Bad Day!

75 2 0
                                    

Chapter 4 - Bad Day!

"Haaaaa" hikab ko habang kumakain ng almusal

"Cris, hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?"

"Hinde eh! May napaginipan kasi akong masama"

"Mind telling us?" Si Kuya. wew nosebleed ah? kailangan talaga english?

"Hinde, wag na! Di naman kayo makak-relate eh" tama hindi sila makaka-relate dahil ang panaginip ko ay tungkol kay Kuya gangster at hindi nila alam ang tungkol dun.

"Bakit naman hindi kami makakarelate ?"

"Naman eh, kuya. Don't ask na k?" hayssst, ayaw ko naman ikwento sa kanila kasi baka matakot pa yun sa mga pwedeng mangyari saken! Kahit bad girl ako, ayaw ko rin silang maabala sa mga ginagawa nila sa buhay nila. Just like what I want them to do, don't ever intervene in my life!

After  namin kumain, dumating na si Honey at umalis na kami

"Friend bakit ba parang inaantok ka pa?"

"Kasi napanaginipan ko si Kuya Gangster, ewan ko lang ah, pero yung panaginip ko kagabi eh napanaginipan ko na last week" oo nga no?? umulit lang sya.

"Oh?"

"OO, nakakainis nga eh!" epal na gangster yun hanggang sa panaginip nangugulo pa. Ang liit lang ng kasalanan ko para pati pagtulog ko guguluhin

"Haysst, wala yan. Ano ba yung napanaginipan mo?"

"nahanap nya na daw tayo, pinuntahan daw tayo sa school!"

"Narelief naman ako dyan teh" eh? relief? Waeyo? Anatawa Baka desu ka? Oh debs, mahilig ako sa mga language kaya medyo may alam ako sa ganyan. (Waeyo [korean] - Why, Anatawa Baka desu ka [Japanese] - are you idiot?) "Alam mo kasi Bebe, ang mga ganyan ay kabaliktaran sa mangyayari sa totong world! Kaya kung napanaginipan mo na makikita nya tayo, meaning baliktad yung mangyayari" sabagay! pero kasi di ako gaanong naniniwala sa ganyan eh, Kinakabahan pa rin  ako

Pinagpatuloy pa namin ang usapan namin habang nasa byahe papuntang school, dun rin kami dumaan sa ibang way na sinasabi ko sa inyo.

Nakakainis talaga, kailangan pa naming maghintay ng napakatagal sa dadaan na empty tricycle ngayon "Ang tagal naman magkaroon ng Tricycle" reklamo ko

"Nako friend mas mabuti na to kumpara sa pagdaan dun sa 'Dangerous' way na yun" sabagay~

"nakakainis kasi yung mga stupids na yun eh, kailangan pa nating maranasan yung ganto dahil sa pagiging exxage nila!" Pupu naman. grrrr, kung lalake din sana ako lalabananan ko ng patayan yung mga yun eh, mas pag-asa kasi akong manalo pag ganoon.

"Kaya nga eh"

Sa wakas may dumaan na na Tricycle na walang laman psshhh, buti na lang talaga maaga kaming umalis ng bahay kung hindi di kami makaka-kain bago magsimula yung first period! Naransan namin yan last week eh! Nung hindi namin nagawa yung assignment namin kaya instead na kumain, nangopya na lang kami kay Bebe Kyle. Nagutom kaya kami 

"Yes, makaka-kain pa tayo." sabi ni Bebe Hanz

"talaga"

Pagkadating namin ng school, ipinanik lang namin yung bag namin then kasama na namin si Bebe Kyle nang bumaba sa canteen.

"Ang sarap talaga kumain" Ang takaw talaga nito ni Bebe Hanz

"Oo nga- " hindi ko natapos yung sinasabi ko nang may magsalita

"Ah miss-" hala!! Baka si Gangster to ha! Nagkatotoo yung panaginip ko?

o.o'

o.o'

It's a Bad World After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon