Chapter 87

1K 83 111
                                    

Arken POV

"The term nuclear battery describes a device which uses energy from the decay of a radioactive isotope to generate electricity." Walang gana kong sagot sa tanong ng Professor namin.

"Is that all?"

"Well, like nuclear reactors they generate electricity from atomic energy but also differ in because they do not use a chain reaction."

"Good point! Take your seat." Tugon ng Prof namin at tinawag si Coreen na naka-upo sa kanan ko.

"Miss Sy! Stand up!"

"Yes, Miss?"

"Nuclear battery is also known as?"

"Atomic Battery, Tritium Battery and Radiosiotope Generator." Siniko ako ng bahagya ni Trisha.

"Oh?"

"LQ na naman kayo, noh?" Anito pero umiling ako at nagdrawing lang ng kung anu-ano sa notebook ko. "Wee? Di nga? Eh, bakit hindi kayo magkatabi ng upuan? Kanina pa kaya tingin ng tingin si Supremo sa'yo pero hindi mo pa rin pinapansin."

"Shut up."

"Suuusss! Ewan ko sa inyong dalawa. Ayy, wait! May chika pala ako sayo! Hihihi." Mahina itong humagikgik. Tss! Kinikiliti?

"Hmmm..."

"Kas.."

"Miss Cole!" Malakas na tawag ng Prof namin kay Trisha kaya natahimik ito. Ayan kasi, daldal ng daldal.

"Yes, Miss?" Tumayo ito at confident pa na ngumiti. Psh! Beauty queen?

"Care to share us your thoughts about the Conversion Techniques?" Bahala na siyang sumagot diyan. Wala talaga ako sa mood kaya nagpatuloy lang ako sa pagdo-drawing sa notebook ko hanggang sa namalayan ko nalang na kinalabit ako ulit ni Trisha.

"Hoy! Kanina ka pa lutang. Dismissal na." Puna nito pero umiling lang ako at tumayo para kunin ang bag. Lilipat na kami ngayon ng room sa next subject namin at mabuti nalang dahil hindi ko classmate si Marcus do'n.

"Hoooy! Sandaliiii!" Tumakbo si Venice para maabutan ako dahil nauna na akong lumabas. Ni hindi ko na nga tinapunan ng tingin si Marcus. "Yow! Bad trip ka?"

"Stop asking the obvious, Vince." Sabat ni Coren na humabol rin pala sa amin.

"LQ na naman kasi." Narinig kong bulong ni Trisha kay Nina sa likod.

"Omg!" Ganting bulong ni Nina dito. "Again? Kaya pala wala rin sa mood si Supremo ngayon."

Tsh! Para namang hindi ko naririnig ang usapan nila. Pumasok kami ng elevator at pinindot ni Vince ang 6th floor. Wala namang ibang nagtangkang sumabay sa amin kaya kami-kami lang ang nasa loob ng elevator.

Nang magsimula na ang discussion namin ay nanatili lang akong tahimik buong klase namin. Sumasagot lang ako kapag tinatawag ng prof ang pangalan ko tapos tatahimik na naman ulit pagkatapos sumagot.

Wala rin ako sa mood na makipagkwentuhan kaya tanging kibit balikat lang o di kaya'y tipid na tango lang ang ginagawa ko sa kanila.

I am still actually annoyed and pissed off right now. Hindi naman kasi ako ang nag-umpisa ng gulo. Ang pamilya niya ang may ginagawang masama sa akin kaya masama rin bang gumanti ako? Kung makapagsalita naman kasi si Marcus sa akin kanina ay parang ako na ang pinakamasamang tao dahil sinaktan ko ang kapamilya niya.

'But that's my family member! Please don't hurt any of them!'

I do understand that he's just worried about his cousin but why can't he just ask me first why I did that? Anong akala niya sa akin? Irrational? Fuck! Nakakatampo lang kasi!

HIS QUEEN (Season 2)Where stories live. Discover now