Kabanata 2

341 27 0
                                    

Kyline

Nakakainis agang-aga sermon agad ang bumungad sakin psh! First day pa naman ngayon kaya dapat happy ako kahit di halata pero eto ako at sirang-sira ang araw ko.

"Ky, nakikinig ka ba?" asik ni Ina sakin, kaya bored akong nilingon siya.

"Obvious ba?" naiiritang sagot ko sakanya. Kasalukuyan kasi kaming nag-aalmusal at talagang pumangit ang umaga ko ng simulang magmisa ni Ina sa lamesa, katulong niya pa si Lola Jasmine. Kamalas-malasang dito pala natulog si Lola habang si Lolo ay nasa Britania kasama si Tita Jenica at ang pinsan kong si Jaryl.

Anyway wala akong pake sakanila.

"Kyline!" saway ni Ama sakin kaya napatikhim ako at napairap nalang sa ere, naknampucha napagtulungan na naman ako.

"Ky, di kami nagagalit sayo. Pinapaalalahanan ka lang namin, dahil ayaw naming napapaaway ka." malungkot na sabi ni Ina kaya napalingon ako sakanya, mababasa mo ang pagmamakaawa sakin na di na ko makipag-away pa.

Kaya wala akong nagawa kundi sumagot dahil naawa na ko kay Ina halatang hirap na hirap na sa ugali ko..

"Ina kilala niyo ko di naman po ako at naghahanap ng away dahil sila lagi nangunguna, pinagtatanggol ko lang sarili ko." paliwanag ko kay Ina kasi iyon naman talaga ang totoo.
Hindi ako nagsisimula ng away kundi sila.

Ayoko lang talaga na inaagrabyado ako dahil sa ugali ko. Ano ba naman kasing magagawa nila, eh ganto na ko eh, wala silang magagawa kundi hayaan ako.

Estudyante ako, at ang tangi ko lang pangarap ay makapagtapos.

"Alam namin yun Fria, pero sila yung mga estudyante di ka nila kilala ng buong-buo. Kaya minsan naooffend sila sayo." sabat naman ni Lola Jasmine.

Kaya napailing nalang ako.

Alam ko naman yang mga sinasabi nila sakin, it's just wala naman akong pake kung kilala nila ako o hindi. Ang tanging mahalaga lang sakin ay buhay ako at humihinga, tapos!

Di rin mahalaga ang katayuan ko, sa kung anong pamilya ang meron ako. Dahil unang-una sa lahat wala akong pake, kung sandiwa ako at anak ng Hari at Reyna ng Ainabridge.

Unang-una sa lahat ayoko maging Sandiwa, pero wala akong magagawa dahil etong pamilya binigay sakin ng poong maykapal.

"Lola, Ina at Ama. Makinig po kayo sakin, hindi ko maipapangakong di na ko muling makikipag-away dahil hangga't may nanggugulo at gumagawa ng katangahan sa harap ko. Mapapaaway talaga ko.." paliwanag ko sakanila at tsaka nilingon ang isang alipin kaya napalapit siya sa akin agad. "..Beth, please kunin mo si Krystal sa kwarto ko at dalhin mo rito." utos ko sakanya.

Kaya agad siyang sumunod.

"Ky, bakit mo dadalhin ang alaga mo sa Academy. Baka makagulo lang yan sayo!" takang sabi ni Ina sakin at nakatingin sakin at naghihintay ng sagot ko kaya tumingin ako sakanya.

"Ina, kailan pa naging panggulo si Krystal. Don't worry Ina, I can handle this!" nakangiting saad ko kay Ina.

At maya-maya pa ay dumating na si Beth dala ang pusa ko at agad niyang inabot sakin.

"Hi Krystal, excited ka na bang samahan akong pumasok?" bulong na tanong ko kay Krystal. At tsaka tumayo na ng upuan, dahil tapos na ko kumain.

Nilingon ko sila Ina at tsaka muling nagsalita.

"Ina, Ama, Lola Jasmine. Papasok na po ako!" paalam ko sakanila, at tsaka may lumapit saking isa sa mga alipin at pinasukbit ang bag ko.

Maya-maya pa ay tuluyan na kong naglaho papuntang Academy.

Psh! Nakakahilo pagnasa oras ka ng paglalaho, daig ko pa nagpaikot-ikot sa buong paligid.

Sabi nila Ina ganto raw talaga to, masasanay din daw ako.

Maya-maya pa ay narating ko na ang garden ng eskwelahan at halos mapairap ako ng isang lalaki ang naabutan kong nakatambay sa paikot na upuan rito.

Psh! Agang-aga magdrama.

Bahagya akong simpleng umupo sa bandang likod ng puno, pabilog kasi yung upuan at pinaggigitnaan nito ang puno.

At mukhang di niya ko naramdaman, mukhang nagdadrama nga.

"Ama, kung nasaan ka man ngayon? Alam kong masaya ka kasi nakapasok na ko sa Academy na to. Sayang nga lang at di kita nakilala pero masaya ako na kahit sa kwento lang ay naipakilala ka ni Ina sa akin.." rinig kong sabi niya, kaya lalo akong napakunot ng noo.

Ano bang dinadrama-drama nito? He look stupid sa ginagawa niya?

"..pangako Ama! Aalagaan ko si Ina, katulad ng pag-aalaga mo sakanya. Sige na Ama, aalis na ko. May klase na kasi kami, Ama nawa ay gabayan mo ko sa buong araw na ito ilayo mo ko sa mga masasamang estudyante dahil pag-aaral lang naman po ang nais ko." dagdag niya pa.

Masasamang estudyante? Anong tingin niya dito sa Academy? Impyerno.

Psh!

Napairap nalang ako sa ere at banas na banas na tumayo na. Kingina sinayang ko lang ang ilang minuto ko rito pakikinig sa walang kwentang sinasabi ng lalaking yun.

Di ko na inalam pa kung sino siya, at mabilis na naglaho papunta sa classroom at pagdating ko ron ay halos wala pang tao. Pinatong ko si Krystal sa lamesa ng upuan at ako naman ay sumandal sa sandalan at tsaka natulog muna..

Nagising na lamang ako sa sigawan kung sinong kinginang di makaramdam na may natutulog..

"Ikaw na naman?" sabay na sigaw ng mga istorbo sa mundong to.

"Magkakilala kayo?" rinig kong tanong ni Allyson sa mga istorbo.

Oo naman kilala ko si Allyson psh mga kababata ko yan pero di ako interesado makipagkaibigan sa kahit sino sa kanila.

Si Krystal lang okay na ko.

Pero dahil nga nagising ako sa ingay nila ay inis akong tumayo at akmang magsasalita si Jennifer at ang lalaking mukhang bago lang pero di ako interesado sakanya kaya wala na kong pake kung sino siya.

Tumayo ako bitbit si Krystal na mahimbing na natutulog. Buti pa to di nabulabog ng mga istorbo!

"Ang ingay niyo, pwede ba? Doon kayo magsigawan sa labas, natutulog si Krystal." malamig na sabi ko sa sakanila. Kaya nagtataka silang tiningnan ako na bumalik sa pag-upo at hinimas ang pusa ko na mahimbing pa din ang tulog, habang si Clyde ay panay ang layo sa pusa ko, psh isa pang duwag to.

"Sino si Krystal?" rinig kong bulong na tanong ni Mia kay Francine.

Baka kapitbahay niyo teh, psh!

"Pangalan ng pusa niya yun." rinig kong sagot naman Francine sakanya.

Pero di ko na sila pinansin dahil nga wala akong pake sakanila at natulog ng muli. Dahil madaya si Krystal, mukhang mas makakarami siya ng tulog kaysa sakin.

Daig niya pa puyat ah takaw sa tulog.

Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon