Why??

77 1 0
                                    

Chapter Thirteen - Why??

"Baba na" sa sobrang pagka-amazed ko sa nakikita kong view eh nakalimutan kong may katabi pala akong demonyo... at di ko napansing bumaba na sya ng motor "Huy"

"Ah.. e..eh" ang sabi ko habang bumababa ako pero hindi pa man din ako tuluyang nakakababa eh hinatak nya na ako papasok tapos papanik sa hagdan at papunta sa isang kwarto... isang malinis at malaking kwarto "Ba-bakit ba??" ang tanong ko sa kanya nang bitawan nya yung kamay ko pagka-sara at pagka-lock nya sa kwarto na sa tingin ko ay kanya at bahay nila itong malaking bahay na to.

"The hell!" ang simula nya "ANG SABI KO MAKIPAGHIWALAY KA NA SA LALAKING YUN DIBA??"

"Eh bakit naman ako makikipag-hiwalay dun?" ang tanong ko sa kanya ng mahinahon

"DAHIL YUN YUNG SABI KO" wow ah

"bakit?? para makisakay ako sa katarantaduhan mo??" ang pagmamatapang kong tanong sa kanya.... nakakainis naman kasi eh

"Bakit? Aangal ka kung gusto kong pagtripan ka? ha?" ha? ano daw pagtripan! Astig ah? Pero bakit parang may isang parte sakin na nalungkot dahil naniniwala na totoo yung sinasabi ni Frans at yun ang dahilan kung bakit nya ako gustong gawing girlfriend nya.. shizz, ano to? "Pag-sinabi ko gawin mo!"

"Ano ko laruan mo?" naiiyak na ko... Cris! wag, wag kang iiyak! Kung pinag-ti-tripan ka talaga nya di ka dapat umiyak... wag kang papayag na manalo sya. Kaya mo yan.

"Bakit sa tingin mo ano kita? Amo mo ko! Nung una sinabi ko na sayo diba? Ikaw ang slave-slash-toy ko? ano ba sa tingin mo ang toy? kaibigan? uso mag-aral para maka-intindi" hindi ko na napigilan at umiyak na ako... sunod-sunod na tumulo yung luha ko, sobrang nasaktan ako sa sinabi nya. Oo nga naman! Bakit ko ba kasi inisip na magiging Tao ang tingin sakin ng lalaking to? PESTE!!!

"Oo nga naman. Sorry ah?"  yun na lang nasabi ko pabalik. Sobrang sakit, parang pinisit yung puso ko. Bakit nga ba? Why?? "Di kasi ako matalino eh, kaya siguro hindi ko naintindihan yung sinabi mo nung una, pasensya na talaga, MASTER JB"

Tapos eh nilakasan ko na ang loob ko at itinulak sya para patabihin, nasa likod nya kasi yung pinto... mag-wa-walk out ako bakit? angal kayo? Di nyo dama yung nararamdaman ko.

"Hey where are you going?" ang sigaw nya nang buksan ko yung pinto

"Kahit saan basta sa lugar na wala ka"

"At talagang may gana ka pang-" hindi ko na tinapos yung sinabi nya at isinara na yung pinto.. Badtrip. Bakit ba kasi ang saya nyang pag-tripan ako?

Pagkababa ko ng hagdan, nakita kong nag-uusap sina Bebe Hanz, Bebe Kyle at yung iba pang member... parang natatakot nga si Bebe Hanz, pero medyo lang, si kyla din, ano bang ginagawa nila? "Bebe Hanz, bebe Kyle" tapos napatingin sila sakin "Lika na, uwi na tayo" ang sabi ko habang nag-pupunas ng luha ko.. ayos kasi yung panget na yun eh.Pinaiyak ako.

"Bebe Cris, anong nangyari?" ang tanong ni Bebe Kyle

"Ay oo nga pala Bebe Kyle, Sean ikaw na bahala kay Bebe Kyle ah? Una na kami ni bebe Hanz" ang hindi ko pagsagot sa tanong ni bebe Kyle

"Oh, paano kayo uuwi?" ang tanong ni Andrew sakin "Alam nyo yung daan?"

"Oo alam ko" ang pagsisinungaling ko sa kanila

"Sigurado ka?" ang sabat naman ni Frans. Tsk. First time nya akong kausapin pagkatapos nung nagalit sya sakin ah? " sa pagkaka-alam ko wala kang sense of direction"

"At paano mo naman nasabi?" ang tanong ko sa kanya

"Baka nasabi mo saken yun nung unang beses" (A/N: hindi yun nakalagay dito sa story kaya kung wala kayong natatandaan, wala talaga.) talaga? nasabi ko sakanya?? nung first time?... ahh oo nga! Nung inutusan ako ni JB na bumili ng pulutan nila

It's a Bad World After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon