CHAPTER 22

66 4 0
                                    

—EZEKIEL POV—

"Hey wazzup?" bati ko kay Kian ng magkasalubong kami sa parking lot ng Paradise Ent. ngunit tinanguan niya lamang ako saka ako nilagpasan.

"Kamusta kayo ni Giselle?" seryosong tanong ko ngunit may laman. Agad naman ako nilingon ni Kian.

"Ok lang naman kami. Still going strong. Sige, mauna na ako sayo." seryosong pagkakasabi ni Kian, pahakbang na sana siya palayo ng muli ako magsalita.

"Still going strong? Kayong dalawa ba talaga ni Giselle ang tinutukoy mo? o yung babaeng ka-holding hands mo kahapon sa mall." sarcastic na tanong ko dahilan upang mapatigil sa paghakbang si Kian at tignan ako ng masama.

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi mo 'ko katulad. Kung ako sayo, pagtuunan mo nalang ng pansin ang relasyon ni Coleen, at wag mo ng pakialaman ang tungkol samin ni Giselle." seryosong pagkakasabi ni Kian, halata sa boses niyang naiinis narin siya. At yun naman talaga ang gusto ko. Ang ubusin ang pasensya ni Kian ng malaman ko ang totoo.

"Kung ikokompara mo ang sarili mo sakin. Magkaibang magkaiba tayo, kasi ako once na committed na ako sa isang relasyon, hindi na ako tumitingin sa iba. Oo, may pagka playboy ako kapag single pa ako. Pero ngayon na girlfriend ko na si Coleen, hinding hindi ako gagawa ng dahilan upang magkahiwalay kami o masira ang relasyon namin dahil mahal ko siya, at ayaw ko siyang mawala sakin. Sana ganun din ang mindset mo Kian. Dahil kung sasaktan mo si Giselle, siguro akong pagsisihan mo yun." seryosong pagkakasabi ko.Hindi na nagsalita pa si Kian at tinignan lamang ako ng matalim, kaya ako nalang ang naunang umalis at sumakay sa kotse ko.

——

—COLEEN POV—

Patungo sana ako sa Bakeshop na pinapatayo ko ng makita ko ang kotse ni Kian na paalis mula sa Paradise Ent. kung kayat naisip ko na sundan ito.May ilang kilometro din ang itinakbo ng kotse ko mula sa Paradise Ent. at alam ko naman na hindi pa ako naliligaw, kailangan ko lang talaga sundan si Kian. Gusto ko rin kasi malaman kung niloloko ba ni Kian ang girlfriend niyang si Giselle na kaibigan ko narin ngayon.Sa isang Coffee Shop sa may west avenue tumigil ang kotse ni Kian kaya naman itinabi ko rin ang kotse ko at agad na hinahanap ang camera sa cellphone ko. Just in case lang na may matuklasan ako ngayon, at hindi nga ako nagkamali. Ang babaeng kasama at ka-holding hands ni Kian sa mall kahapon ay ang babaeng hinagkan niya ngayon sa labi. WTF!Gustong gusto ko na bumaba ng kotse at sabay na ingudngud sa lupa si Kian at ang babaeng kasama niya ngunit kailangan ko pakalmahin ang sarili ko. Kailangan ko muna magpanggap na wala akong alam. Ngunit kung hanggang kailan? Yun ang hindi ko alam.Maya maya pa, nag ring ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Ezekiel kaya agad ko 'tong sinagot.

"Where are you babe?" agad na tanong sakin ni Ezekiel.

"Nasa west avenue ako." saad ko.

"West avenue?! Anong ginagawa mo d'yan?" pagtataka ni Ezekiel.

"Mamaya ko nalang sasabihin sayo dahil kailangan ko rin hingin ang opinyon mo." malumanay na pagkakasabi ko.

"Ok, see you later. Mag iingat ka sa pagmamaneho mo." concern na pagkakasabi ni Ezekiel.

"Noted, babe." nakangiti kong pagkakasabi.

"I love you..."

"I love you more.."

*end call*

——

—KIAN POV—

"Bakit naman parang ang tahimik ng boyfriend ko? May problema ba?" may pag aalalang tanong ni Shannon sakin.

"Wala naman...Love." nakangiting pagkakasabi ko habang nagmamaneho ako ng kotse."You sure?" paninigurado ni Shannon.

"Wala ka dapat ipag alala sakin Love, ayos lang ako. Saan mo nga pala gustong magpunta tayo?" nakangiting saad ko.

"Kahit saan basta kasama kita, sobrang saya ko na." masayang pagkakasabi ni Shannon.I just can't help my self but to fall in love with Shannon even more. Kahit alam kong nasasaktan ko na si Giselle sa ginagawa ko. Hindi ko rin naman kayang bitawan si Giselle, dahil aamin kong mahal ko rin siya at hindi ko rin kaya kapag nawala siya sakin. Ngunit isa lang ang puso ko, isa lang dapat ang laman nito. Hindi ko kayang mamili between Giselle and Shannon.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon