Chapter 83

959 86 116
                                    

Marcus POV

Nagkatitigan kaming tatlo at pare-pareho kaming natawa nang makita namin ang isa't-isa. Hahahaha! Puta! Ang sagwa!

"Hahahaha! Damn! You're so sexy, Dad!" Kantyaw ni Spencer kay Mr. Steven na masama na ang templa ngayon nang makita ang itsura sa malaking salamin.

"Gifu will definitely pay for this." Gigil na anas nito. Tumingin naman si Mr. Steven sa akin. "We have to make him pay for this next year. Bumawi ka! We have to avenge for ourselves!"

"Yes, Sir!" Tumango ako at tiningnan ulit ang itsura ko sa salamin. Napangiwi ako pero natawa na naman ulit dahil sa sobrang ikli ng paldang suot-suot. Nadamay tuloy ako sa kalokohan ng pamilyang 'to.

Tinitigan ko ang mukha ko at napailing. May make-up pa talaga kami sa mukha ngayon dahil giniit ni Tito Seb na paayusan kami sa stylist.

"Hahaha! I look good, though!" Tawa ni Spencer. How can he be so chill and still stay positive right now? "Na-memorize niyo na ba ang chant natin mamaya?" Tanong nito kaya umiling ako at si Mr. Steven.

"I-memorize niyo na dali! Para matapos na."

"I don't want to get out of that goddamn door!" Angil ni Mr. Steven pero kumatok na si Butler Jang.

"Huijangnim, Young Masters... We are all waiting for you outside." Kinuha ni Spencer ang wand sa lamesa at isa-isang ibinigay 'yun sa amin.

"Fuck! This is embarrassing!" Bulong ni Mr. Steven. Gusto kong matawa sa wig nitong kulay dilaw na naka pigtails pa pero narealized kong pareho pala kaming tatlo na naka-sailormoon costume.

"W-We can do this." Pagbibigay lakas loob ko sa kanila pero parang ako mismo ay hindi kayang paniwalaan ang sinabi ko.

"You go first." Tulak ni Mr. Steven kay Spencer.

"Why me, Dad? Si Marcus ang bunso rito kaya siya ang dapat na mauna." Reklamo nito. "Dude, you go first!" Utos ni Spencer sa akin kaya kinabahan ako.

Wala pa naman akong lakas ng loob na humindi rito. Kung nauutos-utusan ko ang Knights, ang dalawang kasama ko ngayon ay hindi.

"O-Okay." Hindi na ako nagreklamo pa kasi ako naman talaga ang rason kung bakit natalo kaming tatlo.

Sinipat ko muna ang repleksyon ko sa salamin at napangiwi ako. Hindi ko alam kung mamahalin pa ba ako ni Arken kapag nakita niya na ang mukha ko ngayon.

Marahan kong pinihit ang doorknob pero agad ko namang isinirado 'yon dahil hindi paman kami nakakalabas ay rinig na rinig ko na dito ang malakas na halakhak ni Tito Seb.

"Bubusalan ko na talaga ang bibig ni Gifu kapag hindi pa 'yan tumigil sa kakatawa." Nanggigigil na singhal ni Mr. Steven na ngayon ay nasa likod na ni Spencer.

"Come on Dad, chill! Be a good sport. We can do this! May isang salita tayo." Tawa ni Spencer kahit namumula na ang leeg at dibdib nito sa hiya.

Nagbilang ako ng hanggang sampo bago binuksan ulit ang pinto. Kuyom ang kamay na lumabas ako pero no'ng makalabas na ako ay agad namang sumara ulit ang pinto at ako lang ang nakalabas ngayon sa harap nila Arken dahil nagtago ulit sina Spencer at Mr. Steven sa loob ng kwarto.

Shit!

Natataranta na pinihit ko agad pabalik ang pinto ngunit naka-lock na 'yon. Kinalabog ko ng makailang ulit 'yon pero hindi talaga nila binuksan hanggang sa nakarinig nalang ako ng naghihisteryang tawa na galing kay Tito Seb.

Great!

Pulang-pula na ang mukha ko ngayon habang pilit na pinapababa ko ang suot na salawal dahil sa sobrang iksi nito. Ramdam na ramdam ko na rin ang pag-iinit ng buong mukha ko at pamumula ng tenga ko.

HIS QUEEN (Season 2)Where stories live. Discover now