihin mo?" tanong sakin ni Giselle ng matapos ang pag uusap nila ng tumawag sakanya.

"Wala siyang sasabihin sayo, diba Ally?" rinig kong boses ni Shannon.

"Kindly excuse us..." seryosong pagkakasabi ni Shannon sabay hila sa braso ko.

-SHANNON POV-

Sabi ko na nga ba't may binabalak si Allyson na hindi ko alam. Mabuti nalang at sinundan ko siya.

"Balak mo ba 'ko traydurin Allyson Sta. Maria?" sarcastic kong tanong kay Allyson habang pinandidilatan ko siya ng mata.

"Hindi sa ganun Sha.."

"After what my family did to you. Ito ang igaganti mo sakin? Wala ka ba talagang utang na loob Allyson?" sumbat ko kay Allyson.Nakayuko naman siyang umiling.

"Kung ikaw lang din naman ang ta-traydor sakin. Baka mas mabuti pang magsama na kayo ng mga magulang mo sa langit." pagbabanta ko.Agad na tumingin sakin si Allyson na para bang nakikiusap siya na wag kong ituloy kung ano man ang nasa isip ko.Ang totoo ay hindi ko rin naman kayang saktan si Allyson. Para ko na siyang kapatid. Oo malandi at mang aagawa ako, pero hindi ko kayang pumatay ng tao.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon