Chapter 82

962 73 15
                                    

Marcus POV

"I'll take care of it later, Babe." She licked her lips then left me standing here totally speechless and horny.

'Damn! How did she become such a tease?!'

Napalunok ako at ilang beses akong huminga ng malalim para pahupain ang umuusbong na damdamin dahil ramdam kong nagwawala na talaga ang sandata ko sa ibaba. Fuck! Masyadong mautak si Arken para malinlang ko.

Nang makalma ko na ang sarili ay sumunod naman ako agad kay Arken. Nakita kong tinahak nito ang napakalaking salamin na pinto at dito pa man sa kinatatayuan ko ay nakikita ko na agad ang isang malawak na shooting field kaya excited akong lumabas.

Lumapit ako kina Mr. Steven at Spencer na nag-uusap habang pasimple akong lumingon sa gawi ni Arken na kausap na ngayon si Tito Seb. Napukaw ang pansin ko nang tawagin ako ni Mr. Steven.

"Hey, Marcus, listen."

"Y-Yes, Sir!"

"You have to be accurate in your speed. No reasons, no excuses. Every shot is your best shot." He instructed. Tumango ako.

"Understood, Sir."

"This game is mainly physical so it will require good solid physical base. So sprint efficiently and accurately. There are 19 different stages..." Nagsisimula na itong mag-explain kaya nag-focus ako para mas lalong maintindihan ko ang mechanics ng laro. "There are also a variety of targets and some of those are swings, up, side and down motions. Once the beep goes off, all you have to do is to zone out and start shooting as fast and as accurate as you can." Tumango-tango ako habang nakikinig. Tinapik nito ang balikat ko. "I'm counting on you on this, Marcus." Napalunok ako dahil sa nararamdamang pressure. "You have to be mentally sharp."

"Opo."

"Are you nervous now, Dad?" Nakangising tanong ni Spencer kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"And you also. Be serious! Stop doing that annoying grin, dimwit!"

"Aw! Come on, Dad! Don't be such a downer!" Pagbibiro ni Spencer at hinatak na ako sa field para ma-familiarize namin ang pagkakasunod-sunod ng mga targets at blocking.

"I'm so excited, man." Hindi ko napigilang maibulas. Lumaki kasi kaming naglalaro ng counter strike at Battlefield tsaka The Last of Us sa Ps4 nina Yuki kaya excited akong masubukan ngayon ang physical game. Feeling ko tuloy na para akong bata na nabigyan ng bagong laruan sa birthday ko.

Nakinig ako ng maigi sa instructions at tinandaan lahat ng markings na sinasabi ni Spencer. I am so grateful that they gave me enough time to study the area. I need to figure out and analyze how many targets I should fire later.

I have to be certain on my moves and visualize everything. Hindi basta-bastang kalaban si Arken para magpapetiks-petiks lang ako dito, tsaka napi-pressure rin ako sa mataas na expectation ni Mr. Steven sa akin kaya kailangan ko talagang magpakitang gilas mamaya.

Lumingon ako kay Arken na abala sa pagda-dry run sa field. Gusto kong malaman kung paano niya analisahin ang mga gagawin niya mamaya dahil nakakamangha kung gaano ito kaseryoso ngayon.

"So if you move in this intersection right here, there's a 4 targets popping over here. Same thing with..." Tumahimik ito bigla. "Dude, did you get it?"

"Yeah." Tango ko kahit hindi ako nakatingin dito.

"Stop looking at my sister. Focus, man!"

"I am not." Depensa ko agad at binawi na ang tingin kay Arken pero nakatingin na pala ito sa akin ngayon.

HIS QUEEN (Season 2)Where stories live. Discover now