Curse You

63 1 2
                                    

---------------> picture ni Ethan :DD .. wala lang! Gusto ko lang ipakita sa inyo si Ethan :))

Chapter Eight - Curse You

Ang sarap talagang kumain :))) Hay! Sana ganito na lang palagi at hindi na sumapit ang 4:00 para hindi ko na makikita yung pangit na jb na yun… although kapag ganun di ko na makikita si Frans .

“Uy si Papa JB oh” tapos tinuro ni Bebe Kyle si Jb na mabait… papalapit sya samen >.< nag-wave si Bebe Kyle sa kanya and nag-wave din sya

“Kamusta na?” ang tanong nya..

“Ay naku Papa Jb kung alam mo lang yung nangya-“ pinigil ko na yung sinasabi ni Bebe Hanz sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig nya… and give her a shut-up-bitch look at mukhang nakuha na nya yung nais kong ipahiwatig sa titig na yun at tumigil na sya

“Bakit??” tanong ni Jb na curious…

“Ah kasi” napatingin naman ako kay Bebe Hanz at tiningnan nya rin ako with trust-me-friend look “hindi mo lang alam yung nangyari kagabi… sobrang hirap nung mga assignment namin eh! Sobrang ang hirap mag-research sa net”

“oh? Wala na tayong magagawa pa sa ganyang problema….. kasama yan sa college life natin eh”

“hehehe oo nga eh” sabat ko sa kanila

“Time na ah? Wala ba kayong klase?”

“Ah wala… vacant namin eh, kayo meron?” tanong ko pabalik sa kanya

“ah wala yung first subject teacher namin eh”

“ohhh”

Nagdaan ang isang buong oras na nag-ke-kwentuhan lang kami nina JB pero syempre hindi namin binabangit yung problema ko sa majestic 15 ba yung tawag nila sa sarili nila? Ata! … ang dami namin nalaman tungkol sa kanya… bestfriend nya pala si Darwin na nakausap namin kahapon pero absent daw ngayon yung lalaking yun… eeep! Sayang chance na sanang malandi ni Bebe Hanz yung lalaking yun.

“Ah sige Cris, balik na ko sa room ah?” pagpapaalam ni Jb samen… ah? Aalis na sya? Nakakainis naman!

“Ah? Osige ba-bye” pagpapaalam ko sa kanya

“Ba-bye” sabi naman ni Bebe Hanz at Bebe Kyle

“Ok! Ba-bye beautiful ladies” ang huling salitag sinabi ni JB samin bago sya tumakbo palabas ng canteen.. hay kung sana ganito din yung isang JB di sana Masaya na yung buhay ko diba?

“Aw, wala na yung prince charming mo” sabi naman ni Bebe Hanz habang hinihimas yung likod ko

“Ay ewan ko sa inyo” sabi ko sakanila

“Friend, parang mas maganda kung sinabi mo na yung tungkol dun sa isang JB” ang seryosong sabi ni Bebe Kyle “Diba Bebe Hanz?”

“Oo kasi malay mo matulungan ka nun! Ayaw mo din naman sabihin sa mga magulang mo”

“Eh kasi! Feel ko kaya nyang saktan yung family ko eh! Hindi dapat malaman nila mama at tsaka hindi ko alam yung kaya nilang gawin kay JB na papa nyo kung mag-i-intervene pa yung Papa JB nyo”

“Sabagay”

“Siguro naman makaka-survive ako sa kamay ng Majestic 15 na yun”

“Majestic 15?”  nagtatakang tanung ni Bebe Kyle

“Yun yung pangalan ng gang group nila… narinig ko habang nag-uusap sila”

“Majestic? Majestic-in nila mukha nila” sabi ni Bebe Kyle.. ang laki ng galit nya sa gang group na yon ah? Sabagay siguro dahil sa kuya nyang ewan

It's a Bad World After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon