Kabanata 15

169 8 1
                                    

Kyline

Nagising ako sa isang maliwanag na paligid at doon ko napagtanto na nasa clinic ako. At wala halos tao, nasaan kaya sila? Pero di yun ang inisip ko kundi si Clyde, dahil habang di namin siya nakikita posibleng nasa kapahamakan siya ngayon.

Bumangon ako kahit ramdam ko ang sakit ng ulo ko, at napansin ko na di na ko nauniform ng maalala kong nagpaulan pala ko. Wala na sila dito kanina nung magising ako medyo di pa ko nakakaadjust nun kaya nakatulog agad ako pero nasungitan ko sila kanina lahat.

"Ky? Okay na ba pakiramdam mo?" biglang sulpot ni Ina.

"I guess so. Si Ama nasaan po?" sagot ko at tanong ko sakanya.

"Ah sinamahan lang mga magulang ni Clyde maghanap and.." sabi at sandaling naputol ang sasabihin ni Ina, kaya inaantay ko siya pero mukhang wala siyang balak magsalita.

"And what? Ina?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Si Tiya Serena mo narinig namin siya kanina, malakas kutob namin nasa kapahamakan siya." medyo nahihirapang paliwanag ni Ina sakin. Alam nila parehas na sinabihan ko na sila tungkol sa bagay na yan.

Dahil wag na wag nila hahanapin ang taong ayaw magpahanap basic.

"So ayan hinanap niyo yung boses paano kung patibong lang yun. Edi nilagay niyo sa alanganin mga buhay niyo. Ano ba Ina? Mas matalino ka sakin, bat nagpadala kayo sa pangungulila niyo." naiinis na sabi ko kay Ina kaya nakaramdam ako ng kirot ng ulo ko.

Epekto to ng ulan. Alam ko naman yun di na dapat ako magulat pa. Napasigaw ako dahilan para mataranta si Ina at agad akong tinulungan humiga.

"What happened?" biglang sulpot ni Nurse Romina. Kaya napatingin kami sakanya, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Muntik ko na makalimutan nasa labas lang pala siya ng kwarto.

"Nanakit lang ulo niya, kung ano-ano kasi iniisip. Ky hayaan mo nalang samin ng Ama mo ang tungkol diyan sa mga iniisip mo. Problema namin to kaya kami sosolusyon." sabi ni Ina habang nakataas ang kilay samin.

Psh, sila kaya tong ayaw makinig.

Kingina naman kasi bata palang ako hinahanap na nila yun si tiya Serena, but they always finding her. Nung una may pake ako pero habang lumalaki, narerealized ko na naghahanap nalang sila sa wala.

Kasi kung nagpapahanap man yun edi sana noon pa man nahanap na nila. Alam kong naikwento nila Ina at Ama sa akin na kaya nawala si Tiya Serena yun ay dahil sa pagkawala ni Tiyo Brisk. Di raw kinaya ni Tiya Serena kaya bigla daw itong naglaho habang dala-dala sa sinapupunan ang pinsan ko raw.

At dahil kailangan ko rin daw malaman lahat. Naikwento rin nila na Tiya Serena at Tiyo Brisk is cheating habang sina Tiyo Andrei at Tiya Serena. Buti na nga lang daw di nakaapekto sa digmaan yun that time. Siyempre di ako makapaniwala. Kaya simula ng araw na yun tuluyan na kong nawalan ng pake sakanya at isinampal sa mukha nila Ina at Ama na wag hanapin yung taong ayaw magpahanap, mas marami silang mahalagang dapat asikasuhin kaysa doon. Alam kong importante din yun eh anong magagawa nila ayaw magpahanap eh.

"Mas mabuti pa magpahinga ka nalang muna Sandiwa, and stop thinking anything. Dahil di yan nakakatulong at isa pa alam kong alam mo epekto ng ulan na nilikha mo lalo na at ikaw ang gumawa." saad ni Nurse Romina kaya wala akong choice at napatango nalang.

"Tama siya Ky, sige na aalis muna ako susundan ko tatay mo para mapanatag ka." saad ni Ina at sinenyasan si Nurse Romina na bantayan ako kala mo naman talaga gagawa ako ng kalokohan psh! Paano ko gagawin yun eh masama pakiramdam ko. Dahil sa lintik na ulan na ako mismo gumawa.

Umalis na agad si Ina at sumenyas naman si Nurse Romina nasa labas muna siya kaya ng maiwan ako ay nagdesisyon akong magpahinga.

Allyson

Bakit siya Brylle? Bakit di nalang ako? Ako yung nandito Brylle. Andito ako oh, bakit si Kyline pa na ramdam kong si Clyde pa din.

"Oh anong meron at parang biyernes santo yang mukha mo? Parang ikaw yung dinala sa clinic ah." biglang banat ni Jennifer sakin na galing sa pagbili ng pagkain sa counter. Nasa canteen kasi kami at naglulunch, kanina ay nalaman namin na napasugod mga magulang namin dito para maghanap kay Clyde at nalaman din namin mula kay Jaryl na dinala sa clinic si Kyline dahil sa epekto ng ulan na siya mismo gumawa kanina, kaya pala may something sa ulan kanina.

"Jen nagmahal ka na ba?" out of nowhere na tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat, oo silang lahat dahil hindi lang si Jennifer ang tumingin sakin.

"Seryoso ka ba diyan sa tanong mo Ally?" nagtatakang tanong ni Mia sakin. Kaya napatango ako.

"Tae ka Ally, wala pa kong mahal noh wala pa sa isip ko yan. Maliwanag pa at masyado pang maaga para ako ay magmahal." paliwanag ni Jennifer.

So ayun wala akong nakuhang matinong sagot.

"Bakit ba ganyan tanong mo eh bukod kay Clyde at Kyline wala ng ibang nakaranas satin nun." sabi naman ni Cheska.

"Cheska? Di ka ba nagkagusto kay Clyde, kasi diba magkasintahan kayo." out of nowhere na deretsahang tanong ko sakanya, kaya natahimik ang table.

Maging si Cheska ay napatitig sakin na wari mo ay nagulat sa sinabi ko.

"Ally, alam mo ang totoo. At ayoko na pag-usapan yun, please Ally." mahinang saad niya dahilan para magpeace sign ako sakanya.

"Si Brylle ba? Inuulit ko.." biglang sabat ni Francine kaya napalingon kami sakanya dahil patayo na siya. "..hinding-hindi ka niya magugustuhan kaya tigilan mo na yan habang maaga pa kung ayaw mong ikaw ang magdusa sa huli." malalim at makahulugang saad niya sabay naglaho di man lang namin natanong kung saan pupunta yun. Si Francine kasi ang pinakatahimik samin pero malalim na tao.

Natahimik ako dahil lahat sila nag-aabang sa tanong ni Francine sakin pero di ko yun pinansin at kumain nalang at ng maramdaman nila na ayokong pag-usapan. Nanahimik nalang sila at nagkanya-kanyang mundo.

Ganto pala magmahal, eto pala yung sakit na naranasan ni Kyline.

Pero bakit siya, Brylle?

Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon