Brylle
Anong propesiya ba pinagsasabi nila? Ako bakit naman ako magiging parte nun? Paano?
Isa lamang akong mababang antas ng mafian dito sa Normsantandia, kaya paanong magiging bahagi ako nito. Kanina pa nila yun pinag-uusapan pero wala pa din akong maintindihan.
"Bry, kamusta pakiramdam mo?" out of nowhere na tanong ni Allyson sakin at sabay tumabi sakin.
Medyo nagulat pa ako na agad ding nakabawi kasi ngayon lang ulit niya ko kinausap eh.
"Okay naman ako." sagot ko sakanya. Magsasalita sana ulit siya kaso nagsalita na si Headmistress Mika.
"Ngayon ay wala ng estudyante rito sa Academy, minabuting itigil muna ang klase dahil sa pagkakasunod-sunod na pagkakawala ng mga magulang ninyo. Lahat tayo walang ideya sa nangyayari. Kaya ang tanging maaari nalang nating panghawakan ay ang propesiya." panimula ni Headmistress Mika.
"Anong propesiya po ba tinutukoy niyo?" nagtatakang tanong ni Gabriel sakanya.
"Ang The Trio's Prophecy, lingid sa kaalaman niyong lahat wala pang naitatakda sa ganitong propesiya. Napakarare ng prophecy na ito. At mas mabigat ito kaysa sa prophecy ng Royal Bond. Dahil sabi sa libro, nagtatakda lang ng Trio's Prophecy pag di ganun kadali ang ating makakaharap at hindi ito magiging basta-basta. Kaya kailangan nating magdoble ingat sa lahat ng gagawin natin. Sa ngayon dito muna tayo sa hide out sa kung saan mismong pinagtaguan ng inyong mga magulang nung humaharap at naghahanda sila sa digmaan nung panahon nila. Ngunit pansamantala lamang tayo dito dahil kaya tayong hanapin ng bagong kalaban dahil sa bilis niyang kumilos." paliwanag ni Headmistress Mika sa amin.
Kaya napatango kami at dun ko lang naintindihan lahat ng nangyayari. At tila isang tao ang sumagi sa isip ko.
"Ina." bulong ko.
Kung nasa kapahamakan na nga ang buong Normsantandia batid kong pati si Ina. At doon nagbagsakan mga luha ko, ngayon lang sumagi sa isip ko na hindi na nga pala nagpaparamdam si Ina sakin.
"Bry okay ka lang ba?" tanong ni Jennifer sakin dahil napansin niyang umiiyak na ako.
"Yung nanay ko, naalala ko siya bigla. Hindi ko alam kung nasaan siya? Nag-aalala na ko sakanya." saad ko kay Jennifer.
"Don't worry kung nasaan man Nanay mo, sigurado akong nasa mabuting kalagayan siya ngayon." pagpapagaan ng loob na saad ni Jennifer sakin.
Di ko na siya sinagot at nakinig na kami kay Headmistress Mika. Sinabi niyang bukas ay aalis kami ng Normsantandia at pupunta sa Alcania ang tagong lugar sa mundo namin. Hindi siya parte ng Normsantandia dahil matagal na itong humiwalay sa Normsantandia, ngunit eto nalang daw ang pwede namang matakbuhan sa ngayon dahil mauubos kami pag hindi pa kami tumakas dito.
Ang Alcania daw ay mundo ng mga serena at tsokoy na humiwalay na ng landas sa Normsantandia.
"Masyadong delikado ang ating pupuntahan ganung batid nating lahat na mailap satin ang mga taga Alcania, hindi ba maaaring sa mundo nalang tayo ng mga tao pumunta." sabat ni Cheska, yung pinakaduwag sa lahat ng Sandiwa at Sandiwu sa Campus na ito.
"Oo pwede tayo sa mundo ng mga tao, pero sana naisip mo din muna na marami tayong madadamay na Mortal na tao.." pagsalungat ni Kyline sakanya na kanina pa tahimik na ngayon lang umimik. "..naalala mo ba yung kwento ng mga magulang natin na may dalawang taga mundo ng mga tao ang nadamay sa gulo dito sa Normsantandia so hindi natin pwede i-risk ang buhay ng mga tao hindi sila pwedeng madamay dito." dagdag pa ni Kyline.
"Tama si Ky, Cheska hindi na maaaring may madamay na naman ng mga mortal. Kaya hanggang maaari dito lang tayo. At sa Alcania kahit mahihirapan tayo, paaamuhin natin sila. Baka eto na rin ang oras para maging maayos at manumbalik ang Alcania sa Normsantandia." saad ni Headmistress Mika kaya napatango kaming lahat.
At ng matapos ang mahabang usapan ang tanging naintindihan ko lang is kailangan daw namin magsanay kaming tatlo nila Francine at Criszette dahil kami daw ang susi sa tunay na kalayaan at katahimikan sa Normsantandia.
At isa lang masasabi ko hindi ako handa sa gantong bagay dahil hindi gantong mundo ang kinalakihan ko.
Kalagitnaan na ng gabi at narito ako sa sala at malalim na nag-iisip. Hanggang sa..
"Bakit hindi ka pa natutulog?" biglang sulpot ni Kyline sa gilid ko.
"Oh ikaw pala Sandiwa Kyline. Hindi pa kasi ako inaantok, pakiramdam ko kasi hindi pa ko handa sa lahat ng to. At hindi ko maintindihan kung bakit napasama ako sa propesiya. Eh ikaw bat di ka pa natutulog?" sagot at tanong ko sakanya.
"Hinahanap ko kasi yung pusa kong gala, kaso nowhere to be found na naman. Lagi nalang yun nawawala at di ko na naman alam kung saan hahanapin yung galang pusa na yun.." paghihimutok niya. Kaya medyo natawa ako, di ko ineexpect na makikita ko yung gantong side niya. Kaya sinamaan niya ako ng tingin. "..oh anong tina-tawa tawa mo diyan. May nakakatawa ba? Baka gawin kitang isda diyan." pambabanta niya sakin.
Kaya nagpeace sign ako sakanya.
"Sorry na! Eto naman, natawa lang ako kasi ang kyot mo pala maghimutok. Nasaan ba kasi yang pusa mo?" nakangiting saad ko sakanya.
"Malay ko dun sa pusa na yun, nagkakagulo nalang lahat-lahat pero yung pusa na yun, ayun pagala-gala lang ang kingina." asar na asar na saad niya.
"Grabe ka naman magsalita sa pusa mo, hayaan mo na. Anyway kamusta pakiramdam mo? Hindi kasi ako nagkaroon ng chance na kamustahin ka kanina." I said and asked on her.
"Okay naman, sanay na ko sa mga ganitong bagay. Kaya ko nga mambasag ng mukha eh yun pa kaya." pagmamayabang niya sa akin.
"Para ka talagang di babae umasta, daig mo pa lalake jusq." di makapaniwalang saad ko sakanya. Kaya sinamaan niya ko ng tingin.
Tumayo siya at inaambaan ako. Kaya napapeace sign ako sakanya.
"Isa pang tawag mo sakin ng parang di ako babae sisipain talaga kita palabas ng hideout." pikon na pikon na bulyaw niya sakin.
Kaya tinawanan ko lang siya. Pasensya na talaga ang kyot niya talagang mapikon sarap siguro pikunin nito araw-araw.
"Joke lang eto naman.." sabi ko at tsaka siya hinila paupo sa upuan at napakabilis ng pangyayari dahil sa paghila ko sakanya nalaglag ako at upuan at napahiga sa sahig at kasabay ng pagbagsak niya sakin dahil hila ko nga siya. So bale nakaharap siya sakin at ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
And the last thing we know is..
We are kissing.At natauhan lang kami ng biglang..
"May tao ba diyan?" rinig naming tanong ni Headmistress Mika kaya hindi kami agad nakagalaw at nanatiling nakatingin sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Savage Sandiwa
Fantasy(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One lies, one secret, and one mistake intertwine to shape the destiny of Kyline, known as the Savage Sandiwa. Date Started: Sept. 14, 2020 Date...