Kabanata 47

76 5 0
                                    

Kyline

Madaming alaala ang tila nagbalik sa aking isipan, ang aalala na alam kong hindi kay Sienna kundi sarili kong aalala.

Ako si Kyline Fria Amorrata, ang nag-iisang anak ng Reyna at Hari ng Ainabridge sa Normsantandia hindi ito ang mundo ko. Hindi ako taga dito.

"Tama, ako si Kyline. Ayun ang totoong ako." bulong ko sa sarili ko at napabangon. Nagising ako sa isang kwarto, mukhang nagawa pa din akong iuwi ni Jayden samin. Pero nagtaka ako ng pagmasdan ko ang paligid, hindi ito ang kwarto ko sigurado ko. Hindi ito ang kwarto ni Sienna.

"Gising ka na pala?" biglang pasok ng isang babae sa pinto at halos maluha ako ng makilala ko kung sino siya. Bumalik na ngang talaga alaala ko.

"T-Tita Yana?" I whispered. At tila nagulat pa siya sa sinabi ko, at wala sa sariling nanakbo papunta sakin.

"Ohmygod, Sandiwa Kyline. May naalala ka na?" di makapaniwalang usal niya.

"Nagising nalang po ako na maraming alaalang nagpaflash sa utak ko, pero paano po ako napunta dito? Nasa isang conference hall lang po ako kanina?" takang sabi at tanong ko sakanya, kasi ang huli kong naalala ay hinimatay ako sa banyo ng conference hall dahil sa kung anong strings sa pagitan namin nung Alvarez. Wait Alvarez? 

Is Francine right? 

"Natagpuan ka namin sa banyo, si Tita Jinri at Tito Rui mo may tumawag sakanila at sinabing lasing na lasing si Jayden kaya pinapunta sila dun para kunin si Jayden. Then nasabi ni Jayden na hanapin ka daw, baka raw nasa banyo ka kaya nanakbo agad kami dun at di nga siya nagkamali at nandun ka at walang malay. Kaya dinala ka na namin dito, dahil hindi rin naman maituro ni Jayden ng maayos kung saan ang bahay mo as Sienna.." kwento niya sakin at inabutan ako ng parang gatas ata at ipinainom sakin. "..gusto ka sana namin ihatid sainyo kasi alam naming wala ka ng naalala at baka mag freak out ka pag nagising ka at nandito ka, pero buti nalang at malayo sa iniisip namin ang nangyari kasi naalala mo kami pag gising mo." masayang-masaya dagdag niya pa.

"Ay ganun po ba, si Jayden po kamusta?" 

"Ayun inaalagaan na ng mga magulang niya. Sandiwa Kyline, si Jayden ay anak ng Tita Jinri at Tito Rui mo. Pero dito siya lumaki sa mundong ito, so wala siyang alam sa mundo natin." sagot ni Tita Yana sakin. Ganun? Kilala ko si Tita Jinri, kapatid siya ni Tita Chariz, pero si Tito Rui naririnig ko lang siya mula kina Ina pero hindi ko siya kilala.

Magtatanong pa sana ako, kasi madami talaga akong tanong pa. Kung paano nandito si Tita Yana, at kung nasaan si Brylle? Kung nasa Normsantandia ba siya at hindi nagkamali ng tulay na dinaanan. Yes alam ko ang dahilan kung bakit ako nandito, yun ay dahil nagkamali ako ng tulay na dinaanan, at dahil nakita ko si Francine kanina sa conference hall, alam kong nagkamali din siya. Pero sana si Brylle, please lang. Nawala lahat ng itatanong ko ng biglang pumasok sa kwarto ang pamilyar na mukha.

"K-Kyline?" di makapaniwalang sambit niya at nanakbo at niyakap ako agad-agad.

"Jaryl, ano ba bibitaw ka o masisipa kita palabas ng kwarto na to?" inis na asik ko sakanya, makayakap kasi. Pero sa totoo lang masaya ako na makita siya, pinsan ko siya eh. Kahit may walls between us dahil sa mga nangyari before, pinsan ko pa din siya kahit bali-baliktarin ko man ang mundo.

"Sorry na, masyado lang akong natuwa at nakita kita ulit. Wait? Naalala mo na ko?" he said at binalot ng gulat ang mukha ng marealized na naalala ko siya.

"Oo, Sandiwu Jaryl. May naalala na pinsan mo, nagising siyang may naalala. Epekto siguro ng pagkahimatay niya sa banyo kanina. Anyway Ky, may isa pang tao na naghahanap sayo. Lalabas lang ako at tatawagin ko siya, maiwan ko muna kayo." sabi ni Tita Yana, nakangiti ito samin at tsaka dinampot ang baso na may gatas kanina na naubos ko na at tsaka lumabas ng kwarto. Ng maiwan kami ay may pagtataka sa utak kung sino tinutukoy niya pero nawala yun dahil biglang nagsalita si Jaryl.

Hindi ko talaga alam kung saan niya namana kakulitan niya eh. Hindi naman ganun kakulit si Tita Jenica at ganun din si Tito Jarret. Ay alam ko na kay Lola Jasmine niya yan nakuha.

"Kyline, masaya talaga ako at nahanap ka na namin. Pero paano mo pala iiwan ang buhay ng pagiging Sienna, hindi iyong buhay yan. You need to end that. Pero paanong napagkamalan ka nilang anak nila?" Jaryl said. He's annoying you know.

"Kasi kamukha ko si Sienna, believe me or not sobrang identical namin. Posible pala yun, pero alam mo kahit nakakabwisit pagkatao mo, namiss kitang siraulo ka." seryosong sambit ko sakanya. 

"Ako lang to pinsan mo." nakangising sambit niya.

"Pero bakit pala nandito ka, kasama si Tita Yana? You suppposed to be in Normsantandia at naglalakbay papuntang Alcania, nauubusan na tayo ng oras kaya dapat hindi niyo sinasayang sa pagpunta dito." nagtatakang sabi at tanong ko sakanya. Kasi sa totoo lang, mas kailangan sila ng mundo namin kaysa hanapin kami dito ni Francine.

"Dahil hindi pwedeng wala ang trio prophecy, kayo ang pinaka importanteng tao sa darating na giyera. Kaya hindi namin kayo pwede hayaang wala dun. Wag ka na magalit please, di naman kami lahat nandito. It's just Tita Yana and me, naiwan ang iba sa Normsantandia at sinasanay ni Headmistress Mika. Kaya don't think too much, okay?" he explained kaya medyo natauhan ako.

"Pero kaninong bahay to?" tanong ko pa, kanina ko pa eto gustong itanong eh kay Tita Yana pa ngayon ko lang naalala.

"Tita Criszette used to live here with Tito Christian and Lola Shami. At minsan din sila tumira sila Ina dito, nung nagpunta sila dito to find Tita Chariz. At etong kwarto na to, kwarto to ni Tita Criszette ng Ina mo, Ky." sagot niya sakin.

Namangha nalang ako sa sagot niya at pinagmasdan ang kwartong ito. It's really my Mom bedroom, hanggang sa napansin ko kung gaano kaviolet ito, kulay na minana ko din sakanya. We both love violet. Madami kaming similarities ni Ina, pero mas madami din kaming di pinagkakasunduan. Like Ama always said, para daw si Ina nakikipag-away sa sarili niya dahil sakin.

Halos lahat raw kasi namana ko kay Ina.

"Ang cool ng kwarto ni Tita no? It's full violet." namamanghang sambit ni Jaryl sakin. Well, I agree with that. Sobrang cool ng kwarto ni Ina.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkamangha sa kwarto ni Ina ng biglang may pumasok sa kwarto at nanakbo ito palapit sakin at hinawi si Jaryl at niyakap ako.

"K-Kyline? Namiss kita sobra, sorry ngayon lang kita naalala." he whispered, at wala sa sariling napaiyak ako. I know this voice, I know this hug. Everything is familiar, but the only thing I'm sure. 

He's my man. It's Brylle.

Pero bakit nandito din siya, nagkamali din ba siya ng tulay na dinaanan. Punong-puno ng tanong ang utak ko pero binasag yun ng pagvibrate ng phone ko. At ng tingnan ko.

It's Mom, paano ko siya haharapin neto?


Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon