He? My boyfriend? No hell way...

84 1 0
                                    

Chapter Nine - He? My boyfriend? No hell way…

“Sino ka ba pare? Ha?” ang matapang na tanong nung lalaking nakahawak sakin… Ha Kuya! Wag mong ganyanin yan, hindi mo alam kung sino yan!

“Aba? Ang tapang mo ah? Di mo ba alam kung sino ako?” Kung tinatangal mo kaya yung helmet mo diba?

“Bakit sino ka ba?” tanggalin mo na kasi “Ha? Astig ka ba?” oo kuya astig yan! Teka, pag-tinanggal ba nito yung helmet nya kilala sya?

Lumapit sya samen at hinawakan yung kamay nung lalaking nakahawak sa kamay ko “Pare, kung ako sayo bitawan mo na yung kamay nitong babaeng to” tapos hinigpitan nya yung pag-kakahawak nya kay kuyang pogi sana kaya lang pervert “Dalian mo”

“Pre, masakit yan ah? Kanina ka pa nagtatanong kung kilala kita… eh ako ba kilala mo?” nag-grin yung lalaki… bakit astig din ba to?

“Oo kilala kita… ikaw yung leader nung pulpul gang” ahh! Gang leader din pala to!

“Anong pulpul gang? Baka… Pulpul ka dyan! Royal, Royal gang ang tawag samen” royal? Ano yon softdrinks?

“Eh mga softdrinks pala kayo eh! Kilala nyo ba yung sprite gang?” ang sabat ko sa kanila… (o.0’’) grabe, tiningnan ako ng masama ni kuya softdrinks…

“Aba’t gusto mo ba masaktan miss?” hala sya! Parang JB din pala to… lokohin lang saktan agad?

“Sabi’t bitawan mo na yan ah! Ang kulit mo ah”

“Eh sino ka nga kasi…ang tapang mong humarap sakin eh kilala mo na pala kung sino ako eh”

“Di ka naman kasi nakakatakot” ano ba to? Pataasan at pa-astigan? Eh kung binibitawan kaya ako nitong lalaking softdrinks na to eh di sana nakakauwi na ako at makakagawa ng assignment

“Talagang minamaliit mo ko ah-“ susuntukin na sana ni Kuya softdrinks to pero hinawakan nya yung kamay ni Kuya softdrinks at FINALLY… tinanggal na yung helmet nya

0.o -----> ang mukha ni Kuya softdrinks nang Makita nya yung kalaban nya

“I-ikaw?” ang pinagpapawisang tanong nya… hihihi… sabi ko sayo eh, hindi basta basta yan eh… “je- JB! ng Majestic 15” nagpupumiglas sya sa hawak ni Jb pero hindi sya binitawan ni JB thus JB punch him at Boom! Nung binitawan sya pagkatapos syang sapakin eh tumalsik sya

“Ang sabi ko kasi kilalanin mo kung sinong binabangga mo”

“Eh, eh pano kita makikilala kung naka-helmet ka” Hay naku JB! May point si Kuyang softdrinks dun.

“Oo na sige na! Alis na… susunod kilalanin mo kung kaninong Girlfriend yung hawak mo” tapos tumakbo si Kuya Softdrinks papasok ng sasakyan nya… ganun sya natakot kay JB?? Sabagay mala-demonyo kasi tong si JB eh pero… ano yung

“Hoy.. hoy lalaking sobrang nakakainis, anong sinabi mong Gi-girlfriend mo ko?”

“Bakit ayaw mo ba?”

“Halata bang ayaw ko”

“Forget it, sakay na!” ha? Kanina lang pinapababa nya ko tapos ngayon pinapasakay nya ko… magulong bata! Ay mali…. Magulong demonyo

“Diba nga hindi mo na ako ihahatid?”

“I changed my mind” ha? Ganun “Mamaya kasi kung ano pang mangyari sayo sa daan, ako pa masisi nung mga mabunganga mong kaibigan” ha? Nag-aalala ba to? Pupu, heartbeat! Bakit bigla kang bumilis? Cris’s heartbeat stop that ah?

“Wag na, salamat na lang” kasi naman eh! Anyare bakit bigla ata akong nahiya dito sa panget na to? Well… doesn’t matter

“Hindi, ihahatid na kita” tapos hinatak nya ako papunta sa motor nya at pinasakay ako… naman eh!

It's a Bad World After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon