Chapter 65

1.1K 65 60
                                    

Marcus POV

"Oh? Akala ko ba hindi ka papasok?" Marahang siniko ako ni Gutch. Sumenyas lang ako para sabihing mamaya na. Nilingon ko naman si Graham na nasa likuran ko lang at agad naman itong sumaludo nang mag-tama ang aming mga mata kaya tipid na tumango ako sa kanya. Pabirong kumindat ito sa akin kaya natawa ako.

"Sorry, man! I'm already taken."

"Mas masarap ako." Malanding bulong nito habang maypa-flying kiss pang nalalaman.

"Nanununtok girlfriend ko."

"Auto pass ako diyan. Ayokong majombag ang byuti ko, noh?" Sabay kunwaring flip sa imaginary hair nito. Napailing ako dahil sa kakulitan nito. Parang si Kairo.

"Pst hoy!" Pagpapansin ni Kairo sa gilid ko.

"Later, dude."

"Ikaw ha! May favoritism ka. Nagsiselos na ako."

"Ulol!" Tawa ko.

Pagkapasok ko palang kanina sa room namin ay ramdam ko na ang pananahimik ng lahat at mga tingin na ipinupukol nila sa akin. Digital na ang chismis ngayon kaya malamang ay nakakita na sila ng video kung ano ang nangyari kanina. Maging ang prof nga namin sa FEM ay hindi na nga ako sinabon ng mga tanong at hinayaan nalang akong umupo ng tahimik sa pwesto ko.

Buong oras ng klase namin ay pinili kong mas mag-focus at hindi magpa-apekto sa gumugulo sa isip ko. Inisip ko nalang na kailangan kong bumawi sa tatlong araw na absent ako para mabawi ang nasayang kong points sa recit. Pansin ko ring matalino si Graham dahil ilang beses din siyang nakakasagot sa mga tanong ng Prof namin kanina kaya napahanga ako dito.

"Ayan tayo, eh! Dumating na ang bida-bida." Nag-aasar na wika ni Kairo dahil tapos na ang klase namin.

"Tss!" Itinapon ko sa kanya ang scratch na binilog ko kanina sa klase. Nagsi-alisan na ang ibang classmates namin papunta sa next subject namin kaya nilapitan nila ako.

"Akala ko ba hindi ka muna papasok?" Graham asked.

"Hindi pumayag si Misis, eh." Biro ko.

"Naks! Under na under." Tawa ni Tanako. "Iba talaga si idol. Kahit ikaw napapasunod. Hahaha!"

"Dude, naka-upload na pala sa Academy Page ang nangyari kanina. Andaming views agad." Pagbabalita ni Yuki. As expected. Sabi ko nga diba? Digital na ang chismis. Napailing ako dahil napakalaking eskandalo ito sa pamilya namin.

"Afatay na!" Palatak ni Kairo.

"Lolo asked for it. I really can't blame Arken, though. Harap-harapan siyang binabastos ni Lolo palagi."

"True." Yuki agreed. "Kahit naman balde napupuno din."

"I couldn't agree more." Tango naman ni Tanako.

"Can you take down all the videos?" I asked Tanako since he's the techy in the group. Gusto ko pa ring protektahan ang pamilya namin.

"Of course!" Tango nito.

"'Bat niya kasi tinatrato ng gano'n si Arken? Alam naman na niya kung sino talaga ito." Sabat ni Gutch. I sighed.

"He's always like that even before. Ya'll knew that. Mataas ang pride no'n at ayaw niyang tumanggap ng pagkakamali."

"Right." Tanako agreed. "Kahit naman noon kay Maureen. Ganyan pa din naman siya. Kaso nga lang 'yung si Maureen, tanggap lang 'yon ng tanggap ng masasakit na salita. Eh, si idol, hanep naman ang mga pabalang na sagutan. Hindi ko alam kung natural pa ba 'yon o sinasadya niya." Natahimik kaming lahat habang may kanya-kanyang iniisip.

HIS QUEEN (Season 2)Where stories live. Discover now