Meet HIS Mom <3

41 1 0
                                    

Chapter twenty-one: Meet HIS Mom

Cris POV

May isang oras ding nasa loob ng kwarto nya si JB, nag-aalala na nga ako eh. Ano na kayang nangyari dun? Hayssst. naman eh >o< Gusto ko tanungin si Frans kaya lang baka mamaya asarin nya na naman ako. Baliw pa naman to.

Mabilis lumipas ang oras. Nasa kotse kami ngayon ni JB, hinahatid na nya ko. Ang tahimik ng paligid, nakakabingi, gusto ko mag-salita kaya lang ano namang sasabihin ko?? Mukhang Badtrip eh, mamaya mabulyawan na naman ako nito. Wag na lang, sshhhh na lang ako ^^

"We're here" ang sabi nya. Hindi ko namalayang andito na pala kami sa tapat ng bahay, Aish. Lumilipad kasi ang isip ko.

"A-ah, sige salamat" tapos nginitian ko sya. Hay salamat Friday na ngayon kaya makakapag-pahinga na ako, kakainis kasi ih, bakit sa section ko pa natapat na monday to friday ang pasok.. pero buti nga 4:30 lang uwian namin, although maaga ang pasok namin.

"Ah Cris, wait" ang pagpigil nya sakin nung papalabas na ako. Tinignan ko lang sya "Tomorrow, 11:00 am" ang sabi nya

"H-ha? Anong meron nun?" ang tanong ko. Eh ano naman sa 11:00?

"I'll pick you at exactly 11, okay?" ha? bakit nya ko susunduin?

"For what?"

"Darating bukas si Mommy and she wants to see my Girlfriend, she wants to see you" Ako? Gorlfiend.. nag-blush naman ang lola nyo diba?

"Girlfriend?"

"Yeah, you're my girlfriend, remember?"

"Kailan pa?" ano ka ba Cris, choosy pa oh.

"Since I met you" Tinignan ko na lang sya. Grabe ipapakilala nya ko sa Mommy nya, kinikilig naman ang peg ko, pero syempre hindi ko pwedeng ipahalata. Ahuuuuy! Girlfriend daw ako ni JB >//< "Oh? Bakit ka pa nakatulala dyan? Gusto mo pa kong makasama nu?" at nagisig naman ang wisyo ko nun.

"ASA" ang sigaw ko tapos  lumabas na ako ng kotse sya naman pinaandar na yun.

Grabe hindi ko mapigilang mapangiti sa thought na ipapakilala nya ako sa Mommy nya as GF nya kahit.. hindi naman talaga.. touch talaga ako. ayieee. Sana nga kami na nu? Ay sus, yung malanding side ko nag-re-request uh? Di naman malabo di ba? Para kasing may gusto yun sa akin eh, ipapakilala nya akong GF nya eh.. well medyo assuming ang peg ko! haha. Malay nyo naman diba? Hindi na pala trip yun?

Gaaah! Kinikilig ako, feel ko kulay kamatis na ko sa sobrang pula, buti na lang walang nakakakita sakin "ipapakilala nya daw ako sa mommy nya" nakangiti kong sabi. Yung ngiti ko ganto oh ---> ^_____________________^ ang lapad nu? Guraveee! Ganto na ba ako kainlab dun sa lalaking napaka-gwapo na yun? Shete lang, mukha na akong tanga "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~" at hindi pa ko nakuntentong ngumiti ng malapad at ayun sumigaw ng napakalakas sa sobrang kilig >/////< can't help it eh. Nababaliw na nga ata ako dun sa JB na yun, panu ko kaya nagustuhan yun? Pamemerwisyo lang naman yung ginagawa nun saki- AY TAE NG KALABAW SINAWSAW SA TOYO. Nagulat ako ng biglang magbukas yung pinto ng bahay, wala naman kaming gate nu? Padabog pa yung bukas.

"CRIS!! ANONG NANGYARI" at bumulaga sa akin ang mukha ng Kuya kong sobrang gwapo din ^_^ "Okay ka lang? Bakit ka sumigaw?" ang tanong nya, pero bakit ang aga nya, 7 palang ah? Mamaya pa sya dapat ah? At ano daw? Bakit ako sumigaw? haha XD

"Ha? W-wala yun Kuya"

"Lintek ka talagang bata ka, pinag-alala mo ko"

"Oh ano daw nangyari Jian?" ang biglang sulpot nila Mama. Hala pati sila.. haha, langya naman kasi yung JB na yun eh >//

It's a Bad World After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon