Kabanata 24

166 9 0
                                    

---

Tahimik lang sila na iniintay na magising yung tatlo. Hanggang sa unang nagising si Brylle na ramdam na ramdam pa ang hilo.

"He's awake." Gabriel hissed. Ng makita niyang bumangon na si Brylle na inaalog ang sarili dahil nahihilo pa talaga siya.

Kaya nagpuntahan lahat sa side ni Brylle. At halos magunlantang siya ng makita na nasa harap niya lahat ng Royalties.

"A-anong nangyari? Anong ginagawa ko dito?" he asked pero walang sumagot sakanya. Titig na titig ang mga iba ito sa mga ilang pagbabago kay Brylle.

"His eyes, turn into blue." Mia whispered and everyone gasped.

"Wala ka bang alam talaga sa sarili mo? Hindi ka ba talaga royal blood?" sunod-sunod na tanong ni Kyle sakanya. Pero naguluhan lang si Brylle sakanila.

"Hindi ko alam sinasabi niyo, at sigurado akong di ako parte ng Royal Blood." sagot niya sa mga ito.

"Pero bakit may malakas kang kapangyarihan?" nagtatakang tanong ni Allyson sakanya.

"Tama si Ally, paanong magkakaroon ka ng kakaibang kapangyarihan kung hindi ka Royal Blood." sabat naman ni Jennifer.

"Hindi ko alam, miski ako di ko alam kung paano at bakit meron ako ng sinasabi niyo. I didn't remember anything, ano ba kasi talagang nangyari?" gulong-gulo na saad ni Brylle sakanila.

"Wala kang maalala?" this time sumabat na si Jaryl dahil kanina pa siya may mga tanong kay Brylle naunahan lang talaga siya ng mga kasama niya.

"Honestly ang huli kong natatandaan, dinala ako ni Kyline sa Hideout at dumeretso kami sa Training Room sasanayin daw niya ako because she something on me daw. Then iniwan niya ko sandali mag-isa sa loob, at sinubukan kong alamin kung ano yung sinasabi ni Kyline kaya pumikit ako, at sa pagpikit ko di ko na matandaan mga sunod na nangyari." kwento niya, kaya natahimik sila.

"Nangyari na ito kay Reyna Criszette, she forget what really happened. Magkaibang situation nga lang." biglang sulpot ni Headmistress Mika.

"I know that story, nakwento sakin yan nila Ina." sabat ni Jaryl.

Kaya natahimik silang lahat at pinagmasdan si Brylle na gulong-gulo na sa lahat ng nangyayari.

Third Person POV

Sige lang mga Sandiwa/Sandiwu mabaliw kayo kakahanap sa mga magulang niyo. Wala na kayong taka sakin, madali ko nalang kayo maliligpit. You kill my mother, then your life is the payment for killing my mother.

"Pakawalan mo kami." Criszette shouted at pilit nagpupumiglas sa tali na nakatali sakanya.

"Criszette ikaw ba yan?" Serena whispered. Sa lahat kasi ng nandito ay si Criszette palang ang nagkakamalay. Pinaamoy ko kasi sila ng pampatulog kaya mabilis ko silang nadukot.

"Serena? Ikaw ba yan? You're also here." di makapaniwalang saad ni Criszette. At nakangisi naman akong pinapanood ang munting reunion nila.

"Oh? Why don't you add Clyde sa munting reunion niyo." I chuckled.

"Ano? Nandito din si Clyde? Ano bang kailangan niyo sa amin? Sino ka ba? Di namin pinatay nanay mo, wala kaming pinapatay." sigaw ni Criszette pero di ko yun pinapansin. Kinuryente ko nalang siya dahilan para mapaimpit siya ng sigaw. Kaya nagising na yung iba.

"Zette." nag-aalalang tawag ni Keiron ng magising ito.

"Pakawalan mo kami, kingina mo! Ano bang nagawa namin sayo?" galit na galit na sigaw ni Keiron sa akin. Nakablindfold sila, kaya mga boses lang naririnig nila.

Binalik ko na sila sa mga normal size, pero kinuha ko mga kapangyarihan nila para hindi sila makatakas. Nasa hiwalay na selda naman ang mga professor at ilang estudyante na nadukot ko.

"Nasaan mga anak namin, nasaan si Kyline?" sigaw ni Criszette.

"Wag mo na silang hanapin mahal na Reyna, dahil mamatay na din sila *evil laugh* hindi ako kaya ng mga anak niyo wala silang laban sakin.." nakangising saad ko habang pinagmamasdan silang nagpupumiglas sa mga tali nila. "..wag niyo na ubusin lakas niyo, di kayo makakaalis sa mga tali na yan." I hissed and smiled like a demon.

Hanggang sa nakita kong unti-unti ng nagigising si Clyde kaya napangisi ako.

"Coleen did you want to hear your lost child. Nandito siya, naks what a happy family reunion." natatawang saad ko pa. At umaarteng nahahabag pa sa eksena.

"Ina? Nandito ka ba?" sigaw ni Clyde. Kaya napagalaw si Coleen sa pwesto niya.

"Clyde, anak." nag-aalalang sabat naman ni Miguel.

"Muntik na kong maiyak sa munting Family Reunion na ito. Kaso naalala ko wala pala akong puso *evil laugh* makaalis na nga." saad ko at tsaka lumabas ng selda. Papalamig muna ako somewhere. Habang isinasagawa ko mga plano ko.
Marami pa kong plano, di pa ko tapos.

Dahil nagsisimula palang ako.

Kyline

Nagising ako at bumungad sa akin ang puting kisame. Lagi nalang akong nandito amp. Tuwing gigising ako puting kisame nakikita ko.

Lagi rin kasi akong nalalagay sa alanganin, isa to sa namana ko kay Ina. Ang laging napapahamak at malapit lagi sa bingit ng kamatayan.

"Finally gising ka na." bungad ni Jaryl sakin at nagulat pa ko ng yakapin niya ako.

"Jaryl, alam kong nag-aalala ka. Pero sana di mo nakakalimutang ayokong nagpapayakap." sabi ko sakanya kaya kusa siyang kumalas sakin.

"Sorry, nag-alala lang talaga ako. Ikaw nalang yung kasama ko ngayon. Dahil nawawala mga magulang natin. May suspetsa kami na nadukot na sila." sabi niya sakin, kaya nakaramdam ako ng pag-aalala. Sana lang talaga hindi sila saktan nung bagong kalaban kundi di ko alam magagawa ko sakanya.

Mahal ko mga magulang ket lagi ko silang kaaway. Kahit ganun kami, they are still the most important persons na iniingatan ko.

"Ano ba kasing nangyari? I didn't remember anything ang naalala ko lang is sinubukan naming kontrolin kapangyarihan ni Brylle to stop it pero nadamay kami at dun na ko nawalan ng malay." kwento ko kay Jaryl. Siya palang nandito, at di na ko interesado alamin kung nasaan yung iba.

"Nakita namin kayong tatlo na muntik ng sumabog, at nasa bingit na kayo halos ng kamatayan. Kaya sinubukan naming iistop yung pagwawala ng mga kapangyarihan niyo. And then sumabog yung mga kapangyarihan niyo at tsaka kayo bumagsak sa sahig." kwento niya sakin. So sila ang tumulong samin, kasi kung tutuusin kung di sila dumating baka patay na kaming tatlo.

Hanggang sa dumating si Headmistress Mika.

"Gising ka na pala, okay ka na ba? May kailangan kasi tayong pag-usapan at involved kayong tatlo." bungad niya sakin.

"Ano namang pag-uusapan natin?" kunot noo na tanong ko sakanya.

"About prophecy." madiing saad niya dahilan para makaramdam ako ng kunting kaba at natahimik.

Eto na ba yung sinasabi nila Ina sakin na nakatakda din ako tulad niya.



Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon