Chapter 89

1.1K 67 103
                                    

Marcus POV

8:00 PM ang sinabi ko na susunod ako sa kanila pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang mag-out agad dahil sa dami ng costumers na dumadagsa ngayon dito sa shop. Tss! Huling basa ko sa text ni Arken ay nando'n na raw sila sa restaurant nina Nina pero hindi na ako nakapag-reply ulit dahil sa naging sunod-sunod na ang mga orders na kinuha ko.

"Tol! Paki-assist sa table 23. Tinatawag ako sa kitchen." Bulong ni Erro kaya mabilis naman na tumalima ako.

"Hello, Miguel!" Nakangiting bati ng costumer sa akin. Nakalimutan ko na naman ang pangalan nito.

"Good evening, Ma'am! What would you like to have?"

"Can I have you instead?" She gave me a flirtatious smile and then looked at me from head to toe while batting with her fake eyelashes.

"I am not interested, Ma'am. Your order please?"

"God! You always play hard to get." She smirked. "You forgot my name again, don't you?"

"Sorry, Ma'am. Costumers do always come and go here everyday and I'm really bad with names." Sana maintindihan niya ang ibig kong sabihin na hindi ako interesado sa kanya.

"I won't mind if you call me Baby, though." She bit her lips. "That would be a pleasure to me."

Damn! This one is persistent! Hindi ko na magawang tumawa o ngumiti man lang dahil nagsisimula na akong mairita. Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumabas na si Erro sa kitchen at pumunta na rin malapit sa table na 'to para estimahin ang bagong dumating na costumer.

"Kung wala pa po kayong napipiling order ay babalik nalang po ako mamaya, Ma'am." Medyo may pagkasuplado ko ng sabi. Wala pa naman akong panahon na makipag-smalltalk. Mabuti naman at sinabi na nito agad ang gustong orderin dahil baka hindi na ako makapagtimpi dito at mapagsalitaan ko na ito ng masama. Nagmamadali pa naman ako.

Pagkalingon ko sa kabilang table ay nagulat ako nang makitang naka-upo na pala si Arken do'n ng mag-isa. Luh! Sabi ko naman na susunod ako, eh.

"I'll order hot coffee." Sabi ni Arken kay Erro pero nasa akin na nakatuon ang mga mata nito. "Make it sure that it is extremely hot." Parang galit ito kaya napalunok ako.

Napaisip tuloy ako sa mga ginawa ko pero wala naman akong maalalang kasalanan ko. I'm just doing my work. Umalis si Erro sa harap ni Arken kaya lumapit na ako.

"Babe..."

"Finish that last order immediately." 

"A-Are you mad at me, Babe?" Hindi ito nagsalita at kinalikot lang ang cellphone. Baka nagalit kasi hindi na ako nakapagreply kanina.

Patay! Mukhang masama ang templa. Mabilis na pumunta ako sa counter para i-prepare ang order ng last costumer ko. Alam naman na ni Erro na mag-iearly out ako ngayon, babawi nalang ako next week sa shift namin.

"Ang ganda nung nasa table 24 Boss, no?! Kaso mukhang suplada." Kumunot ang noo ko at tiningnan si Arken sa table nito. Nakalimutan niya na ba ang mukha ni Arken? Ipinakita ko na sa kanya ang picture namin no'n, ah?

"Palit tayo ng costumer." Alok ko pero ngumisi lang si Erro sa akin.

"Finders keeper, boss! Tsaka diba may jowa ka na? Ako nalang kay Miss Beautiful. Baka siya na ang forever ko. Hahahaha!"

"Ulol!" Natawa ako dahil nag-flex pa talaga ito ng biceps niya. "Sabagay, finders keeper naman... Pero sige, pagbibigyan kita ngayon." Ani ko. Wala namang problema sa akin dahil malaki ang tiwala ko sa relasyon namin ni Arken. "Good luck, Tol. Hahaha! Mukhang wala pa naman sa mood 'yun."

HIS QUEEN (Season 2)Where stories live. Discover now