At least I have him

72 0 0
                                    

Chapter Seven - At least I have him

Huminto kami sa tapat ng isang napakataas na Hotel… dito sya nakatira?

“Dito ka nakatira?” tanong ko sa panget na JB na yun

….Nag-aantay ako ng sagot pero di nya ako sinagot.. epal talaga! Hmp. Dumiretso kami sa park ng hotel at doon nila pi-nark yung mga motor nila.

“Dito kami nakatira” eh? Wow ah? Ang late ng sagot  nya… in ALL of Fairness

“Naka-hotel lang kasi kaming labinglima pero iba-iba ng room” tapos nginitian nya ako… woooooow *.* Ang GWAPOOOO naman ng nilalang na to, ngayon ko lang sya nakita ng ganito kalapit no? and I can say He’s Freakin’ handsome and ang hot nya! “Ah Hi your Maricris, diba?” Nag-nod ako “And I’m Francis…. Francis Ricardo, nice to meet you”

“Nice to meet you too” tapos ngintian ko rin sya ng napaka-tamis. Mukha syang mabait ah? Sana talagang mabait sya.

“Oy, tama na yan” singit uli ng pangit na JB na to’ “Uy, katulong wag mo ngang nilalandi yung kaibigan ng master mo” oooyyyyy, tapang ah? Nilalandi? ‘tut mo mabaho. LESHE.

“Grabe ka pre ah? Dahan-dahan babae parin yang kausap mo” sabi ni Francis…. >.< wiii kinikilig ako! Crush na kita grabe! ANLANDIIII!

“Yaan mo sya” che.

Naglakad na sya papuntang elevator. HMP! Mas-gwapo sakanya si Francis no? Pangit kasi sya. Dumating na kami sa Pinakahuling floor, ang 8th floor. Lumabas na kami ng elevator at dumiretso sa isang kwarto. “This is my room” ang sabi ni JB. Tapos binuksan nya and *.* ang linis ah? Hindi halatang gangster yung nakatira…  at yung mga gamit mukhang mamahalin ah?

Pumasok na kami sa loob at umupo sa isang sofa tapos dumiretso yung pangit na jB na yun sa…. Siguro kwarto nya! In-fairness ang laki ah? Yung sala nya mas malaki pa sa sala namin Considering na mag-isa lang sya dito at apat kami dun sa bahay

“Oh ano? Start na?” tanong ng isang gwapong nilalang

“Hintayin muna natin yung hari” Sagot naman ng isa pa. Ampupu wala akong kilala sa kanila kundi si JB,Sean at Francis lang. Anong start kaya yun?

“Anong i-is-start?” tanong ko sa kanila! Kasi naman, hindi ko maiwasang isipin na tungkol sakin yun no? Mamaya ma-gang rape ako dito.

“Mag-inuman!” sagot ni Kuyang isa sakin.

“*Alam ko kung anong nasa isip mo kanina!*” Bulong ni Francis sakin “*wag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan*” at nung narinig ko yun parang gumaan yung loob ko. Ang lambing kasi ng boses ni Francis eh, kilala nyo si Daesung ng Bigbang? Ganun ka-lambing yung boses nya pag-bumubulong… eeeep! Pero kung hindi naman sya bumubulong, parang boses ni G-Dragon…. Sweet! >,<

Lumabas na sa kwarto yung pangit na yun at dumiretso naman sa… kusina? Eh kasi may nakita akong upuan eh!

“Ay oo nga pala… Maricris” then Lumingon ako sa isang lalaking gwapo na tumawag sa pangalan ko “Di mo pa kami kilala… I am Mikee, ang pinaka-matino sa grupo namin” weh? Siguraduhin mo lang ah?

“Naku Maricris wag kang maniwala dyan, Gag* yan” sabi ni Francis

“Ako naman si Phoenix, ang pinaka-gwapo sa gang” well, mukhang tama naman sya… pero syempre mas gwapo si Francis…..para sakin! Deh joke… kung susuriin, ang pinaka-gwapo si JB…pero dahil masama ang ugali, di na sya gwapo!

“Ako naman si Sean yung Kuya ni Kyla”

“Ako siguro kilala mo na ako” ang sabi nitong lalaking nasa tabi ko sa kanan.. si Francis.

It's a Bad World After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon