The Trio's Prophecy
Kyline
"Argh! Ere senti repatal scor." naghuhumiyaw na saad ni Brylle at sobrang liwanag talaga ng paligid kaya di kami makalapit sakin.
"It's look like, the mafi was awake on him." bulong ni Francine sakin habang nakatakip pa din ang mukha niya dahil nga sa liwanag.
Hinayaan lang namin yun, hanggang sa di na maganda yung nangyayari.
"Shet, di na niya nakokontrol sarili niya. Baka ikamatay niya ito, Francine we need to do something." saad ko. Kaya nataranta din siya.
Nagtabi kami, at sabay itinaas ang kamay namin at nagbigkas ng spell. At habang tumatagal ay di na nagiging maganda sa paninigin ang liwanag na dulot ni Brylle. Kaya binilisan namin ni Francine ang pagresolba. Pati kami ay nawawalan na rin ng kontrol.
Napakalakas ng enerhiya na nanggagaling kay Brylle.
"Ky, we cannot resolve this anymore. Nakokontrol na ko ng kapangyarihan niya, do something please." hirap na hirap na saad niya.
Gustong-gusto ko man siya tulungan pero nahihirapan na din ako.
"Argh, Francine I cannot control myself na din. Oh shet, ramdam ko yung panghihina ng katawan ko. We need to do something mamatay tayo dito kingina." hirap na hirap na sabi ko na din sakanya. Ramdam na ramdam ko ang pagpasok ng masasakit na enerhiya sa katawan ko.
"W-what the hell is happening? Nanghihina na din ako." mahina at hirap na hirap na sabi ni Francine.
Parehas kaming walang magawa, we cannot move anymore. Sobrang liwanag na din sa buong training room, dahil sa naghalo-halo na mga kapangyarihan namin.
Naririnig na din namin ang nahihirapang sigaw ni Brylle. He's new to this kaya mas mahirap to para sakin. Pero di ko alam kung bakit imbes na maresolba namin eh nasali kami. Ano ba kasing nangyayari?
Napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang panghihina ng katawan ko, hindi ko na kaya.
Bibigay na ako.
"Bakit sobrang liwanag dito?" rinig kong tinig ng isang boses. Gustuhin ko mang alamin kung sino ito ay di ko na nagawa pa. Dahil unti-unti na kong nawalan ng malay.
And everything went black.
Jaryl
"Shet, nasaan sila Ina?" nag-aalalang saad ni Jennifer. Dahil kanina pa namin sila hinahanap para sana dalhin sila sa isang safe na place pero nowhere to be found sila. Ganun din sila Kyline, Francine at Brylle.
Pinalikas na kasi namin lahat, dahil alam naming babalik at babalik dito yung bagong kalaban ng Normsantandia. As of now kami na lang nandito sa campus, plus Headmistress Mika. Dahil malaki maitutulong niya sa sitwasyon na ito, naikwento rin kasi namin sakanya yung nangyayari.
At tulad namin di rin siya makapaniwala na magkakaroon ulit ng gulo sa nanahimik na Normsantandia.
"Wag niyo sabihing, nadukot na rin sila. Wala silang kamuwang-muwang ngayon sa mga kaganapan dahil tinanggalan sila ng memorya at kapangyarihan." naghihisterikal na saad ni Cheska.
Arte talaga neto.
"Wala tayong laban, mamatay na ba tayo dito?" natatakot na saad ni Mia. Isa pa to, napakanegatibong tao.
"Ano ba mga sandiwa at sandiwu kayo? Ano ba mga pinag-iisip niyo ganyan na ba kayo kaduwag?" saway ni Gabriel sakanila.
Kaya natahimik yung dalawa. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ng biglang huminto si Headmistress Mika.
"Saan nanggagaling yung liwanag na yun?" nagtatakang saad niya.
Kaya napatingin kami sa tinitingnan niya. At namangha kami sa liwanag na ito, dahil ito ordinaryong liwanag lang. Dahil tatlong kulay ito na tumutusok sa kalangitan.
"Teka pamilyar yung violet na kulay, kay Kyline yan." saad ko ng marealize ko na sa pinsan ko yung isang kulay.
Di ko alam pero nakaramdam ako ng pag-asa ng makita ko yun. Sa ngayon kasi isa't-isa nalang ang makakapitan namin. Dahil wala mga magulang namin para gabayan kami. Maging mga prof ay nadukot na din pala at swertehang nakatakas to si Headmistress Mika. Swerte lagi to sa dukutan hmp, nakwento kasi nila Ina sakin na si Mika lang yung prof na di nadukot noon.
Nalaman lang namin na nadukot na yung mga prof nung sinubukan naming humingi ng tulong sakanila. Nowhere to be found sila.
"Tama ka, Sandiwu Jaryl. Kay Sandiwa Kyline yan, tara puntahan natin, masama pakiramdam ko dito." saad ni Headmistress Mika.
Kaya mabilis kaming naglakad papunta sa pinanggagalingan ng liwanag at halos magulantang kami na sa training room ng hideout eto nanggagaling.
"Shet, mukhang di maganda kalagayan ng mga nasa loob. Pumasok na tayo." nag-aalalang saad ni Gabriel kaya nauna na siya papasok sa loob. At halos matulala nalang kami sa bumungad samin.
"Bakit sobrang liwanag dito?" nagtatakang saad ni Cheska habang nakatakip ng mukha sobrang liwanag talaga. Ang tahimik ng paligid, hanggang sa..
May sabay-sabay na sumigaw.
"Aaahhh...aahhhhhh." sigaw nila, kaya nagkatinginan kami at napatanong kung sino ang mga ito.
"Guys, we need to do something mukhang masama na lagay nung may-ari ng mga kapangyarihan na ito. Ihanda niyo mga sarili niyo, kailangan natin matanggal yung liwanag. Dahil pag yan habang tumatagal, baka ikamatay eto ng tatlo na nasa loob ng training room na eto." saad ni Headmistress Mika. Kaya wala ng nagreklamo pa at kumilos na kami lahat.
Itinaas namin ang mga kamay namin, at full force na itinapat ito sa pinanggagalingan ng liwanag, at nawala naman ang liwanag at sa pagwala ng liwanag bumungad samin ang mga walang malay na sina..
"Francine?" bulong ni Allyson.
"Shet, Kyline." bulalas ko ng makita ko ang kalagayan ng pinsan ko.
At napatingin kami sa isa pa, na talagang ikinagulat namin. Si Brylle ito, so may kapangyarihan siya. Paano?
Kahit wala ng liwanag ay wala pa rin silang mga malay, nakataas pa din mga kamay nila at tila nagpapasahan sila ng kapangyarihan.
Hanggang sa lumiwanag ulit kaya napaatras kami at kasunod nito ang mga impit nila at tsaka sumabog ng malakas kaya natumba kami.
At tsaka namin narinig ang paglagapak nila sa sahig at kasabay nito ang pagkawala ng liwanag. Dahil sa pag-aalala ay napatakbo agad ako kay Kyline.
"Ky, wake up please." saad ko at pilit siyang ginigising.
At tsaka ako may napansin na kung ano sa leeg niya. Kwintas ito, at kulang violet at may nakaukit na..
"Shit, sila yung Trio na nakasaad sa prophecy. Nabasa ko to noon, na sa takdang panahon may tatlong kabataan ang tunay na magbibigay ng kapayapaan sa Normsantandia." di makapaniwalang saad ni Headmistress habang nakatingin sa kwintas ni Brylle na kulay blue. At tsaka ko napansin na meron din si Francine, at kulay puti ito.
Nakabase ang mga kwintas nila sa kulay ng mga kapangyarihan nila.
"What do you mean, Trio?" nagtatakang tanong ni Mia kay Headmistress Mika.
"Mamaya ko na ipapaliwanag, sa ngayon dalhin muna natin sila sa clinic. Hinang-hina sila kailangan nila maagapan." saad ni Headmistress Mika.
Kaya tumango kami nagtulong-tulong buhatin yung tatlo.
At habang nasa daan, di ko maiwasang mapaisip.
Kung bakit may kapangyarihan si Brylle, royal din ba siya?
Kung oo, kaninong angkan siya?
BINABASA MO ANG
Savage Sandiwa
Fantasy(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One lies, one secret, and one mistake intertwine to shape the destiny of Kyline, known as the Savage Sandiwa. Date Started: Sept. 14, 2020 Date...