Kabanata 7

198 22 0
                                    

Someone

Oras na para sa muling pagdilim ng buong Normsantandia. Panahon na para bumawi, at sisiguraduhin kong walang matitirang buhay kahit isa sakanila.

Kailangan nilang magbayad, kailangan nilang pagbayaran ng malaki ang pagpaslang nila sa aking Ina. Di sila karapat-dapat sa kapayapaang natatamo nila ngayon. Hindi sila karapat-dapat.

"Oras na para magbayad kayo, panahon na para sa huling unos. At titiyakin kong ako ang magtatagumpay sa laban na ito." madiing sambit ko habang nakakuyom ang aking kamao at matalim na nakatingin sa maliwanag at tahimik na mga kaharian rito sa Normsantandia.

"Sigurado ka na ba rito?" tanong ng kasama ko sakin. Dahil may agap-agap at di pa siya tuluyang sang-ayon sa gusto kong maganap dahil baka raw ako ay mapaslang.

"Alam mong may isang salita ako, at hindi kailanman nabale ang aking mga salita." madiing sagot ko sakanya. At tsaka muling pinasadahan ng tingin ang mga kaharian na halos magkakatabi lamang pag tiningnan mo mula sa malayo.

"Ngunit alam mong mali to, at alam mong wala kang laban sakanila." may bahid na pag-aalala na saad niya sakin kaya napalingon ako sakanya at tsaka hinawakan ang pisngi niya.

"Alam kong ayaw mo sa ganitong gulo kaya, nanaisin kong ilayo kayo ng ating anak rito.." may bahid na lungkot na saad ko sakanya dahilan para matigilan siya. "..hindi ko kayo idadamay sa gulong ito kaya dadalhin ko kayo sa mundong di kayo madadamay." dagdag ko pa.

At doon ay nagbagsakan ang kanyang mga luha kaya agaran ko itong pinunasan at tsaka pinagmasdan ang anak namin na bitbit niya.

At di ko maiwasang maluha.

"Patawarin mo ako anak kung di mo na makilala ang iyong Ama. Ngunit ipinapangako kong babalik ako at muli tayong magkakasama. Pangako, anak!" bulong ko sa anak namin, at tsaka sila parehas hinalikan sa noo.

At tsaka ako nagbigkas ng spell upang dalhin kami sa mundo ng mga tao ang mundong alam ko ay magiging ligtas sila. Nagpaalamanan kami sa isa't-isa at tsaka ako muling bumalik sa Normsantandia at galit na galit na nagbigkas ng spell para sandaliang magdilim ang kalangitan.

"Maghanda kayo, panahon na para kayo naman ang mamaalam sa Normsantandia." madiing sambit ko dahilan para mas lalong dumilim ang kalangitan.

Kyline

Ano't nagwawala ang kalangitan? Anong nangyayare, at bakit tila kakaiba ang dilim na ito. Hapon na pero kakaiba ang dilim ngayong araw na ito bakit ganun?

Hinimas-himas ko si Krystal habang nakatingin sa kalangitan, hanggang sa biglang sumulpot ang isang lalaki sa harap ko. Kaya napairap ako sa ere ng mapagtanto ko kung sino siya.

"Patawad Sandiwa Kyline, dahil di ko rin alam na may kakayanan pala akong maglaho." paghingi niya ng paumanhin, dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Pinagloloko mo ba ako? Paanong di mo alam, at tsaka anong nangyare at puro ka sugat?" nagtatakang tanong ko sakanya, at tsaka ko isa-isang tiningnan ang mga sugat niya.

Ano namang pinaggagawang katangahan at kabaliwan nito at napakarami niyang sugat.

"Wala ito, nadapa lamang ako. Muli humihingi ako ng paumanhin sa bigla kong pagsulpot sa iyong harap." malamyang saad niya at halatang ang paghihina niya.

At napansin ko rin ang pamumutla niya, dahilan para medyo makaramdam ako ng pag-aalala sakanya.

Di ako nagsalita at pinagmasdan lamang siya hanggang sa akmang tatalikod na siya para sana umalis kaso..

"Kingina, bakit sakin ka pa naggaganto?" sigaw ko at tsaka dagliang nilapitan siya at sinalo. Kusa namang bumaba yung pusa ko, mukhang naramdaman din niya yung mangyayari.

Ng masalo ko siya at daglian akong naglaho para dalhin siya sa Palasyo, tsk di ako marunong maggamot kaya kina Ina ko to ipapatingin.

Dinala ko siya sa isang silid na tinutuluyan ng mga panandaliang bisita, at tsaka siya dali-daling hiniga. Buti na lamang at di siya mabigat, kaya madali ko siya nabuhat.

Hanggang sa dumating sila Ina na pinatawag ko na sa alipin na naabutan ko rito na naglilinis.

"Anong nangyare? Sandiwa Ky?" bungad ni Ina at halata ang pag-aalala sakanyang mukha. Kasunod niya si Ama na nag-aalala rin.

Ngina, mali pa ata ulat ng alipin na pinag-utusan ko.

"Sandiwa Ky, may masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Ama at tsaka hinawakan ang kamay ko at pinaikot pa ko para icheck kung may sugat ako.

Kaya napairap nalang ako.

"Kumalma nga kayo, wala po akong sugat.." pagpapakalma ko sakanila at tsaka nilingon yung lalaking sa pagkakaalam ko ay Brylle ang pangalan. Pasensya na di ako mahilig magsaulado ng pangalan eh. Nakita ko namang medyo nakahinga ng maluwag sila Ina. At tsaka sinundan ng tingin ang nilingon ko.

"Sino siya, Sandiwa Ky?" kunot noo na tanong ni Ama sakin.

"Wag mo sabihing nanakit ka na naman ng kapwa mo naku ka, Sandiwa Ky napupuno na ko sayo ratatattatattattat machine gun." sermon na naman ni Ina, walang preno yan ah. Tinamad nalang ako pakinggan yung iba niyang sinasabi dahil narinig ko naman yan noon psh.

Para na ngang playback sa utak ko dahil unti-unti ko ng nasasaulado lahat sermon niya.

"Ina, kumalma ka nga pwede bang magpaliwanag muna ako at pakinggan niyo muna ako.." saway ko kay Ina kaya medyo natauhan siya at tumango sa sinabi ko. "..di ko siya sinaktan at wala akong ginawa sakanya. Bigla nalang siyang hinimatay sa harap ko, at tsaka kung iniisip niyo na ako ang may gawa ng sugat niya. Nagkakamali kayo, dahil wala akong alam diyan. Bigla na lamang siyang sumulpot sa harap ko na hinang-hina. Sa palagay ko ay napagdiskitahan siya ng mga pasaway na estudyante sa Academy." mahabang paliwanag ko sapat na para maintindihan nila.

At pagkatapos ko magpaliwanag at halos sabay silang nakahinga ng maluwag ng marealized nila totoo ang mga sinasabi ko.

"So sino siya?" tanong ni Ama at tsaka nilapitan ito. "..napakarami niyang sugat, kailangan na itong malapatan agad." saad pa ni Ama.

"Sa pagkakaalam ko ay Brylle ang kanyang pangalan." sagot ko kay Ama, habang si Ina naman ay lumapit rin kay Brylle at pinakatitigan ang mukha nito.

"May kamukha siya Keiron, ngunit di ko mabatid kung sino. Magpakaganun pa man kailangan ng malapatan ng kanyang mga sugat, teka ako na magpapatawag sa babaylan." saad ni Ina at bago siya tuluyang umalis ay nagsalita muna ako para magpaalam.

Kailangan ko na bumalik sa Academy may klase pa ko.

"Ina, Ama mauuna na po ako may klase pa ako. Babalik nalang po ako pagkatapos ng klase para alamin ang kalagayan niya." sabi ko at paalam ko sakanila kaya napalingon si Ina at ngumiti sakin at tsaka nagtuloy na palabas ng silid at tsaka nilingon si Ama.

"Sige na Sandiwa Ky, kami na bahala rito. Bumalik ka na sa Academy." sabi niya kaya napatango ako at tsaka naglaho na pabalik ng Academy.

At pagdating ko roon ay napangisi ako at napataas ng kilay habang buhat si Krystal.

"Oras na para turuan ng leksyon ang mga pasaway na sumugat sa stupid na Brylle na yun, at oras na rin para makita nila ng harapan ang binansagan nilang Savage Sandiwa." madiing bulong ko at tsaka ako mabilis na naglaho, dahil batid ko na kung nasaan sila.

Wala silang karapatang manakit ng ibang norms dahil isa yun sa pinagbabawal rito sa Academy, mukhang di nila batid iyon kaya ako na ang magtuturo sa kanila *smirk*




Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon