Chapter Eleven - Fuentes Siblings
Sean’s POV
“HALAAAAAAA!!!” ang biglang pagsigaw ni Kyla.. ano naman kayang problema ng babaeng to ngayon
“Oh bakit?” ang tanong ni Honey ba yun? Basta…
“Si manong… nawala sa isip ko.. Patay! Baka kung anong sabihin nun kay mama… baka nga tinawagan na nya sila Mommy, Anong gagawin ko” masyado naman tong takot kay Mommy… eh ano naman? tsk.
“Tawagan mo na lang si manong at mag-pasundo ka dito,Isabay nyo na rin ako… kahit hanggang sa sakayan lang” ang sagot sa kanya ni.. nung isa… banas, ang hirap talaga tumanda ng pangalan.. pshhh
“Ah oh sige” tapos tumingin sya sakin “Sige na mauna na kayo.. mag-hihintay na lang kami kay manong sa malapit na kanto” anong sabi nitong babaeng to? Mauna na kami at mag-iintay sila? Hindi ba nito alam na sobrang mapanganib dito?
“Hinde, hinde… ihahatid na lang kita…” ang singit ko sakanila “Sige tawagan mo si Manong at sabihin mong kasama mo ko” mapapahamak to eh! Baliw-baliw kasi… “Sabihin mo sinundo kita kanina tapos nakalimutan mong tawagan sya… manghinge ka ng sorry” haysss… pasalamat sya, kapatid ko sya at.. mahal ko sya..
Tinawagan na ni Kyla si Manong Driver tapos Nag-prisinta naman si Kean na ihatid yung isa…
“Kyla lika na… angkas na” ano bang problema nito at nakatitig sakin… *sigh* pero na-miss ko talagang maka-usap tong babaeng to ah!
Umangkas na sya sakin at iniwan na namen sila… bahala sila sa buhay nila dun, uuwi muna ako ng bahay. Matagal ko nang iniisip umuwi kaya lang masyadong madaming kaaway at baka masundan ako… pero sa tingin ko bale wala din kasi nalalaman din nila kung sino-sino yung mga taong mahalaga sakin…. samen…
Oo nga pala… ako si Sean Fuentes, ang panganay na anak ng Pamilyang Fuentes, May dalawa akong nakababatang kapatid… si Kyla at Jowart. Sa hotel lang din ako nakatira kasama ng mga kabarkada ko… bakit? ayoko kasi sa bahay… nakakasama lang kasi ng loob, buti pa kapag ang kasama ko ay sila JB, sila JB ay kaibigan ko simula High School doon din namin tinatag na labinlima ang Majestic 15 pero hindi pa sila pumupunta sa bahay paano! Sa mga bahay nga nila madalang sila umuwi eh, pupunta pa kaya sa bahay ng iba!
“Huy Kyla… umakap ka sakin ng mabuti baka malaglag ka” baliw talaga to! Naiilang pa ata… tsk hindi bagay..tsss “Sila mama.. hindi pa alam yung mga nangyayari sa inyo ni Jot”
“Hindi… kasi maaabala lang sila” kahit kelan napaka-considerate nito… mapapahamak na lang sila iniisip nya pa sila mommy na walang ibang alam gawin kundi magtrabaho… kaya nga ako umalis dahil parang nabubuhay din ako mag-isa kapag nandun ako, naiinis lang ako
“Baliw, maabala? Tanga! Mapapahamak na lang kayong dalawa ang iniisip nyo pa rin sila Mommy, eh kung huli mo nang nasabi yan sakin? Sa tingin mo? Mapapahamak kayo… anong gagawin nila Mommy? Maging selfish nga kayo minsan!” tama naman diba?
“Eh kuya-“
“Oh? ano na namang excuse mo?” ayoko talaga nang ganto sya.. eh paano kung napahamak sila… “Tumigil ka na nga lang” heh.. “Bakit ba…. parang…. naiilang ka?”
“Ha? Naiilang ka dyan? Hin-hindi ah?” halata ngang hindi eh! Sobra.. huh
“Dati kapag kausap kita…. kapag ayaw mo nang pinapagawa ko sayo nag-pa-pout ka.. ano na nangyari sa pouting princess namin?” simula nang magkita kami nung Monday, hindi ko pa nakikita yung cute side nya… grabe, ganun ba ko katagal hindi umuwi na sobrang gusto ko makita ngayon yung cute side nitong si Kyla? “Uy..” hininto ko yung motor, tapos bumaba ako ng motor at humarap sa kanya
BINABASA MO ANG
It's a Bad World After All
Novela JuvenilCris leads a happy life. But it was not until this gang called 'Majestic 15' stepped on her ever simple life. It was bitter yet sweet. A nostalgic memory from the past and a treasure for the future. A life filled with love, heartaches and dangers co...