Kabanata 28

148 6 0
                                    

Kyline

"Humanda kayo, papasok na tayo sa hidden wall. Please walang bibitaw." bilin ni Headmistress Mika at tsaka nauna na papasok sa hidden wall. Dahil delikado daw talaga dumaan sa wall na yun.

Malaki ang posibilidad na sa ibang lugar kami mapadpad mas lalo kaming mapapalayo. Kaya kailangan talaga nakakapit ka ng maigi sa kasama mo sa loob ng hidden wall.

"Ky? Are you ready?" Brylle whispered on me. Kaya napalingon ako sakanya at tinasaan ng kilay.

"Ano bang tingin mo sakin Brylle? Anak ako ni Reyna Criszette ang makasaysayang estudyante ng Ainabridge Academy tapos tatanungin mo ko ng ganyan. Teka naduduwag ka ba Brylle?" saad ko at bahagyang natawa nung marealized ko kung bakit tinanong niya ko bigla.

Kaya sinamaan niya ko ng tingin at tsaka dumepensa.

"Hindi ah, eh kasi ano.."

"Kasi ano, naduduwag ka? Ponyeta HAHAHAHA." pang-aasar ko pa sakanya kaya lalo niya kong sinamaan ng tingin.

Isa-isa ng pumasok yung mga kasama namin sa hidden wall habang kami ay nagpasyang magpahuli ni Brylle dahil ayaw mauna ni Brylle. Duwag talaga!

"Kyline intayin namin kayo sa labas ng hidden wall mag-iingat kayo.." pagpapaalam ni Jaryl samin. "..pinsan kita, gusto ko parehas tayong ligtas at ililigtas mga magulang natin." he said kaya tinanguan ko lang siya. At tsaka pumasok sa hidden wall.

Ng tuluyang makapasok sa hidden wall si Jaryl ay tsaka ko nilingon si Brylle na nanginginig at halatang kinakabahan. Ponyeta talaga ang duwag.

"Hoy ano, humihinga ka pa ba?" saad at tapik ko sakanya.

"Wala na bang ibang dadaan Ky, bukod diyan." namumutlang saad niya.

"Wala na kaya tara na, pumikit ka nalang ako bahala sayo." saad ko at tsaka hinila siya papasok sa hidden wall. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko.

"Wag kang matakot, andito lang ako Bry. Open your eyes." I said at tsaka niya dahan-dahang binuksan mga mata niya. At saktong tumama yung titig niya sa mata ko.

"Salamat. Mahal na Mahal kita." nakangiting saad niya at tsaka pinagmasdan ang hidden wall na kasalukuyang dinadala kami sa kabila kung saan naghihintay mga kasama namin.

"Close your eyes." utos ko sakanya kaya sinarado niya ang mga mata niya. And I give him a peck of kiss. Na alam kong ikinagulat niya pero tinugon niya ito.

Hanggang sa..

"What the hell?" ring naming sigaw ni Headmistress Mika. Kaya napamulat kami at sabay na inalis ang labi sa isa't-isa at tsaka napalingon sakanila. And guess what? Lahat sila nakatingin samin.

"Tara na, gagabihin na tayo sa daan." biglang saad ko para matakasan yung nangyari at tsaka hinila si Brylle para mauna maglakad.

Bat kailangan nila makita yun, ponyeta.

Jaryl

Di talaga ako makapaniwala sa nakita namin. Kyline and Brylle kissing Infront of us. May part sakin na tinatanong kung paano. May part din naman sakin na masaya ako na finally Kyline is finally healed and finally open her heart for someone.

"Jaryl, alam mo never ko naimagine na madedevelop si Kyline at Brylle sa isa't-isa. Knowing Ky, ilang taon na siyang walang interes sa kahit sino." bulong ni Kuya Gabriel sakin kaya napalingon ako sakanya.

Anyway kasalukuyan na kaming naglalakad para maglakbay patungong Alcania. Nasa ilalim ng dagat yun, kaya mahihirapan at matatagalan talaga kami maglakbay.

"Yeah, nagulat din ako sa nasaksihan ko. Pero honestly, I'm happy for Kyline finally after a long years, okay na siya. And she finally opening for someone." nakangiting saad ko sakanya.

"Eh Ikaw kailan ka aamin Kay Sandiwa Francine?" biglang saad niya na siyang kinagulat ko.

Kaya napatingin ako Kay Francine. Tahimik lang siya, at ni minsan hindi nagkainteres na makipag-usap sa ibang tao. Miski ako never ko siya nakausap, para siyang bituin na sobrang hirap abutin.

Elementary kami nung magkagusto ako sakanya. Despite of her attitude, nagawa ko pa ding maattract sakanya. Simpleng babae lang din siya and she just always focus on her goal.

"Pre, sinasagot ang tanong ko. Wag mo titigan." tapik ni Kuya Gabriel kaya napalingon ako sakanya.

"Wala akong lakas ng loob para umamin Kuya eh. Hindi naman kasi kami close and never ko siya nakausap." sagot ko kay Kuya.

"Why not should give it a try?" he said dahilan para matahimik at mapaisip ako.

"Pero Kuya, baka mareject ako. And knowing Francine hindi siya interesado sa kahit sino. Kasi baka once na magconfess ako, di niya man lang ako pansinin." saad ko kay Kuya kaya napatango nalang siya.

"Sige ikaw bahala wala ka sanang pagsisihan nalang araw." makahulugang saad ni Kuya Gabriel at tsaka ako iniwan at sumabay na sa mga kasama namin.

Anong ibig niyang sabihin?

Allyson

Di ko alam kung anong mararamdaman ko. I felt lost, gustong-gusto ko magbreak down but this is not the right time. Nasa gitna kami ng paglalakbay hindi ka dapat pairalin tong emosyon ko.

Hindi ko dapat unahin tong nararamdaman ko. Kailangan ko iligtas mga magulang ko, mas kailangan ko silang unahin higit pa sa ibang tao.

"Okay ka lang ba Ally?" biglang sulpot ni Cheska sa gilid ko.

Kaya napalingon ako sakanya.

"Actually I'm not. Pagkatapos nung nakita natin. Pero this is not the right time para pangunahan ako ng emosyon ko dahil lang sa nasaktan ako. Nasa gitna tayo ng paglalakbay Cheska at di magtatagal ay bagong digmaan ang magaganap sa Normsantandia. Mas kailangan ko yun paghandaan kaysa ang isipin pa na nasasaktan ako." saad ko sakanya. Nakita ko ang mangha sa mga mata niya.

Dahil ineexpect niya siguro na iiyak ako or aawayin ko sila Brylle, because that's a normal reaction sa kahit sino. Pero kasi hindi na ko bata para ganun yung gawin ko.

Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako kaya napayakap nalang din ako.

"I'm so proud of you, you're so strong sana may lakas din ako ng loob gaya mo." she said kaya kumalas ako sa yakap at tsaka tiningnan siya ng maigi.

"Kaya mo, pero hindi pa ngayon. May tamang panahon para sa lahat Cheska. Magkakaroon ka din ng lakas ng loob sa araw at panahon na hindi mo inaasahan. Basta lagi mo lang tatandaan, nandito lang ako lagi." nakangiting saad ko sakanya dahilan para mapangiti din siya.

At pagtapos nun ay nagkakayaan na kami na sumunod na sa mga kasama namin dahil medyo nahuhuli na kami.

Maging ligtas sana kami sa mahabang paglalakbay na gagawin namin.

Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon