Chapter 2 - That Stupid Guy
"HUAWWW, ang sarap naman nito!" compliment ni Honey sa pagkain pagkatapos nyang kainin
"Oo nga eh" agree ko!
"Oh ano guys? saan na tayo ngayon?" tanong naman ni Kyla
"Bebe Kyle, sure ka ba na iikot pa tayo?" tanong ni Honey out of the blue.
"Yes why?"
"eh baka kasi makita tayo nung gangsters na yon! Ang dami kaya nila, mga 14? oo 14! Baka yung iba nag-aabang sa mga pinto, yung iba nag-hahanap satin!" oo nga no? may point si Bebe hanz
"Hay naku Bebe Hanz, don't worry mag-ingat nalang tayo! Minsan lang makasama satin yang si Bebe Kyle oh!" oo minsan lang kaya dapat sulitin.
"Yehey!" hay naku!! Umiral na naman yung pagka-spoiled brat ni Bebe Kyle!
Nag-ikot-ikot kami then we decide na umuwi na nang mga 7:30 pm, napagod na kasi kami, peste kasi yung mga gangster na yon pinagod kami kakatakbo!
"Pano tayo lalabas?" hay nako! takot na takot si bebe Hanz
"Lalabas tayo ng mall"
"Paano kung hanggang ngayon iniintay tayo nung mga yon?"bebe hanz, di nga natin sure kung hinahanap nga tayo ng mga yon no?
"Di nga tayo sigurado kung hinahanap tayo nun, tsaka ako lang ata habol nung mga yon no ang big deal kasi sakanila nun!" tama! sobramg big deal. NAKAKAINIS!
Pumunta kami sa front exit doon kami dumaan! Naisip kasi namin na kung aabangan nila kami diba sa exit kami aabangan nun dahil iisipin nila na dun namin iisiping lumabas dahil iniisip namin na inaabangan nila kami sa may entrance? gets nyo?
Habang lumalabas para kaming tangang sumisilip sa labasan.) NAMAN kasi eh! Natatakot din ako na baka inaabangan nga kami nung mga yun! At hindi nga kami nagkamali andun nga yung isa sa mga kasamahan nun buti nalang magaling ako tumanda ng mukha kasi natandaan ko yung mukha nun kahit isang beses ko lang syang tinignan.
Sumabay kami sa grupo ng tao na lumabas, lucky us dahil may lumabas na maraming tao! Thank God, di nya kami pinabayaan!
Pagkatapos naming makatakas, sumakay agad kami ng jeep, napagkasunduan na dun muna si Kyla samin para maging safe din sya dun na lang sya susunduin!
~~~~~~~ De Leon Residence
"Pero na-o-OA-yan parin ako sa mga gangsters na yon ah! Parang tiningnan mo lang ng masama't sagutin mo lang ng medyo pasigaw ang big deal na sa kanila!" comment ni Bebe Kyle
"Oo nga bebe Kyle eh! Ang OA! ganun ba talaga kasama ang loob nila't kailangan pa nila tayong hanapin!" pagsang-ayon ko kay bebe kyle "Papatayin pa ata nila tayo eh!"
"Kasi naman Bebe Cris eh, pinapairal mo din yung pagka-sutil mo sa ibang tao lalong lalo na sa mga guy na katulad nun" aww... bebe hanz naman eh
"Sorry naman, galit ka na nyan?"
"Hindi po ako galit, wag ma-misunderstand" ok! sabi mo eh ^.^
"Pero nakakatakot talaga yung mga yun eh" dagdag pa ni Bebe Hanz.
"Sinabi mo pa! Ngayon I learned my lesson na suriin muna ang mga taong kakausapin!"
"Tama!"
Mga 8:30 pm sinundo na si Bebe Kyle. Umuwi na rin si Bebe Hanz. Ang araw na ito sobrang nakakapagod. Una
.
.
.
.
yung mga test namin na sunod sunod kanina sa school, tapos yung paghabol samin nung mga stupid gangsters na yon tapos yung pamamasyal namin at ang pagtakas uli sa mga gangster na yon!Cris, isa ka talagang sutil na nilalang. SUTIL, you read it right, medyo di maganda ang ugali ko pero syempre kung kailangan naman magiging respectful ako.
Hay nako. makatulog na nga lang.. tutal kumain na ko kanina sa mall tsaka tapos na rin kumain sila Mama kaya ayaw ko rin, ayaw ko kumain mag-isa no!
~~~~~~~ Next morning
"Cris~ gising na Baby" Iminulat ko ang aking mata at nakita ko si Mama. "Bangon na 5:00 na oh" sabi ng kanyang malambing na boses ngumiti na lang ako bilang pagsagot sa kanya ng 'OK'
Tumayo na ko ng kama at lumabas ng kwarto para magpunta ng CR, wala naman kasing Cr sa mga kwarto namin. Ang aming bahay ay may isang Cr lang at may 3 kwarto, isa kina mama at papa, isa kay Kuya Jian at yung akin.
Tapos kong maligo, pumunta uli ako ng kwarto para naman mag-ayos then lumabas uli ako at dumiretso sa kusina kung saan andun na si Mama, Papa at Kuya Jian
"Oh Cris, goodmorning" Bati sakin ni Papa
"Morning Papa" nag-smile ako then umupo na sa upuan ko
Pagkatapos kong kumain, inintay ko na lang si Honey na dumating para makaalis na, sabay kasi kami pumasok nun palagi eh. Si kuya kasi out of the way yung school nya samin, bakit hindi kami mag-kasama sa isang school? kasi hindi ako pumasa sa school nila kuya. Maganda kasi yung school ni Kuya, scholar sya dun! Edi sya na!
*tok,tok*
Oh baka si Honey na to' "Saglit lang" tapos pumunta na ko sa pintuan at binuksan
"Goodmoring Bebe Cris" nakangiti nyang sabi
"Morning"
"Ano tara na?"
"Sige, wait lang kunin ko lang yung bag ko"
Tapos nun Umalis na kami ng bahay, sumakay na kami ng jeep
"Pero friend, nagawa mo ba yung assignment natin sa egnlish" Biglang tinanong ni Honey sa gitna ng aming usapan na tungkol sa aming pagiging K-pop, ang layo no? K-pop! kami pong tatlo nila Kyla ay K-pop fan at ang pinaka-gusto naming boy band ay Exo at Bigbang.
"Assignment. sa. English?" nagtataka kong tanong. May assignment kami?? talaga lang ah?
"OO, yung sa language churva!"
"HALA! oo nga no? friend hindi ko nagawa!" paktay! Di ko naalala. haysst. Kopya-kopya na lang "Kumopya na lang tayo"
"Ok. Ganyan din naman kalalabasan nun sa huli eh" kami'y isang dakilang cheater. Alam ko!
Bumaba na kami ng jeep and naglakad papunta sa sakayan ng tricycle.
"Miss" may biglang humawak sa shoulder ko habang tumatawa kaming naglalakad ni Bebe Hanz
"BAKIT??"galit kong tanong sa humawak sakin habang umiikot para tingnan kung sino "Ah. I- ikaw pala kuya" at nakita ko ang mukhang ayaw kong makita, yung lalaking nakaaway namin kahapon.
"Nakita din kita" tapos nag-grin sya. Tiningnan ko yung mga kasama nya. 15 na sila ngayon. Pupu naman oh.
"Bakit? A- anong kailangan mo??" tapos humawak ako sa kamay ni Honey kasi alam kong natatakot sya katulad ko, may narinig akong tunog ng tricycle kaya.
"Miss gusto ko sana-" naputol ko yung sinasabi nya dahil tumakbo na ako hatak hatak si Honey tapos sumakay sa Triccle. Phew! Muntik na naman.
"HAAAY best muntik na naman tayo dun" sabi ni Honey na binuhusan ng relief, kasi malayo na kami sa mga lalaki nung tumakbo sila sa mga nagkukumpulang magagandang motor sa kanto ng kabilang side.. oha? malayo yung pinag-parkan nila. BELAT
"That Stupid Guy!! Parang yun lang sisirain ang araw ko!" galit kong sabi. Naman kasi eh.. ang OA nya ah? Ano naman kung sinigawan ko sya? bawal? bakit diyos ba sya? Pupu nasimulan tuloy pangit ang araw ko! Grrrrr
"Friend Chill lang, di lang naman araw mo ang sinira nun eh, akin din" tapos hinihimas nya yung likod ko " Bahala ka papangit ka nyan"
~~~~~~~
Ayan quick update, wala kasi magawa eh, nag-update na lang ^.^
BINABASA MO ANG
It's a Bad World After All
Teen FictionCris leads a happy life. But it was not until this gang called 'Majestic 15' stepped on her ever simple life. It was bitter yet sweet. A nostalgic memory from the past and a treasure for the future. A life filled with love, heartaches and dangers co...