Chapter 90

1.1K 88 154
                                    

Kairo POV

"Shot! Shot! Shot!" We chanted as Venice emptied her glass of drink. Everybody is getting pretty wild and drunk. Thanks to Graham's birthday!

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang babaeng katabi ko ngayon. Parehong-pareho kami ng ugali na makulit at madaldal kaya sobrang nagkakasundo kaming dalawa lalong-lalo na at mahilig kami na mang-asar. Wala naman kaming problema kahit na madalas ay pinagtitripan ko siyang tuksuhin. Infact, I am very much open to her about my feelings for her.

Gusto ko siya.

Gustong-gusto ko siya.

I love her sense of humor. Andali niyang makagaanan ng loob dahil napaka-kalog niyang kausap. She's the life of the party. Kumbaga, she sets the mood of everyone.

Kapag magkasama kami ay mas nagiging riot ang barkada sapagkat tawa lang kami ng tawa dahil sa mga batuhan namin na asaran hanggang sa napapahalakhak nalang ako ng malakas dahil napipikon ko siya. To the point na muntik na akong maging target board dahil binato niya ako ng ashtray sa ulo, mabuti nalang at nakailag agad ako. Hahahaha!

She never flirted with me nor gave me any hint that she likes me as a man kasi tropa lang talaga niya ako kung tratuhin. Kumbaga, nafi-friendzone niya ako, but that's totally fine with me. Masaya naman ako sa friendship naming dalawa. At least, mas nakikilala ko siya ng husto. No rush, no pressure.

Nagti-text kami, nagvi-videocall, gumagala sa mall kasama ang barkada at nakakalaro ko ito ng mobile online games at kontento na ako do'n.

Actually, akala ko noong sa umpisa ay ginu-goodtime niya lang ako, na nagpapapakipot lang siya para makuha ang loob ko pero wala pala talaga siyang gusto sa akin.

Oo, tinutukso kaming dalawa dahil syempre alam naman nila na may gusto ako sa kanya. Hindi ko naman idinideny 'yun kasi alam ko naman talaga kung ano ang real score sa aming dalawa. Maliwanag pa sa crystal clear na sinabi niya sa akin noon na wala siyang nararamdaman sa akin na lagpas pa sa isang pagtingin ng isang kaibigan. Mabuti na nga lang at sinasakyan niya nalang ang mga biro ng barkada at hindi siya nao-awkward na makipagbiruan sa akin.

Sa totoo lang, ako lang naman talaga ang marupok kaya binansagan nila ako sa groupchat namin ng "Kairopok" dahil nahulog ako sa kanal. Kay "Venice Grand Canal".

"Arrgh!" She grimaced after she tasted the lemon. "Eww! Yuck! Hindi masarap!"

"Hindi raw masarap pero nakailang shots ka na." Tawa ko. "Don't drink too much. Ayokong mag-alaga ng lasing." I joked. Medyo kaming lahat ay may tama na rin except kay Arken na tubig lang ang iniinom. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang bote na namin 'to ng tequila tapos may ilang cases ng beer pa kaming naubos kanina.

Ngayon ko lang nalaman na ang tataas pala ng alcohol tolerance nina Trisha at Venice. Kanina pa sila umiinom pero hindi pa sila tinatablan, samantalang si Coren ay tanging fruit cocktail lang ang iniinom at si Arken naman ay tubig lang.

"Dude, I can still manage." Ngumisi ito kaya napatitig ako dito. Mamumula na ito ngayon dahil sa alak na iniinom kaya mas lalong nai-emphasize ang kaputian nito. "Hell, yeah! This is liiiiiife!" Hiyaw nito at naghi-headbang pa dahil sa party music.

Napalingon ako nang may biglang lumapit kay Arken. Hindi ko ito kilala pero mukhang kilala naman niya dahil yumukod pa ito sa harapan niya at bumulong pagkatapos.

Nagkibit-balikat nalang ako dahil hinuha ko ay isa ito sa mga napakarami niyang bodyguards na hindi namin palaging nakikita pero nasa paligid lang pala na nakabantay at nagmamatyag. Sabagay, hindi na rin nakapagtataka dahil sa sobrang yaman ni Arken. Kahit siguro kung ako ang magulang ni Arken ay gano'n rin ang gagawin ko sa anak ko.

HIS QUEEN (Season 2)Where stories live. Discover now