Chapter 76

1.1K 79 123
                                    

Marcus POV

Pagkatapos naming pumunta sa Iron Sight ay kumain muna kami sa isang mamahaling restaurant bago nila ako inihatid pabalik sa coffeeshop. Pampalubag loob ba 'yon sa itinamo kong nerbyos? Halos hindi ko na nga manguya at malunok ng maayos ang pagkain dahil sa sobrang tension habang kinakausap ako ni Mr. Steven.

Arken's Dad was super intimidating to the core even if he's not trying to be. His authoritative voice was an enough reason for me to even flinch in fear.

Napatingin nalang ako sa papalayong Mercedes Benz. Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan dahil nanginginig pa rin ang tuhod ko sa kaba hanggang ngayon. Para akong sumabak sa gyera kanina ng hindi handa. It was a suicide mission, damn it! I cringed when I remembered what happened at the Iron Sight.

That was so embarrassing!

I almost peed my pants!

From this day forward, I promise to hone my skills. Gagalingan ko sa trainings para makita ni Mr. Steven na hindi ako nagbibiro. Malinis ang hangarin at intensyon ko sa anak niya because Arken is the best thing that ever happened in my life and I meant everything what I've said earlier.

Nanghihinang umupo ako sa gutter. Everything feels so surreal. Parang nasa pelikula ako dahil sa mga nangyayari sa buhay ko simula pa kahapon.

Hindi pangkaraniwan.

Hindi normal.

Hindi kapanipaniwala.

Napayuko ako at inisip ang huling katagang binitawan ni Mr. Steven bago ito umalis.

"Protect yourself. That's the only way how you can protect my daughter."

"Tol!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Erro. Hindi na ito nakasuot ng uniform at may hawak-hawak itong garbage bag sa kamay. Tiningnan ko ang oras.

'Fuck! 7:23 P.M na pala!'

"U-Uuwi ka na?" I asked immediately. Tumango naman ito at inilagay sa designated garbage bin ang hawak na bag. Day and night kasi kino-collect ang basura dito.

"Oo. Akala ko sandali ka lang?"

"Ako rin. Akala ko sandali lang din ako." Mahina kong usal at napahilamos sa mukha.

"Okay ka lang ba, Boss?" Lumapit ito at umupo sa tabi ko.

"Yeah... I'm fine."

"Sino pala 'yon? Nakita ko kasing lumabas ka kanina sa isang magarang sasakyan."

"Daddy ng girlfriend ko." I sighed.

"Big time!" Komento nito at tinapik ako sa balikat. "Anong problema? Pinapalayo ka ba sa anak niya? Ganyan ang napapanood ko sa pelikula, eh!" Usisa nito pero umiling ako.

"Hindi. May pinag-usapan lang. Wait, I'll just go get my things. Makikisakay ka ba?" Tumayo ako.

"Oo nga sana Boss, eh. Akala ko mamaya ka pa. Sayang naman ang 60 pesos na pamasahe." Anito sabay kamot sa batok.

"Sure, no problem." Pumasok ako sa coffee shop para kunin ang naiwang gamit. Medyo nararamdaman kong pinagtitinginan ako ng mga kasamahan ko sa trabaho pero ngumiti lang ako sa kanila. I think they're also wondering about what happened to me earlier. Sino naman kasing taong may matinong pag-iisip na basta-basta nalang na yuyukod sa harap ng maraming tao. Hindi naman ako isang Hari, hindi ko rin naman ito kilala at lalong-lalo na na hindi ito ang kultura ng mga pinoy.

Hindi naman ako kinausap o pinagalitan ng Manager namin ng makita ako. Tumango lang ito sa akin nang magpaalam na ako.

Strange.

HIS QUEEN (Season 2)Where stories live. Discover now