Kabanata 42

75 6 0
                                    

Jaryl

Pakiramdam ko mahihirapan tayo lapitan si Kyline, knowing yung incident na nangyari sakanya. Magiging doble mga bantay nun.” sabi ni Tita Yana habang nasa hapag kami at kumakain.

Kasalukuyan naming inaantay sila Tita Jinri at Tito Rui. Dahil balak sana namin ngayong araw na unang lapitan at kausapin si Kyline.

But what Tita Yana said is true.

Sobrang laking pamilya ng nagkupkop sa pinsan ko at hindi sila basta-basta. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi na sila ang nakakuha kay Kyline o hindi. Dahil tila si Kyline ang pinakamahihirapan kami lapitan.

Pakiramdam ko din ay sa mga oras na to ay nagtataka na si Kyline sa identity niya. Dahil sa mga naglalabasan niyang kapangyarihan na minana niya kay Tita Criszette at Tito Keiron. Sana lang talaga ay makapag-isip kami ng mas madaling paraan para makausap siya. I literally miss my cousin, I miss her so much.

Masaya ako malamang ligtas siya at tila nabunutan ako ng tinik at nakahinga ng maluwag.

“Sa tingin ko rin Tita eh, hindi lang tayo ang humahabol kay Kyline at naghahanap. Dahil nararamdaman ko na yung mga balak dumukot sakanya kaninang madaling araw ay may iba pang kasamahan. Babalikan nila si Kyline.” sabi ko naman kanina at tsaka sumubo ng kanin.

“Ayan din ang iniisip ko, Jaryl. Pero habang pinapatagal natin na hindi siya lapitan at kausapin. Baka mas lalong malagay siya sa alanganin at mapahamak pa siya lalo. We need to do something as soon as possible..” Tita Yana said at saglit siyang tumigil na tila nag-isip pa ng sunod na sasabihin. “..dahil si Kyline ang nakatakdang magmana ng Ainabridge at ng buong Normsantadia. Hindi siya pwedeng mawala ng ganun-ganun lang. Hindi rin siya simpleng Sandiwa lang sa Normsantadia, dahil pinanganak siyang may nakatakdang tungkulin at tadhana.” dagdag pa ni Tita Yana at tsaka sumubo ulit.

She's right, kaya hindi ko rin masisi pinsan ko kung bakit ayaw niya maging Reyna dahil sa napakalaking responsibilidad na papasanin niya pag naging Reyna siya.

Dahil Ainabridge ang sentro ng Normsantadia. Kahit muli ng nabuo ang Ovianad, nanatiling sentro at pinakamalakas ng Ainabridge sa lahat ng kaharian. At dahil dun buong Normsantadia ay hawak ng Ainabridge.

Bata palang kami, nakikitaan ko na si Kyline ng pag-ayaw sa pagiging Reyna. Ngunit alam kong batid niyang wala siyang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran niyang maging Reyna.

“Isa sa mahahalagang nilalang sa Normsantadia si Kyline kaya kailangan natin siya pangalagaan, Tita.” sambit ko kay Tita

Tumango si Tita at hindi na kami muling nag-usap after nun dahil nagfocus na kami sa pagkain namin.

Maya-maya pa'y dumating na si Tito Rui at Tita Jinri.

“Ate Yana, hindi namin makontak anak ko. So baka hindi tayo makalapit kay Kyline, hindi kasi halos umuuwi sa bahay yung anak namin dahil may condo siyang inuuwian malapit sa kumpanya.” bungad ni Tita Jinri samin.

Napag-usapan namin ni Jaryl yung tungkol diyan kanina. Dahil naisip namin na dahil sa nangyari kaninang madaling araw, magiging doble ang bantay ni Kyline at mahihirapan tayo lapitan siya. Tanging ang anak niyo nalang ang nakikita kong paraan para makalapit kay Kyline.” sagot ni Tita Yana kay Tita Jinri.

Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon