Fuentes Siblings part 2 ^.^v

80 0 0
                                    

Chapter Twelve - Fuentes Siblings part 2 ^.^v

Saturday (Oct. 20, 2012)

"Hoy Kyla, dalian mo kaya no? ang bagal mo talaga kumilos" ang sigaw ni Sean mula sa ibaba ng hagdan

"OO SAGLIT LANG MONSTER" ang pasigaw na sagot ni Kyla simula sa kwarto nya...

"IIWAN KA NAMAIN SIGE KA" ang pabalik na sigaw sa kanya ni Sean

"Ayan na nga eh! Di makapag-intay??" nagmamadaling bumaba si Kyla mula sa second floor "Sapakin kita dyang monster ka eh"

"bilisan mo kasi"

"eto na nga eh"

"Kuya, Ate... antagal nyo naman" ang sabat ni Jowart habang nagtatalo ang dalawa.

"Si Ate mo kasi ang tagal kumilos" ang sagot naman sa kanya ni Sean

"Oo na nga eh, eto na nga sa harapan nyo oh!" tapos ay itinuro nya ng kanyang dalawang kamay ang sarili nya "ano pa bang pinag-iinaso nyo?"

"Let's go" ang sabi ni Sean "Jot, wag mo nang pansinin yan si Kyla"

"Meanie  >3<" ang tanging lumabas sa bibig ni Kyla

Tumakbo si Kyla palabas ng kanilang bahay para mahabol ang dalawang lalaking kapatid na iniwan sya

Pumunta ang buong pamilya nila sa Park at nag-picnic, sa mall para mag-shopping at sa isang  sikat na palaruan para naman makapag-laro.

Sobrang kasiyahan ang nadarama ni Kyla na kasama nya ngayon ang mga magulang at ang Kuya nya, matagal na nila itong hindi ginagawa kaya naman sobrang saya ang naramdaman nya sa mga oras din na iyon..

Lumipas ang araw na may ngiti sa labi ng buong Pamilya Fuentes.

[Fast Forward] Cris's POV

--Monday (October 22, 2012)

"Goodmorning Bebe Cris!" ang masayang bati samen ni Bebe Kyle pagkapasok namin ng classroom, at kung bakit? hindi ko rin alam! "Morning Bebe Hanz" tapos ngumiti sya ng napakatamis... Ang cute >.<

"Ang good mood mo ata ngayon Bebe Kyle ah?" ang sagot ko sa kanya imbes na Goodmorning din.. kekekeke AKO to eh!

"Si Kuya kasi eh" tapos yung ngiti mas lumapad pa "namasyal kami tapos nag-stay sya sa bahay this last weekend" ahhhhhh! kaya naman pala! Yun pala yun! yung Sean palang yun yung may gawa... GETS!

"Ahhh! ganun ba? edi congrats" ang sabi naman ni Bebe Hanz

"Thanks" ang masayang sabi ni Bebe Kyle

Pagkatapos nun umupo na sya sa upuan nya at sinimulan na ang isang boring ULI na klase! pshh... nakakainis talaga!

FASTFORWARD

Tapos na yung klase, makikita ko na naman yung panget na JB na yun! Psshh... nakaka-pang-init ng ulo kasi kahit this saturday and sunday ginugulo nya ko thru text... yung makipag-break na daw ako kay Ethan.. ampupu, paano ako makiki-pag break kung hindi naman kami ni Ethan diba? psh. Kung pwede ko lang talagang sabihin sa kanya yung mga bagay na yun eh.

"Hay naku! Makikita ko na naman yung lalaking yun" ang pag-aamok ko kina Bebe Hanz

"Naku Bebe Cris, tanggapin mo na lang na parte na talaga ng buhay mo yang JB na yan" ang sagot sakin ni Bebe Kyle, tsk. palibhasa Ok na sila ng Kuya nya... sana maging Ok na rin ang buhay ko

"Hindi ko kayang tanggapin eh" tama, hindi ko kaya "Alam nyo bang pati this weekend kinukulit ako nun na mag-go with the flow na lang sa katarantaduhan nyang mag-syota kami! Kakainis kaya"

"Sabagay... mahirap talagang tanggapin yun" sinabi mo pa Bebe Kyle..

"Anong gusto mong gawin?? ha? Bebe Cris?" ang tanong naman ni Bebe Hanz

"Malay! Basta... lika na nga. Bumaba na nga tayo" ang yaya ko sa kanila... wala naman kasi eh! Yun yung alam nyo na... wala naman akong magagawa

Bumaba na kami ng building at ayun... naka-salubong si Ethan na naman. Pshh. Ayaw pa rin ako tigilan nito, pati sya nung weekend ginugulo ako ng tawag at text. 

"Babe? Ano na? nakapag-isip ka na ba ng mabuti?" ang tanong nya nang makalapit sya samin

"Oo" tapos napangiti sya "ayaw ko talagang makipag-balikan sayo" at nawala ang ngiti nya nang marinig ang mga salitang yon

"Babe naman?"

"Ethan please naman oh! Stop calling me babe, please"

"Cris.. wag ka namang ganyan" tapos parang biglang nag-iba yung aura nya "alam mo bang pagod na ako?"

"Kung pagod ka na, edi sumuko ka na! Ang dali-dali sulusyonan ng problema mo ah, kailangan ako pa mag-solusyon? Don't make me problem your problem ok?"

"Ano ba Cris? Ganyan mo na ba sinara yung puso mo para sakin? CRIS!"

"Wag mo ngang sinisigawa-"

"SHUT UP HONEY! I'M NOT TALKING TO YOU" sya pa talaga yung may ganang magalit ah? Pagod na sya mag-antay? Oo alam kong ayaw nyang pinag-hihintay at pinahahabol sya kaya nga umpisa pa lang

"ETHAN! WAG MO NGANG SINISIGAWAN SI HON-" natigilan ng pagsigaw ko nang bigla akong halikan ni Ethan sa labi.. Pinipilit ko syang itulak pero hindi.... hindi ko sya maihiwalay

"CRIS" isang nakakatakot na boses ang narinig ko... patay! wag mo sabihing... naku naman eh

"J..JB? Master! anong gin-ginagawa mo di-dito?" ang kinakabahan kong tanong. Namumuro na nga ako sa kanya dahil sa pag-ayaw ko sa gusto nya tapos.. tapos.. "Bakit ka andit?-"

"Sumama ka sakin" hinila nya ako kaya nabitawan ako ni Ethan, pagkatapos nun... sa sobrang takot ko, di ko na namalayang nakalabas na kami ng campus at nasa harap na kami ng ibang member ng gang... nasa likod ko naman sina Bebe Hanz, sinundan nila ko siguro dahil nag-aalala sila..bakit kasi kailangn pang makita ni JB yun eh! Yung ewan ko, paano kung tama yung sinabi sakin ni Franz? Na may gusto sakin tong kumag na to? kahit malabo! di natin pedeng ipawalang bahala ang 0.5% na tama yun! Lagot na. "Sakay!" ang emotionless nyang sabi sakin.. WalangYa ka Ethan! Pag ako pinatay nito, mumultuhin kitang gag* ka! "Ano pang ginagawa mo dyan? Ang sabi ko sumakay ka na diba!" natatakot ako kasi halatang galit sya, pshh.. kaya naman sumakay na ko! "Kean isama mo yung isa" ang utos ni JB kay Kean

"Sino jan Boss?" ang tanong nya

"Kahit sino" tapos eh sumakay na sya ng motor "Dalian mo"

"Miss ikaw na lang" tapos hinatak nya si Bebe Hanz "Sumakay ka na" walang ginawa si Bebe Hanz, tiningnan nya lang si Kean ng Why-me look "Uy miss, di uso pabaga-bagal dito... sakay na" ang ulit nya.. nang makabalik si Bebe Hanz mula sa pagta-travel sa space ng utak nya..

"Ha? Bakit ako? Ano bang importance ng pagsama ko?" ang mataray nyang sabi, naku Bebe Hanz... wag mong ganyanin si Kean, short-tempered guy yan! Alalahanin mong member yan ng Majestic 15. 

"Eh ano naman sayo?" tapos parang nag-iiba na yung aura nya.. at dahil malakas makiramdam tong kaibigang kong to.. yumuko na lang sya at sumakay sa motor

"Hala bakit nyo sinasama si Bebe Hanz?" ang tanong naman ni Bebe Kyle! "Sama nyo ko! wala akong tiwala sa inyo... anong gagawin nyo sa mga kaibigan ko?"

"Ang dami mo pang sinasabi, gusto mo lang namang maki-usyoso.." ang sabat naman ni Sean "Sakay na pouting princess" wew, may pa-pouting princess- pouting princess pa syang alam..

Sumakay na si bebe Kyle sa motor ng kuya nya at tapos nun eh namalayan ko na lang na huminto kami... hindi sa tapat ng hotel na tinutuluyan nila, kundi sa isang mansion,... hindi palasyo na ata to! Basta ang ganda ng bahay. At bakit naman kaya kami andito? ANG GANDA  *O*

~~~~~~~~

Picture ng Fuentes sibling :D.. haysst! kailan kaya uli ako makakapag-update?

It's a Bad World After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon