Chapter 80

1.1K 102 112
                                    

*Ang hindi magvo-vote at comment, pangit! HAHAHAHA.

Marcus POV

"You're 3 minutes late!" Striktong puna ni Mr. Steven kaya kinabahan ako.

"Sorry, po." Hinging despensa ko agad. Hindi ko na sinubukang rumason pa dahil baka magalit ito.

"Give me 300 push-ups!" I was startled after hearing what he said. Tumingin muna ako kay Spencer at nagkibit-balikat lang ito habang naka-ngisi. "Now!" Mr. Steven bombarded. I can almost feel the adrenaline rushing in my veins.

"Y-Yes, Sir!" Agad na binitawan ko ang hawak na bag at nagmamadaling tumalima sa utos nito. Wala namang problema sa 300 push-up dahil ginagawa ko naman 'to noon pa man, but I don't know if I am allowed to take a rest for a while.

'Kaya ko ba ng walang pahinga?'

"Come on, Steven. Don't be so hard on him."

"Nothing in this world is hard if you're just eager to learn, Gifu. And besides, the word "hard" is just an understatement to the kind of life that we have. Ngayon pa lang, dapat malaman niya ng hindi basta-basta ang pinasok niya!" Narinig kong striktong paliwanag ni Mr. Steven kay Tito Seb.

"Ha! Ha! Ha! I couldn't agree more."

"Kaya mo 'yan, bayaw!" Kantyaw ni Spencer at kumuha pa ng upuan para tingnan ako sa ginagawa. Mayamaya pa ay nagsimula na rin itong magbilang para tulungan ako. Kaya napatingin ako sa gawi nito habang nagpupush-up pa rin, at nakangiting nag-aprub naman ito sa akin para magbigay ng moral support.

"You can do it!" Pagmo-motivate nito.

Nabuhayan naman ako ng loob at nag-focus ulit sa ginagawa habang nag-uusap sina Tito Seb at Mr. Steven ng kung anu-ano. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagbibilang para matapos na ako agad. Kinakabahan ako, dala na rin siguro ng pressure at intimidation sa tatlong taong andito sa loob ng silid na 'to.

Naka-90 nonstop push-up palang ako ng magsimula na akong mangalay. It feels like my shoulders are burning on fire! Tagaktak na rin ang pawis ko sa semento at hindi ko alam kung pwede ba akong huminto at magpahinga kahit saglit lang.

"You can do it, don't stop." Narinig kong sabi ni Spencer. "It's just a mind over body, Dude."

Fuck!

Hindi ko na halos maramdaman ang mga braso ko nang maka-abot ako ng 170 push-ups pero nagpatuloy pa rin ako. Nanginginig na nga ang siko ko at ngalay na ngalay na rin ang balikat at braso ko hanggang sa umabot na ang bilang ko ng 250 push-up.

I tried to push even more and harder...

Nahahapong sumalampak ako ng higa sa semento nang sa wakas ay natapos na ako. Hingal na hingal pa ako at basang-basa na ako ng pawis. Hindi ko na nga maramdaman ang mga braso ko dahil sa sobrang pangangalay nito.

"Well done, Dude!" Puri ni Spencer.

"Thanks, Bro." I answered while still catching my breath.

Kaya ko naman ang 300 push-up, syempre kung may pahinga in between kaya medyo nag-aalanganin ako kanina kung magagawa ko ba. And surprisingly, nakaya ko nga talaga hanggang huli ng hindi tumitigil... mahirap nga lang talaga.

Tama nga ang sinabi ni Spencer, it's just a mind over body. You just have to set a goal in your mind. Kaya I'll take this as an accomplishment.

"Stand up!" Narinig ko ang striktong boses ni Mr. Steven mayamaya kaya automatic na sumunod ako. Pinahid ko muna ang pawis ko sa noo dahil pumapasok na ito sa mata ko. Mahapdi, eh.

HIS QUEEN (Season 2)Where stories live. Discover now